Geoff Eigenmann happy with the result of his weight-loss training

Geoff Eigenmann on inspiring fans to be physically fit: “Masarap, masarap, iba ang pakiramdam. Inspiring someone is totally a different feeling talaga… I’m more motivated to stay like this, to keep fit, and live a better lifestyle.”


“Nag-enjoy, nagpakasaya, nagpapayat.”

Ito raw ang mga ginawa ng Kapuso actor na si Geoff Eigenmann sa loob ng ilang buwang wala siyang proyekto.

Hindi naman ipinagkaila ni Geoff na may kinalaman sa kanyang weight problem ang dahilan ng pagpapahinga niya.

Sabi niya, “It happened, so what’s the point of hiding it?

“I don’t mind. It’s what happened, so I’d rather be honest about it than hide it.

“Ano naman, e, after all these months, all the hard work have paid off.

“Nakita naman ang result, so I’m happy.

“I’m just happy to be back at work.

“I’m just happy to be working again. It’s nice to be back.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Geoff, sa presscon ng GMA primetime series na Adarna, noong November 13, Miyerkules, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.



TRANSFORMATION. Marami ang gustong malaman kung ano ang ginawa ni Geoff upang mawala ang kanyang unwanted pounds.

Sabi ng 28-year-old actor, “When I started going to the gym, I was doing MMA, Mixed Martial Arts, so I’ve been training talaga.

“I’ve been training with a fighter, so ready akong lumaban, actually.”

Ano ang pakiramdam na naging inspirasyon siya ngayon ng followers niya sa Instagram na magpapayat na rin?

Sagot ni Geoff, “Masarap, masarap, iba ang pakiramdam.

“Inspiring someone is totally a different feeling talaga.

“Now, I’m more motivated to stay like this, to keep fit, and live a better lifestyle, yun.”



THE MOMENT. Thirty pounds daw ang nabawas na sa timbang ni Geoff.

Mula sa 170 lbs. ay nasa 140 lbs. na lang ang timbang niya ngayon.

Mismong ang ina ni Geoff na si Gina Alajar ay nagsabing magagawa naman pala, pero pinatagal pa niya bago magseryosong magpapayat.

Natawa naman si Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Matigas ang ulo ko. Yun yun, e.

“I do what I want when I want. So, I’ve always been that way.

“So, ang sa akin lang, as long as in the end, I give you the result you want, you see it, so yun... I’m here.”

Kailan dumating yung “moment” na nasabi niya sa sarili na kailangan na niyang magpapayat?

Sabi ni Geoff, “Actually, hindi dumating yun.

“When I got that [‘fat’] memo, I was given three months to lose weight.

“But I didn’t do anything for three months.

“I enjoyed, kumain pa ako, nag-States pa ako. So, nagpakasaya.

“Then, eventually, wala… wala kasi akong ginagawa.

“I had so much time, so I decided to go back to the gym.

“Kasi, sobrang active naman ako. I’ve been active in sports, ever since.

“So, binalikan ko lang yung ginagawa ko dati.

“I tried to do something else, do Muay Thai, jujitsu, wrestling, so yun.”



SUPPORT FROM CARLA. Nangiti naman si Geoff nang tanungin kung sinasamahan din siya ng girlfriend na si Carla Abellana sa pagpapapayat.

Sagot niya, “Hindi naman nawala yun.

“She’s always been there, number one supporter ko siyang talaga.

“Even though she doesn’t exercise, nandoon siya para sa akin.

“Hindi naman nandoon literal, but she’s always been there.

“Hindi naman niya ako pinabayaan kahit kailan.”

Halatang proud na proud naman sa kanya si Carla dahil ipinu-post pa ng aktres ang mga larawan ni Geoff sa Instagram.

Ayon sa aktor, “Yun nga, hindi naman nawala yung support niya.

“I’m very happy dahil maganda rin ang nangyayari sa career niya ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN