Teejay Marquez on crushes Thea Tolentino and Joyce Ching: “Obvious ba na mga chinita ang type ko?”

Teejay Marquez on turning down indecent proposals: “Ayoko naman po maging bastos kaya I turn them down in a very nice way. Sinasabi ko na lang na maging magkaibigan na lang kami.”


Napapanood ngayon si Teejay Marquez sa afternoon drama series na Pyra: Ang Babaeng Apoy bilang si Beto, ang "Fire Boy" sa perya.

Sa istorya, magkakagusto siya kay Pyra, na ginagampanan naman ng bidang si Thea Tolentino, at magiging karibal ng karakter ni Jeric Gonzales.

Ngunit hindi lang daw sa serye gustong makilala nang husto ni Teejay si Thea kundi maging sa labas ng set.

Pagtatapat ni Teejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang makausap namin siya sa taping ng Pyra last week, “I want to know Thea better.

“Ilang beses pa lang po kaming nagkakasama sa Pyra, pero iba ang dating ni Thea sa akin—maganda siya at napakabait.

“Pero ayoko muna siyang pormahan. Maging friends muna kami para mas makilala ko siya nang husto.”

Nag-iingat lang ba siya dahil sa ka-loveteam ni Thea na si Jeric?

Sagot ni Teejay, “Hindi naman po, pero siguro tama lang na maging friends muna kami ni Thea.

“Kailangan makiramdam din ako kasi baka may balak na ligawan ni Jeric si Thea.

"Ayokong magmukhang kontrabida sa team-up nila."

JOYCE CHING. Kung may isa pang gustong ligawan si Teejay, ito ay si Joyce Ching.

Pag-amin uli ni Teejay, “Noon ko pa po sinasabi na sobrang crush ko si Joyce.

“Noong magkasama kami sa Tween Hearts at sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, talagang crush ko na siya."

Tawa pa niya, “Obvious po ba na mga chinita ang type ko?”

Pero inamin ni Teejay na pigil ang kanyang hangaring ligawan si Joyce dahil kaibigan niya si Kristoffer Martin at iisa lang ang manager nila.

Ito ay sa kabila ng balitang break na sina Joyce at Kristoffer.

Sabi ni Teejay, “May respeto ako kay Kristoffer.

“Hindi porke’t nabalitang wala na sila, bigla kong papasukan.

“Siguro mas matimbang ang pagkakaibigan namin ni Kristoffer, kahit na alam niyang crush na crush ko si Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya hanggang crush na lang talaga ako kay Joyce.

"Mahirap na yung makasamaan mo ng loob ang kaibigan mo.”



EARNINGS. Samantala, sunud-sunod ang mga naging trabaho ni Teejay sa bakuran ng GMA Network.

Lumabas na siya sa Kapuso shows tulad ng Walang Tulugan With The Master Showman, Reel Love Presents Tween Hearts, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Time of My Life, Home Sweet Home, at Anna KareNina.

Nagpapasalamat ang Kapuso tween actor dahil malaki-laki na raw ang kanyang naiipon mula sa mga naging trabaho niya.

Aniya, “Konti na lang po at makakabili na ako ng second hand na sasakyan.

“Nagta-taxi lang po kasi ako papunta sa mga tapings. Minsan may sinasabayan akong service ng GMA-7.

“Pinag-iipunan ko talaga ang makabili ng sasakyan para hindi na po ako mahirapan na dalhin parati ang mga gagamitin ko sa taping. Para may mapaglagyan din ako.

“Nag-aral na rin po akong mag-drive para ako na ang magmaneho at hindi na ako kukuha pa ng driver.”



NEW HOUSE. Pagkatapos daw niyang makabili ng sasakyan, susunod naman niyang pag-iipunan ang magkaroon ng sariling bahay.

Pero sa ngayon ay okey naman siya sa bahay nila sa kanilang family compound.

Nag-iisang anak si Teejay.

Lumaki siya kasama ang kanyang mga pinsan kaya ayaw niyang malayo sa mga ito.

Saad pa niya, “Mas pinag-iipunan ko po talaga ang magkaroon ng sasakyan kesa sa bahay talaga.

“Kasi nga po, sa compound kami nakatira kasama ang mga relatives namin.

“Siguro po, ipapaayos ko na lang yung bahay namin sa loob ng compound.

“Masaya po kasi amin. Sa aming mga magpipinsan na lang, para nang may party.

“Ayoko ring umalis sa bahay namin kasi doon na ako lumaki at mami-miss ko ang mga pinsan ko.

“Pag-iipunan ko na lang muna ang pagpapa-renovate ng house namin sa compound.

“Kung sakaling makabili rin ako ng bahay at lupa, investment ko na iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUPER THRIFTY. Maingat si Teejay sa kanyang mga kinikita kaya hangga’t maaari ay iniipon niya ang kanyang talent fee.

Sabi niya, “Hindi naman po ako magastos na tao.

"Lahat ng kitain ko sa tapings at sa mga out-of-town shows, iniipon ko po.

“Thankful nga ako sa mga nagiging sponsors ko, kasi wala akong ginagastos sa mga damit at sapatos.

“Yung mga kailangan sa bahay naman, okey lang na gumastos ako, kasi para naman sa family ko iyon.

“Pero yung mga gimik, ayokong gumastos sa ganyan. Parang sayang lang ang pera.

"Tsaka hindi ako mahilig sa palabas-labas din.

“Unless may manlibre, okey lang!” sabay tawa niya.



INDECENT PROPOSALS. May nagtanong kay Teejay kung nakakatanggap siya ng indecent proposals.

Pag-amin niya, “Maraming beses na po.

“Lalo na yung nagme-message sa akin sa Facebook or sa Twitter.

"Pero siyempre, hindi ko naman ini-entertain.

“Hindi ko naman po alam kung totoo ang mga iyon o baka pinagtitripan lang ako.

“Pero may iba na parang seryoso. Medyo nakakatakot din naman kapag ganoon na po.”

Maayos naman daw ang pagtanggi ni Teejay sa mga nangungulit sa kanya.

“Ayoko naman po maging bastos kaya I turn them down in a very nice way.

“Sinasabi ko na lang na maging magkaibigan na lang kami."

Sabi pa niya, “Iba-iba po ang mga offers nila sa akin.

“Mga malalaki at may kamahalan. Parang ayoko naman mag-take advantage.

“Kaya nga po tayo nagpupuyat sa trabaho para maging proud tayo sa perang gagastusin natin, at hindi galing sa bulsa ng ibang tao ang gagamitin ko.

“Hindi sa pagiging maarte, pero mas masarap pong gastusin ang perang pinaghirapan mong kitain kesa sa iniaabot lang sa ‘yo nang libre.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN