Tom Rodriguez wants lovelife to remain private: “Sa akin na lang, para hindi naman ako masiraan ng ulo.”

Aminado si Tom Rodriguez na nakakaramdam siya ng separation anxiety ngayong tapos na ang My Husband’s Lover, ang primetime serye kung saan nakilala siya nang husto.


Dahil sa My Husband’s Lover ng GMA Network, nakilala nang husto si Tom Rodriguez.

Kaakibat ng kanyang pagsikat, mas naging mapanuri at matanong ang kanyang mga tagahanga.

Pero hanggang ngayon ay tahimik ang aktor tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Sa presscon ng pelikulang Gaydar, noong November 8, magiliw na nakiusap si Tom na hangga’t maaari ay gusto niyang maging pribado sa aspeto ng kanyang lovelife.

Sabi ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s something, both of us, that we want to be personal.”

Alam ng press na may girlfriend si Tom, ngunit hindi niya ito gaanong pinag-uusapan sa kanyang interviews.

Sa mga nakakakilala sa girlfriend ni Tom, sinasabing galing ito sa magandang pamilya.

Pagsang-ayon naman ng aktor, “It’s ano nga… that’s why.

“That part of our lives is something we want to keep to ourselves, especially lahat na nga sa buhay ko, para sa publiko na.

“At yun din ang bilin ng parents ko.

"Sabi nila, parang, ‘Lahat ibigay mo para sa masa, para sa trabaho mo. Pero kailangang magtira ka pa rin para sa sarili mo.’

“Yun ang part na gusto ko para sa sarili ko.

"Yung lovelife, sa akin na lang, para hindi naman ako masiraan ng ulo.

“Para at least, kilala mo pa rin sino sarili mo.

"May parte ng buhay mo na sa ‘yo lang.”


PRIVACY. Pero ang fans at ang publiko, madalas ay mas interesado sa aspeto ng lovelife ng kanilang mga iniidolong artista.

Reaksiyon ni Tom dito, “Kaya nga, out of respect lang naman ang hinihingi ko.

“At buti naman, yung iba naman, they understand na out of respect ang hinihingi kong ganoon.

“Kasi, di ba, kunwari, sa totoong buhay, hindi naman ako pupunta sa ‘yo para sabihin, ‘Uy, sino lovelife mo, sino asawa mo?’ Na papakuwento sa ‘yo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s something we have to keep to ourselves—I believe in that.”

Pinag-usapan ba nila ng kanyang girlfriend na umiwas sa ganitong pagtatanong?

“Hindi ganoon. Our parents have the same mindset.

“All I can say, I’m happy,” nakangiting sabi ng 26-year-old actor.



MHL AFTERMATH. May isang buwan na rin ang nakalipas mula nang magtapos ang My Husband’s Lover.

Nami-miss din ba niya ito?

“Sobra, sobra!” pag-amin ni Tom.

“Totoo yung sinasabi na may separation anxiety ka, na mami-miss mo yung routine na gigising ka, may taping.

“May bonding yung buong grupo, lahat kayo magkakasama, nagkukulitan kapag past midnight.

“Tapos, ilang araw kayong nagte-taping, walang tulog, kayo-kayo lang talaga ang magkikita-kita…

“Magpapatawa sa isa-isa para lang mairaos ang taping day.

"Nakaka-miss yung ganoong experience.”

Ano ang ginawa niya para mabitawan ang karakter niyang Vincent?

Saad ni Tom, “Madali lang naman.

"Every time na umuuwi ako, kapag nagdu-drawing na ako, mag-i-sketch or maglalaro ng video games, matutulog, yun, mabilis na akong bumalik kay Tom.”


TOMDEN LOVETEAM. Kahit tapos na ang My Husband’s Lover, patuloy pa rin ang loveteam nina Tom at Dennis Trillo—ang “TomDen.”

May album silang inilabas, ang TomDen, at magkakasama rin sila sa U.S. tour ng My Husband’s Lover ngayong Nobyembre hanggang Disyembre.

Sabi ni Tom, “Sa akin, okay lang naman, trabaho yun, e.

“Buti na lang, kung maipapares ako sa isang lalaki, at least, kay Dennis na kaibigan ko.

"Kumportable naman kami sa isa’t isa.”

Ano pa ang aabangan sa TomDen?

“Yun lang ang hindi namin alam.

“Kasi, feeling ko, magpapahinga muna ako sa ganitong klaseng role, maliban na lang kung si Vincent ulit.

“Kung si Vincent ulit, okay.”

Totoo bang magkakaroon ng Part 2 ang My Husband’s Lover?

Ayon kay Tom, “Hindi ko nga alam, e.

"Kung meron man, same group, ako, excited ako ulit na makatrabaho ang grupo, kasi nami-miss ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sa akin, okay, okay sa akin.

"At saka, may tiwala naman ako sa unit namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN