Arnel Pineda calls CNN anchor Anderson Cooper "the brave one" for reporting live from Tacloban

Na-interview nang live kanina ng CNN news anchor na si Anderson Cooper ang Pinoy singer at Journey vocalist na si Arnel Pineda sa programang AC360º. Pahayag ni Arnel tungkol sa kalamidad na sinapit ng Pilipinas, "It’s indescribable. No words can say how much I feel for that."


Taliwas sa kumalat na balita, naririto pa sa Pilipinas ang CNN news anchor na si Anderson Cooper.

Kaninang umaga, November 16, ang Filipino singer at Journey vocalist na si Arnel Pineda ang nakausap niya sa kanyang programang Anderson Cooper 360º.

Tungkol pa rin sa rescue and relief operations ang topic nina Anderson at Arnel.

Nagpahayag ng pagtulong ang singer sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Anderson, $350,000 ang ibinigay na donasyon ng Journey sa World Food Programme.

Sabi ni Arnel kay Anderson, "I’m coming to you to let our fellowmen know that I am trying to raise, with my group Journey, money that could afford us to buy two million meals to give [to the typhoon victims]."

Tinanong ni Anderson si Arnel kung ano ang kanyang nararamdaman sa mga nangyayari sa mga residente ng Tacloban.

Sagot ng Journey vocalist, “It’s indescribable. No words can say how much I feel for that.

"I was kinda depressed for couple of days because you don’t know what to do. You don’t know how to help.

"I’m trying to go there, but my people is telling me, ’Don’t go there yet because it’s chaotic.’"

Sabi pa niya kay Anderson, "But you, you’re the brave one who went there to see it first hand.”

Ilang araw namalagi si Anderson sa Tacloban City upang i-report ang mga kaganapan doon.

Bagamat nasa Manila na ngayon ang news anchor, araw-araw pa rin ang live coverage niya para sa CNN.

Without being offensive, kinontra ni Anderson ang sinabi sa kanya ni Arnel na hindi safe pumunta sa Leyte.

Pahayag niya, “Oftentimes, it’s kinda people overplay or overblow minor security incidences.

"But most part, I think the security is fine there."

Bawi naman ni Arnel, "I guess I wanna go there as soon as the food is here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I think I wanna go there. That’s awesome."

Tinanong din ni Anderson si Arnel tungkol sa frustration na nararamdaman niya sa mabagal na pagdating ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Sagot ng singer, "I know, I just put in my mind, forget about those negativities.

"I just have to do what I can do so I could be one of those people who can make a difference."

FILIPINO RESILIENCY. Sa kanilang pag-uusap, muling pinuri ni Anderson ang mga Pilipino dahil sa katatagan at extraordinary traits na ipinakikita nila sa gitna ng trahedya.

Sinang-ayunan naman ito ni Arnel.

Saad niya, "It’s innate, the resilience we have.

"You know, four hundred years ago, we’ve been invaded by the Spaniards, and we’ve been having that patience and the courage and the bravery to fight against all odds.

"We don’t even have to be a hero.

"These poor people, they don’t even deserve to... like this.

"We haven’t seen this kind of storm for decades, and now it’s here.

"A lot of innocent lives... and they’re fighting.

"Thank you so much... please hang on.”

Sa pagtatapos ng programa, ipinakita ni Anderson sa kanyang reporter’s notebook ang video na nagpakita sa katapangan at katatagan ng mga Pilipino na nasaksihan niya nang personal.

Sa wikang Filipino ay pinasalamatan pa ni Anderson ang mga Pilipino:

"Mabuhay, maraming salamat... maraming salamat. Thank you for showing us all how to live."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN