Sharon Cuneta dismayed by negative reactions to her plea for relief efforts for typhoon victims; hits back at Twitter bashers

Sharon Cuneta says bashers are the last thing anyone needs at a crucial time when everyone should be working to help typhoon victims in the Visayas.


Abala ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagtu-tweet kahapon, November 9, ng mga panawagan niya ng pagtulong para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda sa Visayas.

Ngunit biglang nag-iba ang timpla ng Twitter posts ni Sharon nang may sumingit na “bastos” at “basher” sa usapan nila ng kanyang mga followers.

THE BASHERS. Sa timeline ng mga tweets ni Sharon, may isang oras at kalahati pa lang ang nakakaraan nang nangyari ang naturang sagutan.

Unang tweet ni Alfred Rivera (@alfredriverajr), sinabi nitong, “@sharon_cuneta12 plastik.”

Kasunod pa niyang tweet, ““@sharon_cuneta12 puro ka dada, bkit di mo pa simulan ang pagpa2padala.”

Sagot ni Sharon, “@alfredriverajr usually di na ako pumapatol sa mga mindless na tweets na katulad nito. Pero ngayong gumagalaw lahat para makatulong para sa mga nasalanta, may isang tulad mo na di nag-iisip. Di ba puede magtulungan muna? AT WALA KANG ALAM SA GINAGAWA KO BUKOD SA PAGTWEET AT RETWEET. IKAW, NAKATULONG NA? TUMULONG KA MUNA! Oo GALIT AKO!”

Kasunod pang tweet ni Sharon, “@alfredriverajr BASTOS.”

Sagot ng basher nito, “@sharon_cuneta12 hahaha… bkit ka nagagalit? Edi ok, kung nakapagpadala ka na…salamat! Pero sna bukal sa loob mo ang pagtulong at hindi dahil sa iyong mga hidden agenda SHOWBIZ and POLITICS.”

Dagdag pa nito, “@MNLdestination @sharon_cuneta12 bkit, kabastusan ba magpahayag ng nararamdaman lalo na tungkol sa intension ng isang tao na tumulong?”

Isa pa nitong tweet, “@iamjenniferabu @sharon_cuneta 12 huh! Bka ikaw ang KSP... at may mas KSP pa ba ke SHAWIE?

Dagdag pa niya, “@fannybargola @sharon_cuneta12 oi, kung cno kaman, sa mga salita mo...ikaw ang kampon at higit na mas bastos ka!”

Sa huli sinabi ni Sharon sa isa pa niyang follower, “@jonEugenio1 okay lang expected naman may detractors ang mga artista, pero not at this time kaya galit ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN