Sisters Vina Morales and Shaina Magdayao seek help for typhoon victims in Cebu

Sisters Vina Morales and Shaina Magdayao, who grew up in Cebu, appeal to the public to also bring aid to Yolanda victims in northern Cebu.


Gustuhin mang magsaya ngayon ng magkapatid na Vina Morales at Shaina Magdayao dahil sa pagiging ligtas ng kanilang lola, hindi nila ito magawa dahil alam nilang marami pa ang mga biktima ng bagyong Yolanda ang nangangailangan ng tulong.

Nagawa kasi mailipad nina Vina at Shaina ang kanilang lola at iba pang mga kaanak, mula Tacloban papuntang Maynila, pagkatapos ng delubyong iniwan ng bagyong Yolanda.

Sabi ni Vina, sa panayam sa kanila ni Kris Aquino kaninang umaga, November 13, sa programang Kris TV, “Lola is with us now, and my uncle and my pamangkin. We’re very happy.

"Pero dahil sa mga pangyayari, hindi mo pa rin masasabi.”

Dagdag pa ng actress-singer, “Nag-uusap nga kami ni Karla kanina, e, hindi ka puwedeng mag-rejoice at this time.

"But, of course, everyone should be hopeful na makita nila ang pamilya nila."

Katulad ni Vina, nangamba rin si Karla Estrada, ina ng young actor na si Daniel Padilla, dahil hindi sila agad nakakuha ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang ina na nasa Tacloban din.

Samantala, naging emosyunal sina Vina at Shaina habang isinasalaysay ang ilang araw na pag-aalala nila sa kanilang lola at iba pang kamag-anak, na nakatira sa Tacloban.

Sabi ni Shaina, "She’s ninety-two kaya talagang kinakabahan kami.

“The first 24 hours, no contact at all.

“After a day, saka kami nakatanggap ng word na buhay sila from a friend.

“Pero wala pa ring communication, kasi wala pa ring signal.”

Sabi ni Shaina, naoperahan ang kanyang lola sa kanyang hip bone, kaya mahirap para rito na bumiyahe nang malayo.

Inabot ng halos 48 oras bago nila makumpirma na maayos ang kalagayan ng kanilang lola, sa pamamagitan ng kanilang tiyuhin.

Dahil sa kundisyon ng kanilang lola, nagpasya sina Vina, Shaina, at iba pa nilang kapatid na magpadala ng pribadong transportasyon sa Tacloban para maiuwi ang kanilang lola at ilang pang kaanak dito sa Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran ni Vina, “Kasi sa mga ganyang pangyayari, hindi mo na maisip.

“Gusto mo lang ay mailabas sila doon at mabigyan ng kumportableng sitwasyon si Lola.

“So, lahat kami, napag-usapan, kaya yung transporation ay ginawa namin ‘yon for my lola.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Shaina sa mga tumulong sa kanila para makuha ang kanilang lola.

Aniya, "We are very thankful na okay na si Lola, my nephew and my uncle, pero mahirap pa rin.

“Kung pwede lang salbahin sila lahat doon.

“Kaya nagpapasalamat kami sa lahat ng tumulong sa amin.

“Our prayers are with their family.”



HELP NORTHERN CEBU. Kahit nasa mabuting kalagayan na ang kanilang lola, patuloy naman na nakikiusap ang magkapatid na magbigay ng tulong sa iba pang nasalanta ng bagyong Yolanda.

Partikular na sa northern Cebu, kung saan lumaki ang magkapatid na Vina at Shaina.

Panawagan ni Vina, “I just wanted to regram sa Bogo, sa northern Cebu, doon kami lumaki.

“Nananawagan din sila kasi sa Daanbantayan ay badly affected sila, sa San Remigio, two hours away from northern Cebu.”

Nabanggit din ni Vina na bilang tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo, magasasagawa siya at ilang Cebu designers ng fashion event.

Sabi niya, “Magkakaroon kami ng 2-in-1 na event fashion show and a concert.

“We are still planning for northern Cebu, maybe November 24.

“It’s a Sunday, sa Cebu kami magko-concert. Let’s support that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN