LJ Reyes sees nothing wrong with ex-partner Paulo Avelino dating KC Concepcion

LJ Reyes on ex-partner Paulo Avelino dating KC Concepcion: “Kung talaga pong nagdi-date sila, I’m happy for them. Dahil wala naman pong masama dun, kung saan naman po sila happy, magiging happy rin po ako.”


Sa eksklusibong panayam ni Ricky Lo kay LJ Reyes sa Startalk TX kahapon, Sabado, November 9, isa-isang sinagot ni LJ ang mga isyu tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang ex-partner na si Paulo Avelino.

Una ay tinanong ni Ricky si LJ kung may isang taon na silang hiwalay.

Sagot ni LJ, “Wala pa naman po. Medyo matagal, pero hindi pa naman po.”

MORE WORRIED FOR SON AKI’S FUTURE. Kung noon ay naging mailap si LJ sa mga interviews, lalo na kapag ang isyu ay tungkol sa kanila ni Paulo, ngayon naman ay naging mas kumportable at bukas na siyang pag-usapan ito.

Pag-amin ng mahusay na aktres, “Ever since naman po, I try na sagutin ang tanong ng mga tao, but at the same time, tina-try ko pong i-limit, na yung meron pa rin po kaming privacy.

“Especially, siyempre, yung anak po namin, siyempre ngayon nare-record na yung mga interviews, na puwedeng ilagay sa Youtube.

"Na eventually, siguro five years from now, puwede na niyang mapanood ulit... ma-recall niya at mapanood niya.”

Ano ang chance na magkabalikan sila ni Paulo?

“It’s very hard to say, Tito Ricky, kasi nag-try naman po talaga kami.

“Sino naman po ang ayaw ng isang buong pamilya? Pero… iyon lang po,” ang nagsisimula nang mapaiyak na sinabi pa ni LJ.

“Lahat po ng effort, nagawa ko. Sino naman pong nanay yung hindi gagawin ang lahat para mabigyan ng buong pamilya yung anak mo?”

ON PAULO DATING KC. Napag-usapan naman ang tungkol sa pagdi-date umano nina Paulo at KC Concepcion.

“Kung talaga pong nagdi-date sila, I’m happy for them. Dahil wala naman pong masama dun, kung saan naman po sila happy, magiging happy rin po ako,” saad niya.

Never daw silang nag-usap ni Paulo tungkol sa pakikipag-date sa iba.

“Ang pinag-uusapan lang po talaga namin, si Aki,” paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa side naman ni LJ, para raw sa kanya ay hindi pa ito ang panahon para makipag-date siya sa iba.

“Siguro po, puwede po yung labas-labas with friends, pero kung kunwari yung seryosong date, huwag po muna, Tito Ricky.

“Anak ko po muna,” diin niya.

Pinabulaanan ni LJ ang mga bali-balitang may namamagitan sa kanila ng Kapuso actor na si JC de Vera. Magkaibigan lang daw sila ni JC.

Binigyang-linaw din ni LJ ang isa pa ring isyu tungkol naman sa hindi magandang engkwentro niya kamakailan sa ilang miyembro ng entertainment press.

Bilang panimula, ipinaliwanag ni LJ na hindi naging maganda ang mood niya dala ng ilang tanong sa interview.

Kuwento niya, “Sobrang tinry ko po talaga na i-hold back yung na-feel ko dahil, kasi po, ang tanong po sa akin is, ‘Uy, buti okay lang sa ’yo na yung mga libreng oras lang ang ’binibigay sa anak mo?’

“Nasaktan po ako for Aki,” at naiyak muli si LJ.

“Kasi, parang naalala ko lang po lahat-lahat ng pinagdaanan ko para dun sa bata.

“Nanganak po ako sa States mag-isa. Hindi po siya [Paulo] nakakuha ng visa dahil hindi po siya na-grant.

“Gusto ko man pong tapusin yung school ko, uunahin ko po yung anak ko.

“Dun lang po kasi sa tanong, parang nasaktan po ako para sa anak ko, dahil ang dating po sa akin, parang sinasabi nila, parang hindi enough yung naibibigay sa anak ko.

"Ayoko lang po na ma-feel ni Aki yung ganun.

“Siguro, nasaktan din po ako bilang nanay niya, na parang ganun yung… Kasi ayoko naman po na balang-araw mapanood ni Aki yung mga ganoong interview, tapos ganun yung isipin niya.

“Masakit po yun, e, para kay Aki.”

Humingi naman ng paumanhin si LJ sa mga miyembro ng press na nasaktan niya.

Sabi niya, “Gusto ko pong humingi ng pasensiya kung nahirapan po akong ikontrol yung emotions ko nung panahong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since naman po, transparent naman po talaga ako sa mga tao, pero this time lang po talaga, dahil meron nang Aki, I’m trying to be safe.

“Tina-try ko po na yung bawat sagot ko, na kahit po in the future e mapanood ni Aki, hindi siya masasaktan.

“Hindi na po baleng ako na lang ang masaktan. Huwag lang po si Aki.”

Tulad ng sinabi niyang limang taon mula ngayon ay maaaring mapanood ni Aki ang mga interviews niya, ano naman ang mensahe ni LJ para sa kanyang anak, na alam niyang ikatutuwa ng bata kung mapanood niya ito balang araw?

“Aki, super-duper love ka ni Mommy!

“Kahit naman po sino, ang gusto natin ay isang buong pamilya.

“Siguro, gusto ko lang din mag-sorry sa kanya [Aki], na hindi ko po naibigay,” may lungkot na sinabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN