Karla Estrada and son Daniel Padilla worried about relatives in Tacloban

“Wala naman sa edad, walang teens-teens pagdating sa pagtulong. Lahat tayo pare-pareho ng pagtulong. Depende lang ‘yan kung paano ka tutulong,” says Daniel Padilla about the youth being involved in helping Yolanda victims.


Nasa mabuting kalagayan na ang lola ni Daniel Padilla sa Tacloban, Leyte.

Ito ay kinumpirma ng ina ni Daniel na si Karla Estrada umaga ng Myerkules, November 13, sa programang Kris TV.

Subalit nilinaw ng aktres na, taliwas sa unang naibalita, hindi pa sila nagkikita ng kanyang ina, pati ang kanyang kapatid na lalaki at pamilya nito.

Sinubukan daw ni Karla na pumunta sa Tacloban, pero hanggang Bicol lamang ang kanyang inabot.

Nalaman na lamang niya ang tungkol sa kalagayan ng ina at kapatid sa pamamagitan ng text message mula sa kanyang tiyuhin.

Naiiyak na kuwento ni Karla, “They know, me. Hindi nila ako mapipigilan ng kahit na sino.

“But, noong sinabihan na ako ng okay [na si Mama], doon ako napigilan na parang, ‘Okay, may mga anak ako sa Manila.’

“Okay naman na sina Mama, sige, babalik ako, babalikan ko muna yung mga anak ko.

“The reason kung bakit ako susugod sa Tacloban, kahit sinasabi ng iba na, ‘Huwag kang pumunta dito, baka kung ano ang gawin nila sa ’yo,” hindi ko sila naririnig.

“Kahit siguro gula-gulanit akong makarating sa nanay ko, kailangan ko silang mapuntahan.

“Kahit na siguro maabutan ko sila nang patay o buhay pa, pareho pa rin, pupunta pa rin ako.

“Hindi ko naman kayang isama ang nanay ko sa mass grave. Ganun na yung nasa isip ko.”

Ang Tacloban City ang isa sa pinakagrabeng nasalanta ng super typhoon Yolanda.



DANIEL, WORRIED TOO. Katulad ng kanyang ina, kinabahan din daw ang young actor na si Daniel Padilla para sa kanyang lola.

“Siyempre, kamag-anak ko ‘yon. Paano kung sa ’yo nangyari yung ganun?” sabi ni Daniel nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, matapos ang fashion show ng SM Accessories kagabi, November 12.

Dagdag pa ng Got To Believe actor, “Ako naman, sobrang panic din naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pray lang nang pray, at talagang iniisip ko na talagang walang sukuan.”

Samantala, nanawagan si Daniel sa mga Pilipino na ipagpatuloy lamang ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Aniya, “Kailangan talaga yung tulong, e.

"Siyempre, kababayan, lahat tayo rito magkakapamilya."

Hinimok din ni Daniel ang mga kapwa niya kabataan na tumulong sa mga naging biktima ng bagyo.

Sabi ni Daniel, “Wala naman sa edad, walang teens-teens, pagdating sa pagtulong.

"Lahat tayo pare-pareho ng pagtulong. Depende lang ‘yan kung paano ka tutulong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN