Ruffa Gutierrez moves to another bedroom to attract new relationship

Ruffa Gutierrez on starring in a reality show with her family: "Wala naman kaming itinatago na masama o hindi kanais-nais sa pamilya namin. What you see is what you get. So, I have no problem with camera following me everywhere."


May kinalaman daw sa posisyon ng kama niya sa kuwarto kung bakit matagal nang hindi nagkaka-lovelife ang TV host-actress na si Ruffa Gutierrez.

Base raw sa feng shui, napag-alaman ni Ruffa na dalawang taon na pala siyang natutulog sa “wrong side of the room.”

Kaya ngayon, sa dating kuwarto na raw ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez sa Dasmariñas Village, Makati City, natutulog si Ruffa sa pagnanais niyang magkaroon na ng lovelife.

Ito ang paliwanag ni Ruffa sa mga miyembro ng media na dumalo sa presscon ng upcoming reality show na It Takes Gutz To Be Gutierrez, noong November 7, sa Robinsons Magnolia.



FOREIGNER BOYFRIEND. Ang huling napabalitang boyfriend diumano ni Ruffa ay ang Brazilian businessman na si Eduardo Puertas.

Bagamat madalas siyang maiugnay sa mga foreigner, sinabi ng 39-year-old TV host-actress na mas gusto pa rin niya ang mga Pinoy.

“Kasi ang mga Pinoy, marunong mag-alaga, marunong din magmahal.

“Pero siguro, yung mga Pinoy na nai-in love sa akin, lahat nasa showbiz, kasi sila lang ang nakakausap ko, e.

“Ang foreigners naman, nandiyan din sila, pero hindi mo puwedeng pilitin ang puso mo if ever you fall in love.

“It doesn’t really matter if he’s Pinoy—as long as nagmamahalan kayo,” saad niya.



COMPLETE FAMILY. Wala naman daw magiging problema sa dalawang anak ni Ruffa, sina Lorin at Venice Bektas, kung magkaroon muli siya ng karelasyon.

“They are open na,” nakangiting sabi ni Ruffa.

“As a matter of fact, feeling ko, nami-miss nga nila na magkaroon ako ng karelasyon, na puwedeng maging close sa kanila.

“Kasi I never introduced them to anybody.

"But now, feeling ko, open na sila, gusto na nilang magka-baby ako."

Ang panganay ni Ruffa na si Lorin ay 10 years old na, habang si Venice naman ay nine.

Nakikita ba ni Ruffa ang sarili na magkakaroon ng isa pang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Well, for me, whatever comes, why not?

"I’ll embrace it. Bata pa naman ako.

“But for now, I’m happy with my two kids—sila yung priority ko.

“And if ever I’ll end up with a partner, who’s not more on children, at least I was able to have children.”

Wala rin daw isyu kay Ruffa kung divorced man ang lalaking mamahalin niya, basta binata.

May age requirement ba siya?

“Well, sabi lang ng mga anak ko, huwag lang line of two. Huwag namang twenty years old.

“Puwedeng thirties or forties, kasi line of three naman ako..."

Pero dagdag niya, "Sana older."



REALITY SHOW. Ang It Takes Gutz To Be Gutierrez ay ang reality show ng pamilya Gutierrez, sa pangunguna ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Tampok din siyempre rito ang mga anak nilang sina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond, at Ritchie Paul.

Ipapakita raw dito ang magiging “journey” ng pamilya Gutierrez sa isang Asian vacation.

Dahil isa itong reality show, may mga pagpipigil ba si Ruffa sa mga dapat niyang sabihin o gawin?

Tugon niya, “As of now, wala. I’m very open.

“Kasi, like what my dad says, wala naman kaming itinatago na masama o hindi kanais-nais sa pamilya namin.

“What you see is what you get.

"So, I have no problem with camera following me everywhere.”

Kung wala silang itinatagong magkakapatid, sino ang pinakamayaman sa kanila?

“Si Richard!” natatawang bunyag ni Ruffa.

“Magastos ako, e. Kapag may pera ako, nahahawakan ko lang siya nang konti.

“Hindi ako masyadong marunong mag-save, nagagastos ko agad.

“Sa tingin ko, si Richard ang pinakamayaman.”



NON-EXCLUSIVE. Bagamat wala pang regular show ngayon si Ruffa, mas madalas siyang napapanood sa mga programa ng ABS-CBN.

Sabi niya tungkol dito, “Well, you know, kasi ang maganda sa ABS at saka sa relationship namin, we never burned the bridges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, masarap na lahat kaibigan mo, lahat puwede mong katrabaho.

"So, wala kaming bad blood.

“I’m just very happy and very fortunate that, you know, wala kaming negativities between us.

“And, as a matter of fact, I was with Ms. Charo Santos [ABS-CBN president] for a shoot na lalabas sa December.

“And she even asked how are my kids and what am I doing.

“So, you know, I’m just very grateful that I have a lot of projects with them.”

May posibilidad bang maging Kapamilya siyang muli?

Sabi ni Ruffa, “Well, let’s see. I don’t want to close any door with that.

"At this point, I’m taking things one step at a time.”

Anong format naman ng show ang gusto niyang gawin?

Aniya, “I would love to do drama again, and I would love to do comedy.

“Basta sa akin, basta may trabaho, okay sa akin.

"I would love to do comedy, drama, and I wanna host again.

“I feel that’s really my forte, and that’s what I missed doing the most.

“And one of the best times and most memorable times in my career was when I was hosting The Buzz with Ms. Kris Aquino and Boy Abunda.

"And that’s also the show that I left for TV5.

“I remember, I had a lot of good days there and everyone remembers our time together.”

Sa TV5 naman, nag-expire na raw ang kontrata niya kaya “free” na siyang magtrabaho sa kahit anong network.

“But, most of my projects are in ABS-CBN.

“But, I think, I would love to have it that all the artists can work in all the stations, like before.

“Kasi, sayang naman kung mabuburo lang tayo sa isang station.

“So instead of being Kapuso, Kapatid, masarap din minsan na maging ’Katrabaho.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MMFF MOVIE. Kasama rin si Ruffa sa cast ng 2013 Metro Manila Film Festival entry na Girl Boy Bakla Tomboy, na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Maricel Soriano.

Ginagampanan ni Ruffa rito ang papel ng girlfriend ni Joey Marquez.

Sabi niya, “Kaka-resume lang namin, kasi natengga kami ng two weeks.”

Unang pagkakataon din na makatrabaho ni Ruffa si Vice.

"Oh, Vice is such a joy to work with!" bulalas niya.

"Napaka-clever niyang artista, kasi hindi na sinusunod ang script, e.

"Kung ano ang eksena... magaling siyang mag-improvise.

“Silang dalawa ni Direk Wenn [Deramas], masasabi ko, with that combination and, siyempre with me as their lucky charm, sa tingin ko, magiging blockbuster ang pelikulang ito at magiging number one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN