Ariella Arida says failing to win Miss Universe crown is a “blessing in disguise”

Ariella Arida dedicates her third runner-up win in the Miss Universe 2013 pageant to the victims of Super Typhoon Yolanda: “Sabi ko sa sarili ko talaga na, ‘It’s really for the Philippines itong laban ko talaga.’ From the start, iyong… naging mas meaningful kung ano man iyong makukuha ko, and thank God dahil kahit papaano, di ba, malaking achievement na rin sa akin ito.”


Walang bahid ng pagsisisi si Ariella Arida na hindi niya naiuwi ang korona ng Miss Universe 2013.

“Blessing in disguise” kung ituring ng dalaga ang pagkakapuwesto niya bilang third runner-up sa international beauty pageant, na naganap noong November 9, sa Moscow, Russia.

Read: Ariella Arida is third runner-up in Miss Universe 2013; Miss Venezuela wins crown

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ariella kagabi, November 12, sinabi nitong: “I’d rather choose na umuwi ng country ko, makatulong, kaysa mag-travel around the world, tapos malilimutan ko lang kung ano iyong nangyayari.”

Laman nga ng isip ni Ariella ngayon ang kalagayan ng survivors ng lumipas na Super Typhoon Yolanda.

Sa ngayon, pinaghahandaan na niya ang kanyang mga gagawin upang makatulong sa mga nasalanta.

“Ngayon, since iyong nangyari recent pa lang, and since kadarating ko pa lang, ngayon pa lang ako puwede na feeling ko makakapag-suggest ako,” sabi niya nang tanungin kung ano ang mga hakbang na gagawin niya, kasama ng Binibining Pilipinas Charities Inc. na siyang nagma-manage sa kanya.

“Wala pa naman [concrete plan], but I really want to go there if possible.

“Pero since nga iyong situation ngayon is parang it’s not advisable yet to go, parang I’ll let them decide.”

FIRST NEWS ABOUT YOLANDA. Habang nasa Moscow at naghahanda para sa kanyang laban sa Miss Universe, ano ang mga unang nabalitaan ni Ariella tungkol sa bagyo?

“Nalaman ko na agad what happened sa astrodome noong umaga ng pageant, November 9,” sabi niya.

Ang tinutukoy niya ay ang Tacloban City Astrodome sa Leyte.

Ayon sa report ng Sun Star Tacloban noong November 7, ginawang temporary shelter ang lugar para sa humigit-kumulang 500 na pamilya na nakatira sa high-risk areas.

Ito ay bilang paghahanda ng local government ng Tacloban sa malakas na paghagupit ng bagyo.

Sa kasamaang palad, nag-collapse ang ilang bahagi ng astrodome sa kasagsagan ng bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa report ng GMA News noong November 9, pinangangambahang libu-libo ang na-trap at namatay sa loob ng astrodome.

Sabi ni Ariella, “Doon ko mismo nakita sa feed ko sa Facebook na 1,000 dead daw agad doon sa nangyari, na parang na-wash away lahat buong astrodome.

“Ayun nga, sobrang ang lakas ng ‘Oh, my God!’ ko, akala ni Riza kung anong nangyari.”

Ang tinutukoy na "Riza" ni Ariella ay si Riza Santos, ang half-Filipino na kinatawan ng Canada sa Miss Universe 2013.

Dating naging contestant si Riza ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at napabilang sa cast ng ilang TV shows tulad ng Palos (2008), at pelikula gaya ng Dobol Trobol (2008).

Kuwento pa ni Ariella, “Nandoon siya sa C.R., tapos sabi ko, ‘Oh, my God, the whole astrodome, which served as an evacuation center, biglang na-wash away siya!’

“So, pati siya, sobrang, ‘Oh, no! Ano’ng nangyayari?’

“Kahit ako din, parang… Isipin mo, parang imposibleng mangyari, pero nangyari, kaya heartbreaking siya.

“So, iyon, ta’s parang naano ako na, parang sabi ko sa sarili ko talaga na, ‘It’s really for the Philippines itong laban ko talaga.’

“From the start, iyong… naging mas meaningful kung ano man iyong makukuha ko.

"And, thank God, dahil kahit papaano, di ba, malaking achievement na rin sa akin ito.”

MISS UNIVERSE HELP. Sa ngayon ay wala pang nababalitaan si Ariella kung ano o kung mayroon bang balak ang Miss Universe Organization na tumulong sa mga nasalanta ni Yolanda.

“Wala po silang nasasabi, pero I know Russia donated na, e, pero I don’t know how much.

“But I think magdo-donate din sila [Miss Universe Organization], kasi siguro din, during that time, hindi pa nila naisip if kung ano’ng gagawin kasi busy sila sa Miss U.

“Pero iyong i-dedicate nila iyong show mismo for the Philippines and for Vietnam, sobrang laking appreciation iyon na concerned sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang naging reaksiyon ni Ariella nang banggitin ni MSNBC anchor Thomas Roberts, isa sa hosts ng Miss Universe 2013, na dedicated ang gabing iyon para sa Pilipinas at Vietnam?

“Nabigla po ako, actually.

"Kasi during our rehearsal—e, every day kaming nagre-rehearsal—never naman nilang nasabi iyon, during that night lang.

“So, sobrang, ‘Wow! Concerned talaga sila.’”

Maging ang president ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart ay nagparamdam din ng kanyang pag-aalala sa bansa.

“Even the official na matataas, si Miss Paula, they keep on asking me na, ‘How’s the Philippines?’

“Ganoon, so feel mo talaga na they’re really concerned sa nangyayari dito.

“And when they look at me, unang tingin niya pa lang sa akin, ayun na kaagad iyong concern niya—kung kumusta iyong mga relatives, family ko sa Philippines and mga Filipinos.”

BIRTHDAY WISH. Sa nalalapit na 26th birthday ni Ariella sa November 20, ano ang hinihiling niyang regalo?

“More of donating siguro.”

Hinihikayat nga ni Ariella ang kanyang fans at iba pang kapwa Pilipino na tumulong sa kahit anong paraan para sa mga biktima ng bagyo.

Bukod doon, siya rin mismo ay magdo-donate mula sa price package na napanalunan niya sa Miss Universe.

Ayaw na niyang ipabanggit kung magkano ang halaga na kanyang napanalunan, pero sinabi niya na malamang ay i-donate na niya ang buong halaga ng kanyang cash prize.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN