Richard Gomez appeals for help: “Sana umabot naman sa Ormoc.”

"Humihingi po kami ng tulong. Sana po tulungan ninyo ang Ormoc City at ang fourth district of Leyte. Kami po ay tinamaan din nang diretso ng bagyong Yolanda. Sana makapagpadala rin po kayo ng tulong," pakiusap ng aktor na si Richard Gomez.


“Humihingi po kami ng tulong.

"Sana po tulungan ninyo ang Ormoc City at ang fourth district of Leyte.

"Kami po ay tinamaan din nang diretso ng bagyong Yolanda."

Ito ang pakiusap ni Richard Gomez sa mga gustong tumulong para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Sa phone interview ng Kris TV kay Richard kanina, November 12, sinabi ng aktor na hindi umaabot ang relief goods sa ika-apat na distrito ng Leyte.

Ang maybahay ni Richard na si Lucy Torres-Gomez ang kongresista sa naturang lugar.

Kahapon, November 11, ay nagtungo sina Richard at Lucy sa Ormoc, lulan ng isang helicopter, upang personal na alamin ang extent ng damage na ginawa ng bagyong Yolanda.

Sa video na in-upload ni Richard kaninang madaling-araw, ipinakita niya ang estado ng mga lugar sa Ormoc na nasalanta ng super typhoon.

Sa ngayon, ayon kay Richard, “Wala pa talagang relief effort na pumapasok doon.

"Paano kasi, lahat nasa Tacloban lang.

“From Tacloban, di naman sila makalabas outside of Palo, because yung mga kalsada doon, talagang blocked pa din ng mga debris, mga bagsak na poste at bagsak na puno.”

Ang Tacloban City ay nasa unang distrito ng Leyte. Dito matatagpuan ang airport, kung saan ilalapag sana ang relief goods na dadalhin ng mga sasakyang panghimpapawid mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Richard, bukod sa problema sa mga daraanang kalsada, mula Tacloban to Ormoc, may mga insidente rin kung saan hinaharang na ng mga tao ang mga truck na may dalang relief goods.

Mas makabubuti raw kung ang relief goods na para sa fourth district ng Leyte ay manggagaling sa Cebu, na maaaring dalhin sa pamamagitan ng sasakyang panghimpapawid at pandagat.

Sabi pa ni Richard, “Hopefully, in the coming days, ay may dumating ng relief efforts.

“Kami ni Congresswoman Lucy, tuluy-tuloy ang tawag namin sa iba’t ibang foundation, iba’t ibang NGOs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, on Wednesday ay pumasok na silang lahat.

“May mga kaibigan kami na mayroon ding kaibigan na nagpahiram ng eroplano, na magdadala ng relief goods sa Ormoc City, kasi open naman yung airport namin doon, e.”

Asam pa ng aktor, “I’m hoping and praying in the coming days na sana yung DSWD [Department of Social Welfare and Development], yung DTI [Department of Trade and Industry], yung Red Cross, sana doon naman mag-focus, doon naman magdala ng relief goods.

“Marami ring nasalanta ng bagyo doon. Yung mga tao, they’re starting to get hungry.

“Wala rin silang bigas, wala silang pagkain, walang tubig, at saka walang shelter.”



REBUILDING EFFORTS. Bukod sa relief goods, umaasa rin sina Richard at Lucy na makakuha ng tulong mula sa gobyerno upang makapagpatayo ng mga tirahan, at tulungang mabigyan ng kabuhayan ang mga biktima ng bagyo.

Sa pag-iikot ni Richard sa mga nasalantang lugar sa fourth district ng Leyte, naisip niya na ang pagre-rebuild ay maaaring matagalan.

“Kasi ang laki ng extent ng damage.

“As a matter of fact, tinitingnan namin yung conditions ng powerlines, siguro mahina dito ang isang buwan na wala kaming kuryente.

“Sana yung mga oil company, sana pumasok na rin sila sa amin.

"Yung mga pier sa amin, nagagamit na.

“The city is really running low on fuel.”

Kaya naman sa bandang huli ng panayam, muling umapela si Richard sa mga taong gustong tumulong:

“Sana makapagpadala rin po kayo tulong.

“Napakalaking tulong po maski konti. Kayo na po ng bahala.

“Malaking tulong na po ‘yon para sa lahat.”



TRANSPARENCY. Samantala, sa hiwalay na panayam ng Kris TV kay Lucy kahapon, tiniyak ng kongresista na magiging transparent ito sa lahat ng mga donasyong matatanggap ng kanyang opisina para sa mga nasalanta sa kanilang lugar.

Ani Lucy, “As much as possible, when I started asking for donations, gusto ko talaga, in kind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ayokong mabahiran talaga, especially ang init-init ng PDAF issue.

“So, we set up a website specifically for the purpose lang of transparency and accountability, and for people to have easy access kung saan at paano sila makatulong.

“In the website, all those who donated will be listed there and corresponding donation, and who will receive those donations.

“I want them to see kung sino ang matutulungan nila.

“I just want to give proper credit talaga, where credit is due.

“Then, may nagtatanong, ’Kailangan i-announce kung sino tumulong?’

“Sabi ko, yes, kailangan i-announce kung sino yung tumulong—hindi dahil nagmamayabang.

“Gusto kong malaman ng mga natulungan kung sino yung tumulong at para malaman ng mga tumulong kung sino ang natulungan nila.”

Isa sa mga nagbigay ng tulong ay ang host ng Kris TV na si Kris Aquino, na nagbigay ng P400,000 para sa mga taga-Ormoc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN