Celebrities express solidarity with victims of super-typhoon Yolanda via social networking sites

Sa pamamagitan ng social networking sites ay ipinararating ng mga artistang gaya nina Sharon Cuneta at Angel Locsin ang kanilang dasal at malasakit sa mga kababayan nating biktima ng mga sakuna. Ganito rin ang nangyari sa pagdapo ng bagyong Yolanda sa bansa noong November 8, Biyernes.


Karaniwan na ang pagpapaabot ng simpatiya ng mga artista sa panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng kanilang accounts sa social networking sites, gaya ng Instagram, Twitter, at Facebook.

Sa panibagong sakuna na dumapo sa Pilipinas sanhi ng super-typhoon Yolanda noong November 8, Biyernes, dumagsa ang pakikisimpatya at pagpapaabot ng dasal ng mga kilalang personalidad sa showbiz sa kanilang social networking site accounts.

Ikinuwento ni Annabelle Rama sa kanyang Twitter account (@annabellerama2) na dapat ay may post-birthday celebration siya noong mismong araw ng bagyo, na handog sa kanya ng kanyang mga anak na sina Richard at Ruffa Gutierrez.

Pero nagdesisyon daw ang kanyang pamilya na huwag na lang magsaya, lalo pa’t marami sa mga kababayan ni Annabelle sa Cebu ay apektado.

Si Annabelle ay tubong-Cebu.

Ipinaabot naman ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng Twitter account niyang @sharon_cuneta12.

Samantala, simple lamang pero makahulugan ang post ni Vice Ganda (@vicegandako): "God bless the Philippines."

Hinimok naman ni Kean Cipriano ang mga biktima na huwag mawalan ng pananampalataya sa kabila ng sakuna.

Madalas na nagiging active si Angel Locsin sa panahon ng kalamidad, partikular na kapag may malalakas na bagyong nananalasa sa Pilipinas.

Sa kanyang Twitter account na @143redangel, pinag-ingat ni Angel ang mga taong direktang tatamaan ng bagyo.

Kasunod nito ay ang panawagan na mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pagpo-post ng hotline ng Red Cross.

Ganito rin ang ginawa ng mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram accounts ay nag-post sila ng mga larawan na nagtataglay ng impormasyon kung paano makakakapag-abot ng tulong ang mga kababayang nais tumulong sa mga biktima ng bagyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN