Robin Padilla makes surprise visit to grand launch of daughter Kylie’s GMA primetime series

Kylie Padilla on dad Robin Padilla’s surprise visit at grand launch of her primetime soap: "Hindi ko po in-expect. Sanay naman ako sa surprise. Pero, yung show ko? Usually, yung show niya yung nandoon ako. And then, ito yung show ko na pumunta siya."


Sinorpresa ni Robin Padilla ang anak na si Kylie Padilla sa grand launch ng pinagbibidahang primetime series ng young actress sa GMA, ang Adarna.

Ginanap ang press conference noong November 13 sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Nagulat na natuwa naman si Kylie sa pagsulpot ng kanyang ama.

Tanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Kylie: magbabalik-Kapuso ba si Robin?

Natatawang sagot ni Kylie, “Tama po yung sabi niya na nag-a-apply siya!

“Gusto po niyang maging tatay ko dito [Adarna]—yung tunay kong tatay.”

Ano ang naramdaman niya nang sorpresahin siya ng ama?

Nakangiting sabi ni Kylie, “Hindi ko po in-expect.

“Sanay naman ako sa surprise. Pero, yung show ko?

“Usually, yung show niya yung nandoon ako.

“And then, ito yung show ko na pumunta siya.”



KYLIE’S “MOMENT.” Tumangging magpa-interview si Robin sa press.

Katuwiran niya, “moment” iyon ng kanyang anak at nakakahiya raw sa GMA.

Pero sinabi ni Robin na masaya siya para sa anak, lalo pa nga’t may pagka-action ang Adarna:

“Mukha naman po, mukha naman po siyang proud.

“Kasi action nga. Magiging mandirigma si Ada, e.”



ALJUR ABRENICA. Tinanong naman si Kylie kung paano kung ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica ang dumating at sorpresahin siya?

Natatawang sagot ng young actress, “May sariling show yun na pinu-promote!”

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang Prinsesa Ng Buhay Ko, na pinagtatambalan nina Aljur at Kris Bernal.

Nanonood ba si Kylie ng Prinsesa ng Buhay Ko?

“Hindi!” mabilis niyang sagot.

Natatawa pa niyang dugtong, “Diretso!

“Hindi ko kaya.

“Masyado akong passionate sa mga movie. Naniniwala talaga ako na, ‘Ay, ang sweet nila!’

“Ganun din kapag pinapanood ko si AJ [Aljur].”

Gusto niya bang maging kaibigan si Kris?

“Ayoko na lang pong sagutin,” nakangiting pag-iwas ni Kylie.

Sa concert ni Aljur sa Music Museum noong November 7 ay nanood si Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa harapan pa siya kaya nakita niya nang malapitan ang duet nina Aljur at Kris.

Gusto nga raw niyang umalis para hindi mailang sina Aljur at Kris.

“E, kasi, kulang ang sweetness nila dun!” tawa niya.

Kuwento pa niya, “Kaya noong nakikita ko na parang naiilang sila, gusto ko na sanang umalis.

“Kaso, iisipin ng tao, ‘Ay, nagselos yun kaya nag-walkout.’

“Pero gusto ko na nga sanang isigaw, ‘I-kiss mo na!’”

Nailang ba si Aljur na nandoon siya?

Sabi ni Kylie, “Inamin naman niya sa akin na nailang siya.

“Pero sabi ko, ‘Huwag. Kapag nasa stage ka, dapat isipin mo na wala ako dun.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN