Pauleen Luna on boyfriend Vic Sotto: “Basta masaya kami and what we have is something real.”

Pauleen Luna on boyfriend Vic Sotto’s show of support for her new movie, Gaydar: “Ako, natutuwa ako. He’s a mainstream actor tapos kinagat siya sa comedy. I’m just happy na sinuportahan niya ’ko and, of course, sinusuportahan niya yung mga indie films.”


Ipapalabas na sa November 13 ang indie film na Gaydar na tinatampukan nina Pauleen Luna, Tom Rodriguez, at Rafael Rosell.

Sa pamagat pa lang, makikitang may temang kabadingan ang pelikula, pero di gaya ng karaniwang gay films na nagpapakita ng sensitibong mga eksena, ang Gaydar ay isang comedy na pambarkada at pampamilya.

Ang salitang gaydar sa Ingles ay hango sa mga salitang gay at radar, na tumutukoy sa abilidad ng isang taong mabasa kung ang isang lalaki ay bading o hindi.

Sa pelikula, makikita kung magiging epektibo ang gaydar ni Pauleen sa pagkilatis sa kanyang dalawang leading men, na sina Rafael at Tom.

WEAK GAYDAR. Naloka naman si Pauleen dahil, sa presscon, ini-intriga siya kung malakas ang gaydar niya.

Naranasan na ba niyang magkaroon ng boyfriend na mukhang matikas na lalaki sa simula, pero dahil hindi umandar ang gaydar niya, hindi niya agad nabuko na bading pala.

Masaya niyang kuwento, “Mahina ang gaydar ko. I have friends na nalaman ko na lang na bading sila noong nag-out! Non-showbiz friends.”

Nagka-boyfriend na ba siya na hindi niya akalaing bading pala?

“Hindi ko alam,” natatawang sabi niya.

“Hindi ko talaga alam. Mahina ang gaydar ko. I have instances na feeling ko talaga, lalaki. Then, another friend would tell me, gay pala.”

Pilit naman pinagre-react si Pauleen na meron siyang naging boyfriend na gay.

“Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.”

Biro na lang niya, “If you know anyone, feel free to call me. Hahaha!”

Sa ngayon, maraming nakakaalam kung gaano kasaya si Pauleen sa lovelife niya sa piling ng boyfriend na si Vic Sotto, na ni minsan ay hindi napagdudahan ang pagkalalaki.

Pero, kung sakali nga’t nangyari na na-in love siya sa bading, pangangatawanan ba niya ito o igi-give up agad?

“Hindi ko alam kasi, kasi, may mga relationship din naman na isang bading at isang babae. Di ba, may mga nangyayaring ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, respetuhan lang ‘yan. Pero kung sa akin, hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin,” pag-amin niya.



THANKFUL FOR VIC’S SUPPORT. Masaya si Pauleen na sinamahan siya ni Vic sa nakaraang premiere night nila para sa Gaydar.

Dahil kilala si Vic bilang isa sa main hosts ng Eat Bulaga!, ang longest-running show on television, at isa ring premyadong komedyante, tinanong ng PEP kay Pauleen kung ano ang naging pahayag ni Vic tungkol sa pelikula.

Ani Pauleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako, natutuwa ako. He’s a mainstream actor tapos, kinagat siya sa comedy. I’m just happy na sinuportahan niya ’ko and, of course, sinusuportahan niya yung mga indie films.”

Natawa naman ba si Bossing sa pagku-comedy ni Pauleen?

“Noong una, seryoso, poker face! Sabi ko, ’Tumawa ka naman. Kahit show-off lang.’ Hahaha!

“Tapos sabi niya sa akin, ’Ano ka ba, kahit nga sa sarili ko hindi ako natatawa.’ Pero, eventually, nakita ko, tumatawa na siya.

“Kasi, yung role ko, si Tina, hindi naman siya masyadong nalalalayo sa personalidad ko na kikay-kikay. So, siguro, natutuwa siya na nakikita niya ’ko sa role.”

WEDDING PLANS? Going stronger daw ang relasyon nina Bossing (ang tawag kay Vic) at Pauleen.

Ngunit itinanggi ni Pauleen ang usap-usapang may biniling bahay si Bossing para sa kanya sa bandang North.

“Hindi, hindi totoo ’yan. Walang ganun. At saka, sa North? Ayaw nga namin doon dahil ang traffic!” paglinaw niya.

“Basta, masaya kami, and what we have is something real.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Siguro, napag-uusapan, dumadaan lang siya. Pero, nothing serious.”

Anong feeling kapag napag-uusapan ang kasal?

“Siyempre, masaya. Masaya,” nakangiting sabi ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN