PEP EXCLUSIVE. Jennylyn Mercado on ex-boyfriend Luis Manzano: "Minahal ko talaga si Luis..."

"Kung pupuwede lang na itago ko, at sa aming dalawa na lang at maging pribado, mas okey. Kasi yun ang gusto ko, e. Mas pribado," pahayag ni Jennylyn Mercado tungkol sa naging hiwalayan nila ni Luis Manzano.


“Okay” na raw si Jennylyn Mercado ngayon, isang buwan at kalahati pagkatapos ng breakup nila ni Luis Manzano.

Ito ang sinabi ng Kapuso actress-TV host nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng Sunday All Stars, sa Studio 7 ng GMA Network, kahapon, November 10.

“Okey naman, halos one and a half month na ba? Parang two months na?

“Parang first week of October yun… siguro mga isang buwan at kalahati na,” sabi ni Jennylyn nang kumustahin siya ng PEP.

Isang linggo bago nai-report dito sa PEP ang breakup nina Jennylyn at Luis ay nakapanayam pa namin ang Kapuso star.

Noong panahong iyon ay itinanggi niya ang usap-usapang hiwalay na sila ni Luis.

Ibig bang sabihin ay may pag-asa pang maayos ang problema nila noong panahong iyon?

“Baka sakali,” tugon ni Jennylyn.



SHOCKING BREAKUP. Maraming nagulat sa paghihiwalay nina Jennylyn at Luis.

Sa mga nagdaang interviews kasi ay lagi nilang sinasabing walang problema at smooth-sailing ang relasyon nila.

Paliwanag ni Jennylyn, “Oo, kasi ayaw naman naming i-specify…

“Ako, hindi naman ako nagpapa-interview.

"Alam naman ng lahat na never akong nagsalita about the breakup.

“Hindi sa akin nanggaling ang tungkol sa breakup, alam niyo ‘yan.

“Kung pupuwede lang na itago ko, at sa aming dalawa na lang at maging pribado, mas okey.

“Kasi yun ang gusto ko, e. Mas pribado.

“Alam niyong mas may itatago pa rin para sa inyong dalawa lang.

“As much as I want to keep it private, e, wala, e. Meron talagang mga…

“Kung ako lang ang masusunod, mas maganda naman na magbi-break kayo na may privacy pa rin kahit paano—na sa inyong dalawa na lang.”



THE REASON. Parehong abala sa kani-kanilang mga career sina Jennylyn at Luis.

Ang kakulangan ba nila ng oras para sa isa’t isa ang dahilan ng hiwalayan nila?

“Hindi. Kung anuman ang dahilan, sa amin na lang yun,” pag-iwas ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalita noon na nagpaplano nang magpakasal si Luis.

Pero kapag si Jennylyn naman ang tinatanong tungkol dito, sinasabi nitong wala pa sa isip niya ang lumagay sa tahimik.

Isa ba ito sa rason ng breakup nila?

Umiling ang kauna-unahang StarStruck female winner, “Ay, hindi!

“Wala pa sa amin. Wala pa sa amin yun.

“Hindi pa namin napag-uusapan ang pag-aasawa.”

Nabanggit din ang pangalan ng sexy star na si Yam Concepcion, na sinasabing third party umano sa breakup nina Jennylyn at Luis.

Nauna nang itinanggi nina Luis at Yam na mayroon silang romantikong ugnayan.

At ganito rin ang naging tugon ni Jennylyn.

Nakangiting sabi niya sa PEP reporter, “Huwag ka nang manghuli. E, kasi, wala, e.

“Kung anuman yun, sa amin na lang yun.”



PAINFUL BREAKUP. Ngunit inamin ng 26-year-old single mom na nasaktan siya sa breakup nila ni Luis, 32.

“Lahat naman ng breakup masakit, e.

“Kumbaga, minahal mo yung tao. Marami kang mga naging magandang experience na kasama mo siya.

“At lahat ng breakup, masakit, malungkot.

“Ganun naman talaga. Kasama yun.”

Lalo na kapag ibinigay mo ang one hundred percent mo sa relasyon?

Pagsang-ayon ni Jennylyn, “Oo, dapat talaga pag nagmahal ka, one hundred percent.”

Sa susunod bang relasyon niya ay ibibigay pa rin ni Jennylyn ang 100 percent niya?

Sagot niya, “Dapat one hundred percent pa rin, at wala akong pinagsisihan dahil marami akong natutunan kay Luis.

“Minahal ko talaga si Luis, kaya… all good words for him.”

Ano ba ang minahal niya kay Luis?

“Lahat-lahat, buong pagkatao niya.

“Siyempre, isa na rin, pati mga magulang niya, napakababait sa akin.

“I’m very thankful na naging parte siya ng buhay ko.”

Si Luis ay anak ng actress-politician na si Vilma Santos at ng TV host-actor na si Edu Manzano.



LEAST OF HER PRIORITIES. Kailan siya uli magmamahal?

Pahayag ni Jennylyn, “Ay, wala. Least na yun sa aking mga priorities ngayon dahil… ang hirap, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, siguro masasabi kong matatagalan pa muna bago ako magmahal uli.

“Kasi, parang sa ngayon, hindi yun ang priority ko.

“Lalo ngayon, ang daming pumasok na trabaho, daming blessings.

“Tapos, yung anak ko [Alex Jazz], kailangan din ako. Kaya pamilya muna at saka career.”

Ibig sabihin, hindi muna siya magpapaligaw?

“Wala muna. Ayoko muna… ayoko.

“Ayoko talaga muna. Wala, wala muna.”



NO COMMUNICATION. Nag-uusap pa ba sila ni Luis?

“Hindi, e,” sagot ni Jennylyn.

Nakakabuti ba ito sa kanilang dalawa para mas madali silang makapag-move on?

“Siguro…” matipid na sagot niya.

Paano naman siya nakaka-recover? Ano ang mga naging inspirasyon o sentro ng atensiyon niya?

“Siguro sa tulong na rin ng pamilya ko, mga kaibigan ko.

"Malaking bagay yun, na nandiyan sila sa likod mo,” sabi ni Jennylyn.

POSSIBLE RECONCILIATION. Muli ring itinanggi ni Jennylyn ang pagkakaugnay niya sa ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

“Kumbaga, lagi ko naman sinasabi... di ba, sabi ko naman sa interview sa Startalk na wala akong binabalikan na ex?

“Alam naman ng lahat ng tao ‘yan, e.”

Bakit nga ba wala siya binabalikan sa kanyang mga ex?

“Kaya nga ex, e, bakit ka babalik?

“At saka ano, di ba, alam mo nang may pinagsamahan kayo, di ba?

“Kaya nag-break at naghiwalay ang dalawang tao, kasi hindi nag-work out ang relasyon.

“So, I don’t think na kailangan pang bumalik sa gano’ng sitwasyon.

“Sa akin, hindi ko talaga ugali ang bumalik sa mga ex ko.

“Hindi talaga. Alam ng lahat ‘yan.

“Kahit ligawan pa ako nang husto, hindi na.”

So, wala na ring posibilidad na magkabalikan sila ni Luis?

“Hindi ko pa alam, pero yun ang ano ko, yun ang patakaran ko.

“Pagdating sa lovelife, hindi dapat bumabalik sa ex, ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN