Sherilyn Reyes lashes back at Instagram bashers calling her insensitive: "Life can’t stop for us who are alive!"

Hindi napigilan ng aktres na si Sherilyn Reyes na sagutin ang ilang bashers niya sa Instagram, na nag-akusa sa kanya na "insenstive" siya, dahil sa pagpu-post ng larawan ng branded bags na ibinibenta niya samantalang ang dami raw nagugutom ngayon dahil sa bagyong Yolanda.

Buwelta ni Sherilyn, "Ang dami kong di pinopost because I am sensitive enough to know na maraming di kumakain ngayon. Pero I cannot stop my business, kasi buhay pa kami."<


Isa sa sinasabing negatibong epekto ng social networking sites—gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram—ay ang pag-usbong ng "bashers."

Sila ang mga taong panay ang batikos at gumagamit ng masasakit na salita tuwing nagpu-post ng kanilang mga komento, na kadalasan pa ay wala sa lugar.

At ang kadalasang "biktima" ng bashers na ito ay ang mga artista.

Sa kabila ng kanilang estado, may ilang artistang hindi napipigilang sumagot o pumatol sa mga bashers na ito, lalo na kung sa pakiramdam nila ay sobra na ang pagbatikos o pangungutya sa kanila.

Dagdag na sa listahang ito ang aktres na si Sherilyn Reyes.

SHERILYN ANSWERS BACK. Kagabi, November 14, ay hindi napigilan ni Sherilyn ang kanyang sarili na sagutin ang ilang followers niya sa Instagram.

Nag-umpisa ito nang nagpasalamat si Sherilyn (@sheyrtan) sa organic rice na ibinigay sa kanya mula sa Lanao del Norte.

Dalawang Instagram users ang nagkomento pagkatapos nito.

@annahleahlopez: “Unfollow ka teh.. Daming nagugutom oh!! Puro ka pasarap.”

@haniejhoyforever: “korek!!!”

Malaking posibilidad na ang tinutukoy ng dalawang Instagram users ay ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda, na hindi pa naaabutan ng relief goods.

Agad namang ipinagtanggol ng iba niyang followers si Sherilyn, kabilang na ang kanyang mister na si Chris Tan (@chrisdtan).

Sabi ni Chris: “@annahleahlopez HaHaHa! All these calamities around us & you still have the time to think of bad things to say or do. God bless your dirty soul!!!”

Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Sherilyn ang lahat ng mga nagtanggol sa kanya:

“thank you guys! Hayaan nyo na… Puro pasarap daw wala naman sila alam sa nangyayari o ginagawa ko… I don’t see anything wrong with posting a pasalubong na pinapapromote ng nagbigay…”

Ngunit hindi pa rito nagtapos ang pagbatikos ng ibang followers naman kay Sherilyn.

Pinuna ng mga ito ang pagpu-post ni Sherilyn ng mga larawan ng branded clothes and bags na ibinibenta niya, at pati na ang mga larawan ng kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni @realm2013: "will u stop such things! Ur selfish! Personally wala ka naman tulong naibibigay puro lang repost ng mga tulong ng iba! Kung di mga bags ang pinangalandakan mo, ung anak mo naman na pa tigers tigers pa nalalaman na mukha spoiled di alam madami nagugutom sa mundo! Di naman kagandahan puro kaartehan na at a young age. Be sensitive ur heartless freak!"

Hindi naman nagpaawat si Sherilyn. Sinagot niya ito.

Sabi ng aktres: “I wonder sinong mas masama ugali sa tin dalawa?! You will be sorry dinamay mo ang anak ko! Di ko ugaling ipangalandakan ang tulong na ginagawa ko!!!! Wala akong ginagawa palagi kundi pabayaan kong apakan ako ng tao kung ikakasaya nyo pero iba na pag dinamay nyo mga anak ko! Pagpalain ka ng DIYOS!”

Isa namang follower ni Sherilyn, na may user name na @laramarietan, ang nagsabing wala raw siyang pinapanigan. Pero dagdag niya: “it may seem insensitive lang po kasi tingnan that parang sa inyo, ’business as usual.’"

Sagot naman dito ni Sherilyn: "@laramarietan business as usual? Well puro business lang ba pinopost ko? I have been posting prayers and the blessed sacrament… And life can’t stop for us who are alive! Ang dami kong di pinopost because I am sensitive enough to know na maraming di kumakain ngayon. Pero I cannot stop my business kasi buhay pa kami… That basher has a problem, a serious problem and that’s just it! But that is ur opinion I respect it… I just do not see any insensitivity to my posts kasi ang dami kong hindi pinopost!”

Sinundan ito ni Sherilyn ng isang mahabang mensahe para sa kanyang bashers:

"during tragic times, some people as if you’re helping, why do you need to post. If you don’t post, some ask why aren’t you helping. People have their own way of helping whether you see it or not. God Bless the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wag maging judgmental! Kasi wala kang alam! My prayer tonight is for the souls of judgmental people who think of nothing but bash others. Life goes on… If u need to go on selling online, go! You have mouths to feed… If u need to post a gift from a friend, go! It is to show appreciation… If you need to post a video or photo of your kid, go! It’s your IG and its your joy to share with other people… If you opt not to post how you are helping the people suffering aside from praying for them, it is your choice!

“And if some people are not happy with my posts, you may unfollow! Thank you and goodnight! Tao lang kami! Mga magulang na nasasaktan pag me mga taong walang magawa kundi bilangin ang maling nakikita LALO Na idadamay pati bata. We will not choose our words if we are mad because we are real people… Nagagalit… Nasasaktan… di kami magkukunwari kung iba ang aming nararamdaman… Artista ako sa harap ng camera pero ordinaryong tao at napakatransparent pagtalikod dito…”

SHERILYN EXPLAINS. Pagkatapos mabasa ang posts niya sa Instagram, pinadalhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe si Sherilyn sa pamamagitan ng Facebook.

Tinanong namin sa kanya kung sa paanong paraan siya tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Sagot ni Sherilyn, “Basta my family and I do our part, whether may sakuna o wala.

"And di ko talaga ugali na ilista o ipangalandakan. Basta alam ng Diyos ang ginagawa namin.”

Nagpaliwanag din siya kung bakit pinatulan niya ang ilang bashers niya sa Instagram.

Aniya, “Alam mo, okay lang naman to bash me, di na ako nagagalit.

"In fact, ngayon nga nasaktan ako, di ako nagalit... [pero ngayon] kasi pati anak ko isasali.

"Life has to go on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I post the bags I’m selling, of course!

"Buhay pa kami, may mga anak kaming binubuhay.

"It’s not as if puro pagpapasarap ang pinu-post ko.

"In fact, ang pinu-post ko ngayon, negosyo, mga pasalubong o regalo na pinapa-promote, at blessed sacrament at mga dasal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN