Ryan Agoncillo returns to GMA via game show; clarifies his contract is not exclusive

Bukod sa paghu-host ng isang game show, bukas din si Ryan Agoncillo na gumawa ng isang soap opera. Saad niya, “Given the opportunity, yes. Pag meron at tama sa oras, at hindi masyadong maaapektuhan ang Eat Bulaga!, walang problema.”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay maghu-host ng isang game show si Ryan Agoncillo.

Ito ay sa pamamagitan ng Picture! Picture! ng GMA.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan noong Lunes, November 11, sa green room ng Studio 7 ng GMA Network Center, habang dinner break sa taping ng kanyang programa.

Bukod sa Picture! Picture! ay napapanood din nang regular si Ryan sa Eat Bulaga!, ang noontime show na ipinuprodyus ng TAPE Inc. at ipinapalabas sa GMA.

Bagamat dalawa na ang programa niya sa Kapuso network, nilinaw ni Ryan na hindi exclusive ang kontrata niya sa GMA.

Saad niya, “Sa ngayon, well, parang yung iba nating Dabarkads—sina Bitoy [Michael V], sina Bossing [Vic Sotto]—per program muna.

"Kasi mahirap din. As of now, kailangan mamili.

"Kasi siyempre, pag daddy ka na, pag popsie ka na, hindi naman puwedeng basta-basta na lang na...

"Halimbawa, hindi rin ako masyadong maka-commit ng tambak na trabaho.

“I mean, I’d love to have the opportunity to work in a lot of shows, but siyempre, family time, I can’t sacrifice din naman too much.

“So, for now, [pero] program muna.”

May dalawang anak si Ryan at ang misis niyang si Judy Ann Santos—sina Yohan, 9, at Lucho, 3.

EXCLUSIVE CONTRACT. Ayaw ba niyang magpa-exclusive sa kahit anong network?

Paliwanag ni Ryan, “Welll, iyon nga, I have to be ano rin kasi...

"I have to be kind of mapili with the projects, kasi nga, yung oras din sa pamilya.

"Hindi ko rin naman kaya na... siyempre gusto naman natin na marami tayong trabaho, marami tayong pambayad sa tuition fee.

"Pero the time constraints, you know?

“I can’t... not like yung mga binata natin na kasama or mga dalaga, who can work really long hours and not go home ng ilang araw, medyo parang wala sa priorities natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, of course, Eat Bulaga! is a daily show.

"I am committed also to doing Eat Bulaga! every day, so marami ring masasagasaan.

“So there’s a little complication, but I hope it gets ironed out.

"Though, sa ngayon, per show muna because of the time constraints.”

THREE MAJOR NETWORKS. Ngayon nasa GMA ulit si Ryan ay naikot na niya ang tatlong major TV networks sa bansa.

Matatandaang nagsimula si Ryan sa morning show ng GMA na Mornings@GMA, na kalaunan ay naging Unang Hirit.

Noong 2001 ay lumipat siya sa ABS-CBN.

Habang nasa ABS-CBN si Ryan ay nagkaroon din siya ng show sa TV5, ang Talentadong Pinoy.

Pagbabalik-tanaw ng 34-year-old TV host-actor, "I stayed mga eight years din sa ABS [from 2001 to 2009].

"May time pa na I was doing Talentadong Pinoy [sa TV5] already, while I was still doing Fear Factor and George and Cecil in ABS.

“And then, pumasok na ako sa Eat Bulaga! [in 2009], so there was really a time na tatlong stations yung... there’s a good year that I was working with three stations.

“So now that we’ve moved on from Talentado for a while, e, dito muna... balik-GMA.

"And it’s my first game show ever. So, it’s very exciting,”

Paano ang negosasyong naganap? Nahirapan ba siyang tanggapin ang Picture! Picture!?

Sagot ni Ryan, “Hindi naman, maganda naman yung naging usapan.

"Because it was offered to me long time ago.

"But, ang nangyari kasi, we wanted to finish muna the Talentadong Pinoy finals.

“My contract kasi expired with TV5, January pa lang, but the show ended around August.

"And Picture! Picture! was offered middle of the year, before Talentadong Pinoy ended.

"But siyempre, out of respect for TV5, we didn’t entertain negotiations first.

“And then, pagkatapos na pagkatapos nung show, yun nga, iyon yung na-dengue ako, kaya na-delay yung mga negotiations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So finally, eto na, I’m doing my first-ever game show and I’m back sa GMA.”

Sa GMA lang muna ba siya may show?

“For now, yes, yeah!” bulalas niya.

Pero bukas pa rin naman daw si Ryan na muling makapagtrabaho sa ibang networks.

“Oh, yeah, definitely.

"I mean, I’d like to believe na maganda yung relationship ko sa mga stations na napagtatrabahuhan ko.

"For now, though, I’m concentrating on Picture! Picture!—and iyon yung bago kong baby.”

WHAT ABOUT ACTING? Nag-guest si Ryan sa last episode ng GMA primetime series na My Husband’s Lover.

May posibilidad ba na gumawa rin siya ng regular soap balang-araw?

Sagot niya, “To act? Yeah! Well, if there’s an offer.

"Kasi dun ko naman na-meet si Juday, di ba?"

Ang tinutukoy ni Ryan ay ang ABS-CBN primetime soap na Krystala (2004-2005), kung saan naging leading man siya ni Judy Ann.

Dagdag ni Ryan, “I tried acting in a soap, and may mga pailan-ilan na soap din naman ako na nagawa.

"So, given the opportunity, yes.

“Pag meron at tama sa oras, at hindi masyadong maaapektuhan ang Eat Bulaga!, walang problema.”

CHRISTMAS. Pareho sila ni Judy Ann na walang entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, kaya magiging mas bongga raw ang kanilang selebrasyon ng Pasko.

Sabi ni Ryan, “Actually, excited kami.

"Kailan ba... mga nakailang taon na rin... actually matagal. Ilang taon na sunud-sunod na may festival [entry].

"At excited kami to just really celebrate Christmas dito sa Pilipinas.

“Hindi naman po kami umaalis, we usually leave January pag tapos na yung...

"Kasi dito, masarap kasama yung ano... masarap yung fact na gumising nang hindi mo alam ang gagawin mo.

"Kasama mo lang ang pamilya mo the whole day, punta kayong mall or sa park or whatever.

“And then, usually, yung bakasyon namin comes in January, post-Christmas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN