Kapuso actress Bianca King gets permission from GMA to cross over to TV5

Bianca King hopes exclusive contract stars are given a chance to work with other networks. “Kapag walang ginagawa sa isang network, baka puwedeng tumawid, di ba? Or gumawa ng special projects. So, sana ito na yung umpisa,” says the Kapuso star.


Nang banggitin sa story conference ng bagong TV5 series na Obsession na bahagi ng cast si Bianca King, inakala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na lumipat na ang aktres ng network.

Ngunit agad na nilinaw ni Bianca na contract artist pa rin siya ng Kapuso Network.

Sa katunayan, hanggang 2014 pa raw ang kontrata niya sa GMA.

Kaya nagpapasalamat daw ang aktres sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

Sabi niya, “Sa pagkakaalam ko, ako pa lang yata ang unang contract star ng GMA na pinayagang lumabas sa primetime.”

Nakilala si Bianca sa mga teleserye ng GMA.

Ilan sa mga nagawa niya ay Maghihintay Pa Rin (2013), Luna Blanca (2012), Sinner or Saint (2011), The Last Prince (2010), Dyesebel (2008), at Marimar (2007).

Ang paggawa ng teleserye sa ibang network ay itinuturing ni Bianca na isang challenge sa kanyang showbiz career.

Aniya, “Grabe yung excitement ko rito, kasi nga malaking bagay ito.

“It’s a challenge that I’ve never faced before, kasi nga nasa teritoryo ako ng ibang network.

“So, napakalaki ng kailangan kong ibigay sa ibang set naman ng audience.”

Sabi pa niya, “For me, I consider this not only as a milestone in my career but also para sa dalawang network.

"Na pinayagan nila ang isang exclusive contract star ng GMA na tumawid at lumabas sa isang primetime show ng TV5.”



EXCLUSIVE ARTIST. Kung si Bianca ang tatanungin, mas makabubuti raw kung mawala na ang pagiging “exclusive talent” ng isang network ang mga celebrity.

Umaasa raw siya na hindi lamang siya ang exclusive-contract star na mabibigyan ng pagkakataong magtrabaho sa ibang television networks.

“Sana nga maging daan ito para mas magbukas pa ang mas maraming pintuan, hindi lang para sa mga artista kundi para na rin sa mga writers, sa mga director.

“Kasi, lahat naman tayo ay gusto tuluy-tuloy ang hanapbuhay, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman natin ito ginagawa na parang laro lang.

"So, siyempre para sa lahat, importante na tuluy-tuloy ang work.”

Sa huli, umaasa rin si Bianca na, “Kapag walang ginagawa sa isang network, baka puwedeng tumawid, di ba? Or gumawa ng special projects.

“So, sana ito na yung umpisa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN