Ariella Arida’s 3rd runner-up finish "most heartwarming moment" in Miss Universe 2013

Ayon sa isang American-based entertainment website na ew.com, kahanga-hanga ang magandang performance ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida sa ginanap na beauty pageant. "Despite the current natural disaster tragedy looming over her home country, Miss Philippines, Ariella Arida, made a brave and elegant showing, cracking the top 16 via a fan vote and eventually earning third runner-up."


Sa gitna ng matinding pinsala na idinulot ng super typhoon Yolanda sa maraming bahagi ng Pilipinas, nagsilbing inspirasyon ang pagkapanalo ni Ariella Arida bilang third runner-up sa Miss Universe 2013.

Mapa-Pilipino man o dayuhan, marami ang napabilib sa ipinamalas na galing at kumpiyansa sa sarili ni Ariella sa ginanap na beauty pageant sa Moscow, Russia, noong Sabado, November 9 (November 10 ng madaling-araw sa Pilipinas).

Nakapasok si Ariella sa Top 16 dahil siya ang pinakamaraming nakuhang social media votes.

Malaking achievement din na maituturing ang kaalamang si Ariella ang nag-iisang kandidata mula sa Asya na nakapasok sa Top 5.

At higit sa lahat, siya lang ang natatanging kandidata na hindi gumamit ng interpreter sa question-and-answer portion.

Ang ibang kandidata na sina Miss Venezuela, Miss Brazil, Miss Ecuador, at Miss Spain ay mas piniling gamitin ang kanilang pambansang wika.

Ang kandidata ng Venezuela na si Maria Gabriela Isler ang itinanghal na Miss Universe 2013.

Read: Ariella Arida is third runner-up in Miss Universe 2013; Miss Venezuela wins crown



“THE MOST HEARTWARMING MOMENT.” Maging ang American website na ew.com (Entertainment Weekly) ay pinuri ang magandang performance ni Ariella sa Miss Universe pageant.

Isang artikulong may pinamagatang “Miss Universe 2013: 10 eye-popping moments” ang nailathala sa naturang website, noong November 10.

Ayon sa writer na si Jennifer Arellano, itinuturing niyang "the most heartwarming moment" ang ipinamalas na galing ni Ariella.

Malaking bagay daw ito upang mabuhayan ng loob ang kanyang kapwa-Pilipino, na dumanas ng matinding sakuna dahil sa bagyong Yolanda, na may international code name na Haiyan.

Sabi ni Jennifer tungkol sa fourth-place finish ni Ariella sa Miss Universe:

“Despite the current natural disaster tragedy looming over her home country, Miss Philippines, Ariella Arida, made a brave and elegant showing, cracking the top 16 via a fan vote and eventually earning third runner-up.

“For a country that’s going through so much right now, though it’s not any consolation for the massive loss of life caused by Typhoon Haiyan, any good news is needed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MISS UNIVERSE BET. Kaugnay nito, dumagsa ang positive feedback ng iba pang dayuhan para kay Ariella sa comments section ng naturang artikulo.

Marami sa kanila ang naniniwalang mas karapat-dapat si Ariella na manalo bilang Miss Universe 2013.

Bukod sa “direct to the point” ang sagot ni Ariella sa question-and-answer portion, nakakabilib daw na siya lang ang natatanging kandidata na hindi gumamit ng interpreter.

Mayroon ding nagsabi na sana ay si Ariella na lang ang nanalong Miss Universe, upang magkaroon siya ng mas maraming oportunidad na magsagawa ng fund-raising activities para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Matatandaang maging ang Miss Universe host na si Thomas Roberts ay inihandog ang mismong beauty pageant para sa mga dumanas ng matinding pinsala ng naturang sakuna sa Pilipinas, pati na sa Vietnam na susunod na destinasyon ng bagyong Haiyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN