Jessy Mendiola on suitors Jake Cuenca and Sam Milby: “Steady lang kayo.”

Jessy Mendiola has high praises for co-star Pokwang in Call Center Girl: “Sa totoong buhay, napakamaalagain niya, napakabait niya, at nakapa-responsible niya bilang isang ina. At kung makakatrabaho mo siya, marami kang matutunan at malalaman na dadalhin mo talaga habang buhay.”


Marami ang nakakapuna na pursigido si Jake Cuenca sa panunuyo kay Jessy Mendiola, ang leading lady niya sa teleseryeng Maria Mercedes.

Balita ring mahilig magbigay ng kung anu-anong regalo si Jake sa dalaga.

Ang pinakahuli nga raw ay isang pares na Dr. Martens black boots na binili pa ng aktor sa Amerika.

Kinumpirma naman ito ni Jessy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media sa presscon ng Call Center Girl noong Linggo, November 10.

Sabi ni Jessy, “Actually, hindi lang naman iyon yung regalo ni Jake.

“Talagang ganoon lang si Jake, even with his other leading ladies, like sina Shaina [Magdayao] at Bangs [Garcia].

“Binigyan din niya ako ng bag at may isang time na pag-open ko ng van ko ay may isang malaking bouquet of roses.

“He’s really thoughtful... Jake is really thoughtful and sweet.

“Kahit lahat ng tao ay iniisip nila na si Jake ay maangas, mayabang. But in real life, he’s a real gentleman.”


GIMMICK? May ilang nagsasabi na baka gusto lang ni Jake na i-boost ang loveteam nila sa Maria Mercedes kaya ginagawa nito ang “panliligaw" sa kanya.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Jessy.

Aniya, “Hindi naman dahil sa promo, hindi naman.

“Kasi kung promo, e, talagang pinu-push namin na, ‘Oo, nanliligaw sa akin siya at nagbibigay siya.’

“Pero hindi, e. It’s really happening na nagbibigay talaga siya.

“Like nga yung boots, noong nasa States siya, talagang nag-text siya and sent me pictures ng boots...

“Kung ano talaga ang gusto ko doon at sinabi ko yung red. Pero binigyan niya ako ng black, kasi walang red.

“Nakakatuwa, kasi it’s a real effort. And I don’t want people to think na promo lang yun, kasi totoo naman.

“At saka sa taping, hindi kami nagkakasama. Unit 1 siya, Unit 2 ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung huling pagsasama namin, hindi ko na nga maalaala.

“Pero yung presence niya, lagi niyang ipinararamdam.

"Like, tini-text niya ako na, ‘Our show is doing well.’”



JUST GENEROUS. Masasabi ba ni Jessy na consistent si Jake sa panliligaw sa kanya?

Sagot ng 20-year-old actress, “Actually ngayon, wala akong nararamdaman na panliligaw kahit kanino, dahil kahit pagtulog ay hindi ko nadadama.

“Pero si Jake? Busy rin naman siya... wala naman.

“Alam naman ni Jake at alam naman ng tao na I’m not ready for another relationship.

"Whatever comes, whatever will happen, will happen.

“Sa ngayon, ang alam ko ay magkatrabaho kami ni Jake at kaibigan ko rin siya—thoughtful siya at sweet siya.”

Sa efforts na ginagawa ng kanyang leading man, hindi ba niya kinu-consider ito bilang isang paraan ng panliligaw?

“No,” mariing sabi niya.

“Kasi si Jake is a very generous person.

“Lahat ng tao ay lagi siyang nagbibigay ng regalo. Yun yung isa sa bilib ako kay Jake.

“He’s very thoughtful, hindi lamang sa akin na leading lady niya, kundi sa lahat.

“Right now, I don’t see it as super-panliligaw.

"Kasi, yung panliligaw ay mararamdaman mo lang kung feel na feel mo na.

“Right now, we’re at the stage na magkatrabaho kami and we’re taking time.

"Kasi, mukhang matagal-tagal pa ang pagsasama namin sa show.”



IN COMPETITION. Nabalita ring nanliligaw kay Jessy si Sam Milby, kaya marami ang nais malaman kung sino sa dalawa ang mas lamang sa puso ng dalaga.

Nangingiting tugon ni Jessy, “Walang lamangan, pareho silang... wala naman akong panahon para mag-isip tungkol sa lamangan.

“Yung si Sam, ganoon pa rin naman, consistent siya. He’s always communicating with me.

“Kumbaga, wala kaming... kumbaga, lagi pa rin kaming nag-uusap.

“Kung nasa States siya, lagi pa rin siyang nagme-message sa akin.

“Nagla-line pa nga siya sa akin, nag-download pa nga siya ng stickers para makapag-line sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-line talaga siya ng stickers para maipadala sa akin.

“Kapag galing siyang States, may dala siyang pasalubong, yun.

"Ganoon pa rin siya, the usual Sam na kilala natin.”

Between Jake and Sam, sino sa palagay niya ang magpapatibok sa kanyang puso?

“Sa trabaho... kasi wala na akong panahon sa sarili ko,” nakangiting pag-iwas niyang sagot.

“Ayaw ko na munang sagutin ‘yan, kasi bakit kasi may ganoon?

"Bahala na muna siguro si Lord kung sino ang ibibigay niya sa akin.

“Sa ngayon, wala... wala muna akong nararamdaman.

“Andiyan lang sila... steady lang kayo."

Nagtatanong ba si Sam tungkol kay Jake?

“No naman,” pagtanggi niya.

“I don’t think na it’s a bad issue or something.

“May kanya-kanya naman silang paraan at may kanya-kanya naman kaming oras.”



ROM-COM MOVIE. Inilunsad sa isang presscon noong November 10 ang pelikulang Call Center Girl, kunsaan kasama sa cast si Jessy.

Sabi niya tungkol sa pelikula, “Masaya ako kung nasaan ako...

“Masaya ako na single ako, masaya ako na nakakatanggap ako ng blessings.

“Tulad ng Call Center Girl, na isang malaking project ito para sa akin.

“It’s a little bit of drama, pero comedy siya, and first time kong gumawa ng comedy.”

Puring-puri rin ni Jessy si Pokwang bilang katrabaho.

“I’m really blessed na nakatrabaho ko si Mamang [tawag nila kay Pokwang].

“Kasi mahal ko talaga si Mamang bilang isang aktres at bilang isang comedienne... idolo ko siya.

“At sa totoong buhay, napakamaalagain niya, napakabait niya, at nakapa-responsible niya bilang isang ina.

“At kung makakatrabaho mo siya, marami kang matututunan at malalaman na dadalhin mo talaga habang buhay,” saad ni Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN