PEP EXCLUSIVE. Heart Evangelista on being more open now about lovelife and other personal issues: “What else am I really going to hide?”

Heart Evangelista on being more open about her lovelife and other personal issues: “Kasi ang dami ko na ring pinagdaanan, at saka feeling ko, ipinakita ko na yung buong kaluluwa ko. What else am I really going to hide? Maybe, if there’s something that is really precious to me, I’ll just give it a little bit of privacy.

"But, you know, wala rin naman din. Mas mapapahamak ka pa kung magiging tahimik ka sa personal mong buhay. Mabuti


Nakatengga pa rin si Heart Evangelista sa re-shoot na gagawin para sa pelikula niyang Trophy Wife.


Kasama ni Heart dito sina Derek Ramsay at Cristine Reyes, sa ilalim ng direksyon ni Elwood Perez, para sa Viva Films.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress noong nakaraang Linggo, November 10, sa dressing room niya sa Sunday All Stars ng GMA Network, sinabi nitong wala pa siyang natatanggap na call slip mula sa production para sa re-shoot ng movie.

RESHOOT FOR TROPHY WIFE. Matatandaang nagpahayag ng kanyang saloobin si Heart dahil kinakailangang ulitin ang mga eksenang nakunan na para sa nasabing pelikula.

May ilang linggo na raw mula nang matapos kunan ang ilang eksena.

Pero dahil hindi nagustuhan ng Viva screening committee ang finished product, sinabihan ang buong production na uliting muli ang mga eksena.

Sabi nga ni Heart, back-to-zero na naman ang shooting nila ng pelikula.

Aniya, “Actually, I’m not sure if we really even started, kasi halos lahat re-shoot, e.”

Ano talaga ang tunay na nangyari at kailangang ibasura ang mga nakunan nang eksena?

Umiling si Heart, sabay sabing, “Actually, hindi ko alam. But parang nagbago na ang lahat ng location and everything.”

Sumama ba ang loob niya dahil sa reshoot?

“Ah, yeah, I kinda felt bad because, siyempre, parang so much time and effort was wasted, but I guess pinapaganda lang naman yung movie.

“Pero, siguro as an actor, like kunwari I did this scene that we had to do for more than two hours na crying scene, so bigat na bigat ako doon sa eksena. Nagawa ko siya nang best ko, but re-shoot din lahat.

“So, parang it’s very sad.”

Hindi ba maaapektuhan ang acting niya sa re-shoot ng mga eksena dahil nabigay na niya nang husto ang kinakailangan?

“No naman. That wouldn’t affect my performance. Pero siyempre, as an artist parang nakakatamlay lang nang konti,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nasakripisyo bang mga schedules?

“Yes, marami akong na-sacrifice na schedules. In fact, I had to give up I Bilib for this movie kasi sobrang mapupuno na yung schedules ko.

"Saturday ko, Startalk na ako. I’ll be a main host na sa show."

Ang I Bilib ay weekly infotainment show ng GMA hosted by Chris Tiu, Isabelle Daza, at iba pang artista na kabilang din si Heart.

“So, marami talagang nasakripisyo, na punung-puno dapat yung schedules. Tapos, wala. Well, ganun talaga e, I guess,” kibit-balikat niya.

NEW MAIN HOST FOR STARTALK. Dapat daw ay aalis patungong States sina Heart at ang main cast para kumuha ng eksena doon. Pero dahil nga sa re-shoot, hindi na raw ito natuloy.

Pero ang kagandahan naman nito, kanina (November 16) ay opisyal nang inanunsiyo na kabilang na si Heart sa main hosts ng Startalk.

“Yes, excited ako kasi for a change ako naman yung magti-tiktak [talk] at hindi ako yung tinatanong. And it’s my thing also, dahil I’ve always been very talkative. I like hosting.

“So, it’s started with just one guesting, at nagustuhan nila yung trabaho ko. Nagtuluy-tuloy na at nakakatuwa naman,” masaya niyang kuwento.

Open na ba siyang mapag-usapan on cam ang bawat isyung lalabas tungkol sa personal na buhay niya, kasama na ang tungkol sa boyfriend niyang si Senator Francis Joseph "Chiz" Escudero?

“Yeah, I guess that’s life. But of course, there are certain things you’ll probably know how to handle yourself, by saying ’I don’t wanna answer that.’

“But I am in showbusiness at ito ang pinasok ko, and it’s part of it talaga, na matanong ka ng kung anu-ano,” pag-amin niya.

MORE OPEN ABOUT LOVE LIFE. Malaki na ang ipinagbago ni Heart pagdating sa pagiging open sa media.

Matapos ng malaking kontrobersiya kaugnay ng kanyang mga magulang, mukhang hindi na siya naiilang pag-usapan ang may kaugnayan sa personal niyang mga isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ng magandang aktres, “A, yeah. Kasi ang dami ko na ring pinagdaanan, at saka, feeling ko, ipinakita ko na yung buong kaluluwa ko.

“What else am I really going to hide? Maybe, if there’s something that is really precious to me, I’ll just give it a little bit of privacy. But you know, wala naman din.

“Mas mapapahamak ka pa kung magiging tahimik ka sa personal mong buhay. Mabuti nang maging honest about who you’ve dated or whatever, or mga ganyan-ganyan. It’s better if it’s liberating, actually.”

Okey lang ba sa senador na maging open tungkol sa lovelife nilang dalawa?

Mabilis na sumagot si Heart, “Oo. Actually, okey lang sa kanya. Never naman niya akong pinagbawalan sa gusto kong gawin.”

Smooth ba talaga ang daloy ng relationship nila ni Chiz?

Nakangiting tumugon agad ang primetime actress, “Sobra. Super talaga!” sabay tawa niya.

SPENDING HOLIDAYS WITH CHIZ. Excited ba siya sa nalalapit na Kapaskuhan dahil first time nilang magsasama ni Chiz bilang mag-boyfriend-girlfriend?

“Ahm, hindi ko pa nga napag-uusapan sa kanya, kasi may re-shoot kami, hindi ko alam yung schedule.

“I’m not sure kung meron kaming out-of-town. Siguro, for a couple days sa New Year, but, hopefully, mangyari yun.

"But, magbi-break ako after ng birthday ko [February 14], siguro mga isa o dalawang linggo,” estima niya.

Meron ba silang family gathering sa Pasko?

“I’m not sure. Pero I’m not also sure if I’ll be there kasi, siyempre, it really takes time for things to be really… Ayokong pilitin,” sagot ni Heart, na ang tinutukoy ay ang naging sigalot sa relasyon niya sa mga magulang.

Kung sakali, maisasama ba niya si Chiz sa family gathering nila?

“Actually, sa area na ’yan, ayoko na talagang pilitin. Kung ayaw nila, ayaw.

"Anyway, parang you made your own choices in this world, and one day when they leave me behind, I’ll be living the life that I chose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s really not up to them. So, hindi ko na pinipilit. For what pa?

"So, kung anuman yung relationship ko with them, that’s it. Pero in some areas, hindi na kailangan,” diin niya.

May Christmas wish ba siya?

“Sana, magtuluy-tuloy yung life ko na ganito na masaya. I’ll be shooting two new commercials and may isa pa.”

“So, tuluy-tuloy lang siya. So, parang being open and honest about my life, mistakes or good things that I’ve done, did me well in that area. So, that’s good,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN