Sharon Cuneta slams "congressman" for marking relief goods with his own name

Binatikos ng Megastar na si Sharon Cuneta ang diumano’y maling gawain ng isang pulitiko at isang organisasyon kaugnay ng pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.


Naglabas ng kanyang saloobin ang Megastar na si Sharon Cuneta kaugnay ng mga pangyayari sa relief operations para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Nitong mga huling araw, isa ang Megastar sa naging aktibo sa pagre-retweet ng mga mensahe ng kanyang followers, na nagpapatulong na mahanap ang kanilang mga kamag-anak na biktima ng bagyo.

Maagap ding nagbigay ng sampung milyong pisong donasyon ang actress-TV host para sa mga biktima ng kalamidad na tumama sa Pilipinas.

Idinaan ni Sharon ang kanyang donasyon sa dalawang foundations—P5 million sa Alagang Kapatid Foundation at P5 million din sa Aboitiz Foundation.

Read: Sharon Cuneta pledges P10M for Yolanda victims; other celebrities sell "pre-loved items" to raise funds

Kagabi, November 13, pinasaringan ni Sharon sa kanyang Twitter account (@sharon_cuneta12) ang isang "congressman" na naglalagay raw ng kanyang pangalan sa relief goods, at isang "reputable org" na ang volunteers ay nagtatabi diumano ng relief goods.

Ito ang sunud-sunod na tweets ni Sharon:

"My God... If it’s true that our kababayan haven’t eaten in 4-5 days, then I am infuriated. No people deserve to wait that long for EMERGENCY RELIEF!"

"I just heard that in some place where goods are being repacked for distribution, may nakuha pampapel na politiko -- in one place, CONGRESSMAN -- at nilalagyan ng pangalan nya ang packs!!! KAPAAAAL!!!!!"

"I hear somewhere in Pasay naman, where a certain reputable org is also repacking, "TINATABI" ang mga delatang IMPORTED para sa sarili nila!!! MAHIYA NAMAN KAYO!!!"

"The very kindhearted Doctors without Borders have come to help. Problem is, they cannot yet set-up their makeshift clinics as there seem to be problems coordinating with people here! I do not know why they cannot get themselves together --- after all, we are in a state of emergency --- that even donated relief goods & direly needed doctors & meds cannot be brought to those who most need them. I hope this is by now OLD NEWS at nagawan na. Ng paraan. Otherwise --- ANO BA ANG NANGYAYARI??!!!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN