Derek Ramsay on fundraising efforts for typhoon victims: "I hope and pray that these funds and help get to the people in need."

Ikinatutuwa ni Derek Ramsay na naging matagumpay ang live telethon ng Kapatid network noong Linggo, November 10. Umabot ng P30 million ang nalikom na pledges mula sa donors, na nagpaabot ng kanilang donasyon para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Ikinatutuwa ni Derek Ramsay na naging matagumpay ang live telethon sa programang The Mega and The Songwriter ng Kapatid network noong Linggo, November 10.

Umabot ng P30 million ang nalikom na pledges mula sa donors, na nagpaabot ng kanilang donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, na nanalanta sa maraming lugar sa Visayas at southern Luzon.

Isa si Derek sa TV5 stars na nakilahok sa live telethon.

Sabi niya, “We ended last Sunday night with P30 million, and the telethon continues today.

“And Sharon Cuneta, what a big heart!

"She gave P5 million to TV5 and another P5 million to Aboitiz. Wow!

“But you know, our kababayans need that.

"It’s nice that TV5 continues—it’s not the first time, they’ve done this before—to get the stars and the staff together to help those in need.

"My concern is I hope and pray that these funds and help get to the people in need."

Read: Sharon Cuneta pledges P10M for Yolanda victims; other celebrities sell "pre-loved items" to raise funds

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa store opening ng Foot Massage Lounge sa The Fort, Taguig City, kahapon, November 11.

Bagamat hindi isinasapubliko ni Derek ang personal niyang kontribusyon para sa mga nasalanta ng bagyo, masigasig ang aktor sa paghihikayat sa kanyang Twitter followers na magbahagi rin ng tulong.

Sabi niya, “I’ve made my donations. I don’t like to be vocal about that.

“Our family always comes together. My mom gave me a call this morning.

“She was out buying tents and hygiene stuff to send to the province.”

Maging ang mga kaibigan ng kanilang pamilya ay madalas din daw magbigay ng donasyon tuwing panahon ng sakuna.

Sabi ni Derek, “We always coordinate with some people in Singapore for donations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When Ondoy happened, my mom got a lot of donation from our Singaporean friends there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN