CNN’s Anderson Cooper to Filipino typhoon survivors: "Mabuhay, Philippines... Maraming salamat for showing us all how to live."

Nagpasalamat ang CNN news anchor na si Anderson Cooper sa mga Pilipinong biktima ng bagyong Yolanda dahil sa ipinamalas nilang tibay at tapang sa gitna ng unos. Aniya sa kanyang reporter’s notebook, "Mabuhay, Philippines. Maraming salamat for all you’ve shown us."


Naging madamdamin ang nilalaman ng Reporter’s Notebook ni CNN anchor Anderson Cooper tungkol sa nakita niyang katatagan ng mga Pilipinong biktima ng tropical cyclone Yolanda.

Dumating sa bansa si Cooper noong November 11, Lunes, at tumungo sa Tacloban, Leyte, para mag-ulat sa CNN tungkol sa mga lugar sa Central Visayas na hinagupit ng bagyo, na itinuturing na pinakamalakas sa kasaysayan ng mundo.

Naging kontrobersyal pa ang pag-uulat ng kilalang anchor ng programang Anderson Cooper 360 ng CNN, matapos siyang batikusin ng ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez.

Pinuna ni Korina si Cooper dahil umano sa maling pagbabalita ng huli tungkol sa sitwasyon ng Leyte.

Nag-tweet pa raw si Cooper na walang "government presence" sa Tacloban.

Sinagot naman ito ni Cooper, na naglinaw na wala siyang ganoong tweet at wala rin daw siyang sinasabing walang presensya ng gobyerno sa mga apektadong lugar.

(Read: CNN anchor Anderson Cooper clarifies report on government relief efforts in Tacloban; ignores Korina’s broadside)

Tinuligsa naman ng maraming netizens ang pagbatikos ni Korina kay Cooper.

Kinampihan nila ang American journalist dahil wala raw sa lugar ang pagdepensa ni Korina sa government relief efforts, na pinamumunuan nang mga panahong iyon ng kanyang asawang si Mar Roxas, ang pinuno ng Department of Interior and Local Government.



REPORTER’S NOTEBOOK. Kahapon, November 16, 2013, Sabado ng umaga, inilahad ni Cooper sa CNN ang kanyang Reporter’s Notebook tungkol sa ilang araw niyang pagbabalita ng kalagayan ng mga Pilipinong biktima ng Yolanda.

Simula ng tanyag na American news journalist, "All week long, we’ve seen so many remarkable things and there’s so many extraordinary people.

"A lot of times on a story like this, we put it on an essay format, in a Reporter’s Notebook."

Sa puntong iyon ay inihudyat ni Cooper ang kanyang reporter’s notebook, na isang audio-video presentation (AVP) mula sa ilang araw niyang coverage ng mga biktima ng bagyo sa Samar, Leyte, at Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinimulan ni Cooper ang narration ng ganito: "When everything else is taken away, broken, battered, stripped bare, you see things, you see people as they really are.

"This week in Tacloban, Samar, and Cebu, amidst the hunger and thirst, the chaos and confusion, we’ve seen the best in the Filipino people.

"Their strength, their courage... I can’t get it out of my mind."

Binanggit ni Cooper ang ilan sa mga pambihirang istorya ng ilang biktima na nasaksihan ng kanyang grupo.

"Imagine the strength it takes for a mother to search alone for her missing kids.

"The strength to sleep on the street near the body of your child...

"We’ve seen people with every reason to despair, every right to be angry...

"Instead, [they] find ways to laugh, to love, stand up, to move forward."

Lahad pa ni Cooper, "A storm breaks wood and bone, brings hurt and heartbreak.

"In the end, the wind, the water, the horror it brings, is not the end of the story.

"With aid and assistance, compassion and care, this place, these people... they will make it through.

"They already survived the worst.

"They’re bowed... perhaps tired and traumatized, but they are not broken."

Bilang pangwakas, sinabi ni Cooper, "Mabuhay, Philippines.

"Maraming salamat for all you’ve shown us.

"Maraming salamat for showing us all how to live."

Nauna rito ay pinuri na ni Cooper ang mga Pilipinong biktima ng bagyo, pati na rin ang mga kasamahan niyang international correspondents ng CNN na nasa Pilipinas din.

(Read: Anderson Cooper, CNN correspondents praise "strength and continued courage" of Filipinos)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN