CNN anchor Anderson Cooper clarifies report on government relief efforts in Tacloban; ignores Korina’s broadside

Ito ang paliwanag ng CNN anchor na si Anderson Cooper sa nabalitaan niyang pagkadismaya sa kanya ni DILG Secretary Mar Roxas: "The Interior minister, he’s upset with me saying that I tweeted something like there’s no government presence here. There’s certainly government present. What I was saying—and I didn’t tweet at all—that I have not seen a big relief effort out in communities by Philippine military personnel during


Nagpaliwanag si CNN anchor Anderson Cooper sa programa nitong Anderson Cooper 360º, ngayong umaga, November 14, tungkol sa nabalitaan niyang na-upset sa kanya si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Ito ay may kinalaman sa alleged tweets ni Anderson na wala ang presence ng gobyerno sa rescue and relief operations sa Tacloban City, isa sa pinakamalubhang natamaan ng bagyong Yolanda.

Read: CNN anchor Anderson Cooper says there’s "no real evidence of organized recovery or relief"; local celebs wonder why

Dalawang beses nagpaliwanag si Anderson—sa umpisa at sa katapusan ng live telecast ng kanyang programa mula sa Tacloban City.

Sa pag-uusap nila ng CNN international correspondents na sina Paula Hancocks, Andrew Stevens, at Nick Paton Walsh, nilinaw ni Anderson na hindi siya nag-tweet na walang government presence sa Tacloban City.

Aniya, “I just want to reiterate, there’s apparently some belief among the Filipino government...

"The Interior Minister [Roxas], he’s upset with me saying that I tweeted something like there’s no government presence here.

"There’s certainly government present.

"What I was saying—and I didn’t tweet at all—that I have not seen a big relief effort out in communities by Philippine military personnel during the search for bodies.

"Do you all agree with that? What do you say?" tanong pa niya sa mga CNN international correspondents.

Umayon naman ang kanyang mga kasamahan.

Sabi ni Paula, “There’s no systematic search for survivors.

“They’re very sensitive to people saying this is slow, but you gotta say what you see.”

Nagkaroon ng isyu tungkol sa mga report ni Anderson sa CNN dahil nag-react kahapon, November 14, si Korina Sanchez sa radio program nito sa dzMM, ang Rated Korina.

Si Korina ang asawa ni Secretary Roxas.

Ayon kay Korina, mali-mali ang reports at hindi alam ni Anderson ang mga sinasabi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Nagpaliwanag si Anderson dahil nalaman niyang upset sa kanya si Secretary Roxas, at hindi dahil sa mga batikos sa kanya ni Korina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN