Ryan Agoncillo not closing his doors on working again with TV5

Dalawa ang shows ngayon ni Ryan Agoncillo sa GMA—ang Eat Bulaga! at Picture! Picture!. Kung sakaling alukin pa siya ng soap opera ay malamang daw na hindi niya ito tanggapin.


Itinanggi ni Ryan Agoncillo na hindi naging maganda ang pag-alis niya sa TV5.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “No, no! Walang tampuhan.


"Talentadong Pinoy ended and, siyempre, at that time I felt bad, but I quickly got over it.

“I realized so many things because, when the show ended, we ended with a bang. It was a very good show.

“When they offered lang Let’s Ask Pilipinas, I couldn’t accept it because nga I have Eat Bulaga! as a daily show.

“I needed to defer to Eat Bulaga!

“Talks are still open... Actually, medyo lovefest kami noong mga staff ko ng Talentadong Pinoy, e, kasi puro I miss you-han kami nang I miss you-han, e.

“And nagkikita pa rin kami sa mga family parties, mga family gatherings.

“Ninong ako ng mga anak nila, ganoon din sila.

"Actually, may inaanak pa yata ako sa kasal."

Diin pa niya, "It’s not an issue for us.”

Nakausap ng PEP si Ryan sa taping ng Picture! Picture! noong November 11, sa Studio 7 ng GMA Network.

May tsansa pa na muli siyang magtrabaho sa TV5?

Sagot ni Ryan, “Well, if I get offered again, why not?

“You know, I hope hindi sila magsawang mag-offer.

"Kasi nga, yung Let’s Ask Pilipinas talaga, hindi ko lang natanggap.

“But if Talentadong Pinoy decides to resurrect itself, di ba, sana?

“I mean, it’s a home I built with friends and it would be nice to go back.”

Hindi raw siya nagsunog ng tulay sa TV5.

“No, no, definitely not! I hope that’s how they feel as well.

"At least, for me, that’s how I feel.”



TWO SHOWS. Dalawang shows ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ryan sa GMA.

Regular siya sa noontime show na Eat Bulaga! at host ng bagong game show na Picture! Picture!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya tungkol sa Picture! Picture!: “Well, it’s always exciting to give birth to a show that’s original.

“Just like Talentadong Pinoy, when they told me about it, title pa lang, umokey na ako.

“I’ve worked franchises also... I’ve worked Philippine Idol and Fear Factor.

"So, iba rin kapag yung show, bubuuin mo lang with your co-creators kumbaga.

“And Direk Rico Gutierrez has a very good track record with the shows sa GMA.

“Noong pinresent sa akin, title pa lang noon, sold na ako, e.

"Kasi picture-picture... mahilig tayo diyan, e!

“Sa Eat Bulaga!, yung mga mommy na audience namin during the commercial break, ‘Ayan, picture-picture!’

“So iyon yung ano... those are the factors.”

First time rin daw niyang nakatrabaho si Direk Rico.

“But I’ve heard so many good things about him because kaibigan ko si Paolo [Bediones].

“Maraming shows na nagtrabaho sila together, so I would always hear stories about him.

"And napapanood ko yung mga programa niya and even his movies."



PER PROGRAM BASIS. Per program ang kontrata ni Ryan sa GMA.

“For now, yes, let’s see where it goes.

"I’m hoping that the relationship prospers even more.”

Mas masarap ba na walang exclusive contract?

“Mas masarap may trabaho! Iyon ang alam ko,” sabi ni Ryan.

Wala ba siyang planong gumawa muli ng soap opera o teleserye?

Aniya, “Pag ako nag-soap, kasi may mga constrictions at restrictions sa time, alam naman natin ang takbuhan sa shooting ng soap—mahabaan, paumagahan.

“Right now, even with my triathlon training, even with Eat Bulaga!, even with Picture! Picture!, I can see my daughter [Yohan] off sa kanyang pagpasok sa school.

“Pag hindi ako nagte-taping, like now, I’m home before sunset.

"Pag-uwi niya, nakakusap ko pa siya pagkatapos niyang mag-tutor.

“So, yung mga ganoong bagay, it’s kinda very... it’s kinda hard to let go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially formative years ng mga anak ko, they’re three and nine.

“So kung soap, medyo makonsumo sa oras.

"Kung meron mang opportunity, siguro maiksi siguro yung time na puwedeng magtrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN