Ken Chan dismayed by Jake Vargas’s appearance at Bea Binene’s album launch

Ken Chan does not discount the possibility of a relationship with Bea Binene: “Hindi naman malayong mangyari yun, e. To be honest, sa isang magkaibigan ay puwedeng mangyari yun, e. Pero masaya na kami ni Bea na hanggang doon lang.”


Lingid sa marami, sumama ang loob ni Ken Chan pagkatapos ng launching ng second album ni Bea Binene, ang Dito Sa Puso Ko, na ginanap sa Harrizon Plaza, Manila, noong November 9.

Sa show kasi, marami ang nagtaka at nagulat, pati na si Ken, nang mag-duet sa kantang “Mahal Kita, Walang Iba” onstage sina Bea at Jake Vargas.

Si Jake ang ka-loveteam at ex-boyfriend ni Bea.

Ang akala ni Ken ay naroon lang si Jake para samahan si Bea, na muli nitong nililigawan ngayon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa telepono kahapon, November 13, inalam namin ang kanyang saloobin tungkol sa pangyayari.

Sabi niya, “Oo nga po.

“Nag-react nga sina Mommy at Daddy dahil feeling nila ay nalagay ako sa alanganin.”

Si Ken ang featured artist sa Dito Sa Puso Ko, kung saan may dalawang siyang solong kanta at tatlong duets kasama si Bea.

Paliwanag ni Ken, “Ako kasi ang featured artist, kami ni Bea ang ibinebenta ng PolyEast Records, tapos biglang magdu-duet silang dalawa.

“Nagulat din po ako, pero wala naman akong magawa, tumahimik na lang po ako.

“Wala naman pong sinabi sa akin ang organizer ng show na kakanta rin pala si Jake.

“Show po kasi namin yun ni Bea at, sa pagkakaalam ko, kaming dalawa ang pinu-promote, pati yung album.

“Bilang professional na tao, tumahimik na lang ako at itinuloy ang show.

“Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako magre-react that time.”



WHO’S TO BLAME? Sa obserbasyon ng ilang audience, tila kabastusan ito sa parte ni Jake, na hindi bahagi ng album launch o maging ng mall show mismo.

Hindi ba nagreklamo si Ken sa tila pambabastos sa kanya?

Tugon ni Ken, “Hindi naman po, pero ang alam ko, daddy ko, nagreklamo sa PolyEast.

“Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya kasi sa Chinese ang usapan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang pagkakaalam ko, aalamin nila kung paano nangyari yun, kung sino ang may kasalanan—ang organizer ba mismo ng show o ang mga taga-PolyEast.

“Ako naman, nangyari na yun, ano pa ba ang magagawa ko, di ba?

“Baguhan lang naman ako at hindi ko hawak ang show o ang promo ng album.”



BEA’S SIDE. Naitanong na ba niya kay Bea kung bakit nangyari iyon?

“Hindi pa,” halatang may tampo sa boses ni Ken.

“Alam naman niya yun, hindi ko na siya dapat kausapin, alam naman niya yun.

“Hindi ko rin kasi alam kung sino ba talaga ang nagdesisyon, pero sana, alam nila na hindi tama yun."

Tila mayroon ding "organized" JaBea fans sa audience na may dala-dalang placards and posters nina Bea at Jake.

Sila raw ang nagsisigawan at nagtitilian habang kumakanta sina Bea at Jake, pero halatang tumahimik sila nang nagdu-duet sina Bea at Ken.

Pananaw ni Ken, “Hindi ko alam kung pangsasabotahe yun, kasi sa isang side, nandoon talaga ang JaBea fans.

“So, parang ‘Ano ‘to!?’

“Basta kumanta na lang ako, nag-duet kami ni Bea, kasi yun naman talaga ang dapat naming gawin.

“Pero oo, aaminin ko, nailang ako.

“Hindi naman ako nagagalit sa kanila o kina Jake, pero parang hindi tama, di ba?

“Hindi naman kasi siya part ng album at hindi naman siya part ng GMA Artist Center.”



STILL FRIENDS. Ibig bang sabihin ay maaapektuhan na ang pagkakaibigan nila ni Bea?

Mabilis na tugon ng 19-year-old Walang Tulugan mainstay, “Hindi naman po.

“Maging kami ni Jake, walang problema sa aming dalawa.

“Okey naman kami ni Bea. Simula’t sapul ay magkaibigan kami at hindi naman yun maaapektuhan ng kahit ano.”

Kahit may nagsasabing nagkabalikan na sina Bea at Jake?

Nangigiting sabi ni Jake, “Ako, I’m happy kung nagkabalikan man sila.

"Alam naman natin na noong nagkaroon ng conflict sa kanila, doon ako sumalo bilang kaibigan ni Bea."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Ken sa breakup nina Bea at Jake, dahil sa pagseselos ni Jake kay Ken, na itinuturing ni Bea na kaibigan.

Saad pa ni Ken, “Ginabayan ko siya [Bea] bilang friend... alam kong mahihirapan siya noon na mag-adjust nang magkahiwalay sila ni Jake.

“Ngayon, I’m really happy na yung goal ko na mapasaya si Bea ay natupad.

“And, I think, she’s happy with Jake and I’m happy for both of them.”

Sa huling panayam namin kina Ken at Bea, nabanggit nila na nakalagay sa kanilang puso ang pangalan ng isa’t isa.

Buong akala ng lahat ay mauuwi ito sa magandang pag-iibigan, pero tila naunsiyami na ito ngayon.

Ano ang pakiramdam ni Ken?

Paliwanag niya, “Nakita naman po ng mga tao na sobrang close kami ni Bea dahil sa sobrang saya naming dalawa.

“Parehas kami ng hobbies, parehas kaming mahilig sa pagkain at sa sports.

“Kaya nga inaakala ng mga tao na mapupunta sa ganoong relationship na inaakala ng iba.

“Hindi naman malayong mangyari yun, e.

“To be honest, sa isang magkaibigan ay puwedeng mangyari yun, e.

"Pero masaya na kami ni Bea na hanggang doon lang.”


HURTING STAGE. Diretsahan namin siyang tinanong kung nasa “hurting stage” siya ngayon?

Sagot ni Ken, “In the first place, aaminin ko na mahal ko talaga si Bea.

“Pero nangako ako kay Tita Carina [Bea’s mother] na hanggang doon lang, bilang magkaibigan lang.

“Basta I’m really happy for them kasi I’m happy with my life also.

“Ayaw ko nang makigulo.

"Kasi noong time na nakasama ako sa gulo nila [Jake at Bea], hindi naging maganda ang tingin sa akin ng fans nila...

“Which is wrong, kasi nandito lang naman ako bilang kaibigan ni Bea.

“Ngayon, tingnan mo, very sweet sila.

"Heto na ang katuparan ng pinaghirapan namin ni Bea—ang maging masaya siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN