Nikki Gil on best way to deal with breakup with Billy Crawford: “I would like to use that nightmare—and turn it into something good, and turn it into a story to inspire other women.”

Nikki Gil talks about moving on after her breakup with Billy Crawford, and how she turns that stumbling block into a steppingstone: “For me, yun lang ang hawak ko. I would like to use that nightmare and turn it into something good. And turn it into a story to inspire other women.”


Mag-aapat na buwan na mula nang maghiwalay sina Nikki Gil at Billy Crawford, at base sa huling panayam sa dalaga, naka-move on na ito sa kanilang breakup.

Pagdating na pagdating ni Nikki sa presscon ng latest endorsement deal niya, kitang-kita ang maaliwalas niyang aura, pati na rin ang kanyang kaseksihan.

Mula raw noong naging single na siya, nagpapaka-abala na raw siya sa pagpapaganda at sa pagtanggap sa mga blessings na dumarating sa kanya.

Bunsod nito, hindi na raw niya nililingon pa ang nakaraan, lalo na raw yung limang taong pakikipag-relasyon niya kay Billy.

Nakaka-intriga naman ang salita ni Nikki, kung saan tinawag nitong “bangungot” ang nakaraan nila ng dancer-singer-TV host.

Kuwento niya sa News5 noong Wednesday, November 6: “For me, yun lang ang hawak ko. I would like to use that nightmare—and turn it into something good, and turn it into a story to inspire other women.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw sila nagkakausap ni Billy. Sa katunayan, pag nagkakasalubong raw sila, hindi niya binabati ang ex-boyfriend.

Saad pa niya, “Then, if I have to be honest, no, no, no, we don’t. We’re not on speaking terms.”

Hindi rin daw siya apektado ng bali-balitang mga sightings kina Billy at ang co-host nito sa It’s Showtime na si Coleen Garcia.

Lahad niya, “Yeah, you know it’s really none of my business na. Parang, at this point, kanila na yun. Hindi ko na issue yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN