Christian Bautista to seek help from Japan for typhoon victims in the Philippines

Christian Bautista on the looting on the ground that followed Yolanda: “Pag di ka na kumakain, di ka na natutulog, parang ano pa ba yung gagawin natin? I’ll go crazy if especially I have my kids. Pero, dapat merong higher thinking. I will not hurt my fellow Filipino, who is experiencing the same thing, just for my gain. Tulungan dapat.”


Isang makabuluhang event ang dadaluhan ni Christian Bautista sa Japan sa November 28.

Ito ay ang ASEAN-Japan Music Festival—Music For Healing After The Earthquake.

Si Christian ang kakatawan sa Pilipinas sa music festival na ito, na dadaluhan din ng iba’t ibang sikat na musicians mula sa Asya.

Nilalayon ng music festival na mabigyan ng pag-asa ang lahat ng naging biktima ng 2011 Tohoku earthquake sa Japan, sa pamamagitan ng musika.

“It’s remembering the friendship that the ASEAN nations brought to Japan during that time,” pagtukoy ni Christian sa 2011 earthquake na nagdulot ng malaking pinsala sa Japan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa isang press conference na ginanap sa Universal Records office, sa Quezon Avenue, Quezon City, noong November 13, Miyerkules.

HELP FOR TYPHOON VICTIMS. Pero kung noong una raw ay dadalo si Christian upang mag-perform lamang, ngayon ay may mas malalim na raw siyang pakay.

Ito ay ang humingi ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda.

Saad ni Christian, “I’m now coming from the Philippines, being devastated by the biggest typhoon.

"And now, it’s gonna be more of an appeal to ask for more help, and to learn how did they recover [from the 2011 earthquake].

“So, mas yun ang goal ko.”

Iyon nga lang, nalungkot ang balladeer sa mga insidente ng “looting” sa mga apektadong lugar sa Leyte, pagkatapos ng nakapanlulumong kalamidad na tumama sa bansa.

Binanggit pa nga ni Christian na noong maranasan ng Japan ang earthquake at tsunami noong 2011, disiplinado pa rin ang mga Hapon.

Pero mabilis na paglilinaw ni Christian tungkol sa mga biktima ng bagyo sa Visayas, “I do not judge the looters.

“Pag di ka na kumakain, di ka na natutulog, parang ano pa ba yung gagawin natin?

“I’ll go crazy if especially I have my kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dapat merong higher thinking.

"I will not hurt my fellow Filipino, who is experiencing the same thing, just for my gain.

"Tulungan dapat.”

Dagdag pa ni Christian, “Sa Japan, pila ‘yan. Pila-pila. Maayos.

“Ano ba ‘yon? Is it culture, government? It is enforcement.”

Dagdag ni Christian, kung nagawang bumangon ng Japan, pagkatapos ng trahedya noong 2011, naniniwala siyang makakabangon din ang Pilipinas mula sa pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda.

“Naniniwala ako, after a few years, makakabangon tayo dito at tayo naman ang tutulong sa iba.

“The whole world is looking at the Philippines right now —Hollywood celebrities, Europe…. everybody.

“Pagdating ko diyan [sa Japan], kasi nire-represent ko na yung bansa na kailangan ko ng tulong, so ano’ng gagawin nila?

"Hihingi pa rin ako ng tulong.”


CHOOSING HIS ROLES. Samantala, ang huling acting project ni Christian ay ang With A Smile sa GMA Network.

Pero sa ngayon daw ay wala pa siyang kasunod na proyekto.

“We’re picking what the best role is—if it’s a hosting show or acting show.

“I just don’t want to get anything, so we still have to meet with GMA, what plans for the next year."

Inusisa ang balladeer kung ibig bang sabihin nito ay namimili na siya ng mga proyekto.

Paliwanag niya, “Yung pagka-choosy kasi, dapat makakatulong sa ‘yo.

“Kaya ka naman choosy kasi makakatulong sa ’yo, na mapapaganda ang buhay mo in terms of work.

“Ganun na rin ang approach ko ngayon.

“What wil bring me to the next level? What project will increase my talent?

“Hindi lang ’Give me money and exposure.’

“When you’re twenty [years old], lahat susubukan mo para ma-experience mo lahat talaga.

“As you get older, malalaman mo what works and what not works.

"So, dun ako sa mga what works, and then ano pa yung gusto kong gawin,” paliwanag ng singer-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN