Marjorie Barretto on daughter Julia: "Talagang bawal pa siyang mag-boyfriend."

Ito raw ang paalala ni Marjorie Barretto sa anak na si Julia tungkol sa boys: “Akala mo lang, crush mo lang sa umpisa. Tapos, magiging malapit na kayo sa isa’t isa, palagi na kayong magkasama. Tapos, masasanay ka na palagi kayong magkasama. Tapos, hindi mo alam, nai-in love ka na. Hindi mo na kayang labanan.”


“She’s a blessing. She’s sweet. I can say she is very hardworking now and a very obedient daughter.”

Ito ang paglalarawan ni Marjorie Barretto sa kanyang anak na si Julia Barretto, nang mag-guest ang mag-ina sa Buzz Ng Bayan kahapon, November 10.

Isa sa most promising stars ngayon ng ABS-CBN si Julia.

Maraming nangyayari at puwedeng mangyari sa buhay ni Julia. Hanggang saan makikialam si Marjorie pagdating sa buhay ng anak?

Sagot ni Marjorie, “Sa career niya, hindi ako makikialam.

“Kaya ibinigay ko siya sa Star Magic, sila na ang bahala sa kanya.

“I trust them with her career, nandito lang ako na susuporta as a mother.”

Star Magic, which has the biggest talent pool in the country, is run by Mariole Alberto; its chairman emeritus is Johnny Manahan, the man known as Mr. M.

BOYS. Sa lovelife ng anak?

Sagot ni Marjorie, “Ang palagi kong sinasabi sa kanya, talagang bawal pa siyang mag-boyfriend.

“So, I stopped there. Bawal pa talaga.”

Sixteen years old pa lang si Julia.

Yung pagkakaroon ng crushes, mutual understanding, bawal din?

“Hindi naman siguro,” sabi ng dating actress-politician.

“Maybe she needs a little inspiration also, para when she portrays a role, lalo na yung mga loveteam-loveteam, para maintindihan niya naman kung paano makilig or whatever.”

Tinanong naman ni Boy si Julia kung paano kapag may boys na nagpaparamdam sa kanya.

“I follow her advice,” pagtukoy ni Julia sa kanyang ina.

Ayon naman kay Marjorie, “Nagkukuwento naman siya. Lahat naman, ikinukuwento niya.

“Kapag nasa mood ako, I go along with her story.

“Kapag bad mood, ‘Ay, Julia, hindi puwede talaga.’”

Ano naman ang isinasagot ni Julia?

Sabi ng Star Magic talent, “I say, ‘Yes, Mom.’ And then I will leave the room.

“I don’t want to make the conversation longer anymore. Umaalis na lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marjorie na ang nagbuko kay Julia na ang crush nito ay si Sam Milby.

Saad pa niya, “Ang sinasabi ko sa kanya, ‘Akala mo lang, crush mo lang sa umpisa. Tapos, magiging malapit na kayo sa isa’t isa, palagi na kayong magkasama. Tapos, masasanay ka na palagi kayong magkasama. Tapos, hindi mo alam, nai-in love ka na. Hindi mo na kayang labanan.’”

Sabi naman ni Boy, yun daw kasi ang kuwento ni Marjorie.

“That’s true, that’s her story!” natatawang pagsang-ayon din ni Julia.

Pero naiintindihan ba ito ni Julia?

“Naiintindihan, pero there are times na… that’s her experiences.”

DEALING WITH CONTROVERSIES. Maraming kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ang pamilya Barretto.

Ano ang sinasabi ni Marjorie kay Julia tungkol dito?

“Sabi ko, huwag na lang muna niyang pansinin ang mga negativities going around. Dapat siya yung maging positive,” sagot ni Marjorie.

Ano naman ang isinasagot ni Julia kapag tinatanong siya ng press tungkol dito?

Sabi ng young actress, “I simply say na hindi naman ako involved sa mga nangyayari.

“I’m not involved in any ways sa mga issues ng tita ko or whatever’s happening now.

“So, I’m not… wala ako sa tamang posisyon to comment in any issues.”

Bilang isang ina, ano naman ang sinasabi ni Marjorie kay Julia tungkol sa ama nitong si Dennis Padilla?

Hiwalay na sina Marjorie at Dennis.

Natatawang sagot ni Marjorie, “Hindi ko pinag-uusapan si Dennis masyado sa kanya!”

Sabi naman ni Julia, “I’m okay.

“I know naman, wala nang kailangang pag-usapan pa.”

Dagdag ng 16-year-old, “I love my dad very much. I love my mom very much.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN