KC Concepcion donates P5 million to Yolanda victims

Kris Aquino announces KC Concepcion’s donation on Kris TV: "I salute you, KC, for this act of generosity, na extreme generosity talaga. Nakakabilib talaga. Hindi ikaw ang nagyabang nito, ako ang nagpaabot, and I asked your permission.”


Inanunsiyo ni Kris Aquino sa kanyang morning talk show na Kris TV kaninang umaga, November 13, ang P5-million donation ni KC Concepcion para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Sabi ni Kris, “It’s a personal donation of P5 million from Ms. KC Concepcion."

“Here," patuloy ni Kris, ‘The three million for the immediate Yolanda efforts and the other two million for whatever rebuilding will occur.’”

Ayon pa sa TV host-actress, hiningi niya ang permiso ni KC para i-announce sa publiko ang kanyang ginawang pagtulong.

Ito ay para maipaalam kay Sagip Kapamilya program director Tina Monzon Palma, na kasama ni Kris kanina sa programa, ang donasyon ni KC.

Pagkatapos nito ay pinuri ni Kris ang ginawa ni KC, na paminsan-minsang nakakasama niya bilang co-host sa Kris TV.

Sabi ni Kris, "I salute you, KC, for this act of generosity, na extreme generosity talaga.

“Nakakabilib talaga.

“Hindi ikaw ang nagyabang nito, ako ang nagpaabot, and I asked your permission.”

Bukod sa pinansiyal na tulong, humihingi rin ngayon ng donasyon si KC para sa isinasagawang relief operation ng World Food Programme, kung saan nahirang siya bilang local ambassador.

Sa ngayon, kahit abala si KC sa shooting ng Boy Golden—isa sa mga kalahok na pelikula sa 2013 Metro Manila Film Festival—patuloy pa rin ang paghingi ng tulong ni KC sa pamamagitan ng Twitter at Instagram.

Una nang nagpaabot ng tulong pinansiyal ang ina ni KC na si Sharon Cuneta.

Noong Linggo, November 10, nag-pledge ang Megastar ng P10 million, na hahatiin niya sa Aboitiz Foundation ng Aboitiz Group at Alagang Kapatid Foundation ng TV5.


Read: Sharon Cuneta pledges P10M for Yolanda victims; other celebrities sell "pre-loved items" to raise funds


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN