Claudine Barretto lauds children Sabina and Santino’s outstanding school performance; encourages their responsible usage of social media

Claudine Barretto on encouraging her kids to excel in school: “Sinasabi ko always na ang only obligation talaga nila and responsibilities is to give us high grades, both yung papa nila at ako. Uhm, hindi naman porke’t may problema kami ni Raymart, hindi ko na dinadamay siya sa pag-aaral ng mga bata.”


Proud mommy si Claudine Barretto sa kanilang mga anak ng asawang si Raymart Santiago. Bagamat may pinagdaraanang court battles ngayon ang mag-asawa ukol sa kanilang paghihiwalay, hindi raw nito naapektuhan ang pag-aaral nina Sabina, 9, at Santino, 6.

Si Sabina ay nag-aaral sa isang international school sa may Katipunan Ave., Quezon City, at si Santino naman ay naka-enroll sa Ateneo Grade School.

Sa Instagram page ni Claudine, palagi nitong pinu-post ang mga nakukuhang matataas na marka ng dalawang anak sa kani-kanilang eskuwelahan.

Masayang kuwento ng aktres, “Yup, kasi straight A student si Sabina. Si Santino naman, salamat sa Diyos at hindi naman bumababa sa 97 ang average niya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine sa Society Lounge sa Makati noong November 7, sa advance birthday party ng kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio.

Bukod sa pagiging ina, opisyal din si Claudine ng Ateneo Grade School Parents Teachers Association bilang Assistant Treasurer. Bahagi raw ng kanilang trabaho ang gabayan ang mga bata sa kani-kanilang pag-aaral.

Kuwento niya, “Well, nag-aayos kami ng kung ano man ang mga events na meron sa school. Pagka-walang school... walang pasok, kami rin ang taga-contact sa mga co-parents namin.

“Like ako, hawak ko yung class number 25 to 32… ah 21 to 28 pala hawak ko, so iti-text mo lahat yun kung walang pasok, kung ano yung homework.”

KIDS ARE UNDERGOING COUNSELING. Kasunod na inuusisa kay Claudine ay kung paano nag-a-adjust ang mga bata sa pag-aaral nila at kung wala ba silang mga tanong?

Seryoso niyang tugon, “Marami, marami.

“Pero siyempre, yung kids namin they’re undergoing counseling, and also with the help of the school, of course, they’re very nakatutok, lalo na ang Ateneo.

“At saka yung international school kung saan nag-aaral yung anak ko, si Sab, nakatutok talaga sila sa well-being ng mga anak ko...

“Sa kung anong mga pinagdaraanan, parang they’re very sensitive towards the needs of my children. And they see to it na hand in hand we work together as a team.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya daw tuwing makikita niya ang mga grades ng anak, labis daw siyang natutuwa na hindi apektado ang kanilang performance ng hiwalayan nila ni Raymart.

As a mother, very fulfilling daw ang pakiramdam niya dahil dito.

Saad niya, “Yes, oo, kasi at the end of the day, you can see so many things about a person, pero what’s important is kung anong kinalabasan talaga… kung anong achievements ng mga anak ko. Yun, I think it will speak for itself.”

Para raw magsipag ang dalawang anak sa pag-aaral ay nagbibigay siya rito ng mga papremyo.

Dagdag pa niya, “Sinasabi ko always, na ang only obligation talaga nila and responsibilities is to give us high grades, both yung papa nila at ako.

“Uhm, hindi naman porke’t may problema kami ni Raymart, hindi ko na dinadamay siya sa pag-aaral ng mga bata.

“But we also see to it na kapagka… when they do well sa mga projects nila or sa mga quizzes nila, meron silang mga prizes.

“Kumbaga, meron silang… kumbaga, may mabibigay naman kami na pampremyo para mas ma-excite sila.”

SABINA AND SANTINO ON INSTAGRAM. Kung active si Claudine sa social media gaya ng Instagram, Twitter, at Facebook, sina Sabina at Santino ay aktibo rin sa social media, partikular na sa Instagram.

May kanya-kanya silang account sa photo-sharing website.

Kuwento ni Claudine, pinayagan daw niya ang mga anak na kumuha ng account sa Instagram para maging aware ang dalawa sa mabilis na takbo ng teknolohiya.

Pero nilinaw ni Claudine na “very monitored” daw niya ang mga posts ng mga bata.

Saad niya, “Yes. Pero, very monitored. Very monitored. ‘Coz their friends have, e. So, but like ngayon, pag nakikita ko meron ibang mga comments na hindi maganda, so parang we will have to stop it soon.

“May nakita akong hindi maganda kanina, so I will… kailangan na medyo stop na muna. Or i-private yung account nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But yung kids ko, I want them to grow up, kumbaga, kaya nila yung kung ano man yung sinasabi ng tao at nirerespeto nila ang opinion ng kanya-kanyang tao, di ba?

“Kailangan nilang respetuhin, hindi puwede yung kung ano lang ang gusto natin marinig, yun lang ang itatago natin tapos buburahin na yung ayaw natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN