Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."

Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg">

Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg">

“Walang masamang tumulong, walang masama na proud ka sa ibinibigay mo. Wala ring masama kung gusto mong tahimik," saad ni Angelica Panganiban tungkol sa pagsasapubliko ng ilang mga artista ng donasyon nila sa mga nasalanta ng bagyo.


Isa sa mga inusisa kay Angelica Panganiban ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong Huwebes, November 14, ay ang tungkol sa nangyaring paghagupit ng super typhoon Yolanda sa Central Visayas.

Patuloy kasing dumarami ang listahan ng mga artistang nagbibigay ng kanilang donasyon para sa relief and rehabilitation operations ng mga nasalanta ng tropical cyclone, na tinatayang pinakamalakas na nag-landfall sa kasaysayan.

Saad ni Angelica, “Kaming grupo namin sa Banana Split, nag-uusap-usap kami dahil nga dun sa nangyari sa amin sa Bohol.

"Nabigyan kami ng pangalawang pagkakataon, nakaligtas kami, sobrang pinalad kami, sobrang blessed namin, at nakauwi kami lahat sa mga bahay namin, at buhay kami hanggang ngayon.”

Bago pa man nanalasa sa bansa ang super typhoon Yolanda (international name: Haiyan) noong November 8, naranasan ni Angelica at ng mga kasamahang artista sa Banana Split ang 7.2 magnitude earthquake na tumama sa Bohol noong October 15.

Nasa Tagbilaran City ang kanilang grupo para mag-taping ng kanilang show nang nangyari ang lindol.

Read: Angelica Panganiban shaken by first-hand experience of Bohol earthquake, asks for prayers on Instagram

Dagdag pa ni Angelica, “And yung mga… ngayon, yung mga tao, yung mga kapamilya natin sa Visayas, meron silang pangalawang pagkakataon para ituloy yung buhay nila.

"Para buuin kung ano yung nawala sa kanila.

"So, malaking bagay lang siguro, kung saan kami nanggagaling, para maka-relate kami nang sobra-sobra sa kanila.

"Kaya gumagawa kami ng paraan para makatulong, hindi lang sa Samar, kundi sa Visayas.

"Hndi lang sa Yolanda, pati pa rin dun sa mga biktima ng lindol.”

CHARITY AUCTION. Ito raw ang dahilan kaya nakatakda silang magbukas ng auction para makalikom ng pondo, hindi lang para sa mga sinalanta ng bagyo kundi pati na rin sa mga biktima ng lindol.

Saad ni Angelica, “Meron kaming binubuo sa Banana Split, magpapa-auction kami ng mga personal po naming gamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mahal, may mga mura na may mga sentimental value po sa amin, so tinatapos lang po namin yung website niya.

"By Tuesday next week [November 19], makakapag-announce na kami kung anu-ano yung mga puwede naming ibenta at kung saan mapupunta lahat ng mga proceeds ng aming benta.”

Sa takbo ng panayam, hindi maiwasang maitanong ng media kay Angelica kung ano ang mga ginagawang hakbang ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz para makatulong din sa mga hinagupit ni Yolanda.

Saad niya, “Actually, noon pa…noon pa niya gustong magpunta ng Tacloban, kaya lang…

"Gusto niya talagang magpunta, pinigilan lang siya, kasi hindi pa rin yata safe so… ngayon may pinaplano sila.

“Kasi ang gusto niya mangyari, siyempre ngayon ang daming tumutulong, tuluy-tuloy ang tulong, baka mamaya, makalimutan ng mga kapamilya natin na magpa-Pasko na rin.

"So, gusto niyang i-extend yung tulong para i-stretch yun hanggang Pasko, para naman maging masaya pa rin yung Pasko nila.”



"WALANG MASAMA NA PROUD KA..." Sa ngayon, marami nang mga artista ang nagbigay ng kanilang monetary at in-kind donations para sa mga biktima ng bagyo.

Ano ang masasabi ni Angelica sa pagsasapubliko ng donasyon ng mga artista?

Tugon nito, “Uhm, depende kasi yun, e, sa tao.

"May mga tao kasi na proud sila, e, na nakakatulong sila, and walang masama kung maging proud dun sa mga itinutulong niyo, di ba?

“Walang masamang tumulong, walang masama na proud ka sa ibinibigay mo. Wala ring masama kung gusto mong tahimik.

"So, kanya-kanya ’yan, e.

"Mahirap lang siyempre yung mga tao sa paligid na marami pang sinasabi, na may mga hindi nagsasalita, [pero] kung ano-ano yung iparating sa ’yo, dahil akala nila hindi ka tumutulong, di ba?

"Pero hindi, hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo.

"Dapat wala ka nang panahon sa ganun, dapat pare-parehas tayong tumutulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"SANA MAPUNTA SA MAGANDA..." Patuloy ring lumalaki ang pondong pinansiyal na nalikom ng pamahalaan mula sa iba’t ibang bansa na nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa huling ulat ng Department of Foreign Affairs, nasa 43 bansa na ang nagbigay ng kanilang monetary assistance para sa mga biktima ni Yolanda.

Umabot na rin sa P5.4 B ang kabuuang halaga ng mga donasyon.

Read: Financial aid for Yolanda victims now at P5.4 billion; Philippine government assures proper audit

Sa isang post ni Angelica sa kanyang Instagram, anim na araw na ang nakaraan, may photo collage siyang ibinahagi sa kanyang followers.

Nakalagay sa larawan ang mga halaga ng donasyon mula sa ibang bansa, at mga panawagan na sana ay makarating talaga ito sa mga taong labis na nangangailangan.

May caption itong: “Maraming salamat sa mga tulong….Kailangan nila lahat ito.. Para mabuo ulit ang buhay nila..”

Paliwanag ni Angelica tungkol dito, “Sana kasi talaga mapunta yun sa mga… sa mga biktima natin.

"Sana… sobrang laki ng ibinigay nilang tulong sa atin at hinding-hindi natin makakalimutan yun—tayo bilang isang bansa na tinulungan nila.

"Sana mapunta talaga siya sa maganda.

"Sana mapakinabangan nang maayos, at makita natin na konting panahon na lang makakabangon ulit, lalung-lalo na ang Samar.”



EARTHQUAKE TRAUMA? Bago matapos ang panayam sa 27-year old actress, muling kinumusta ng media ang pakiramdam niya ngayon, matapos ng traumatic experience ng grupo niya sa lindol sa Bohol.

Sabi niya, “A, siyempre may mga… hindi naman daw yun kaagad mawawala.

"Pag may mga... pag nasa kotse ako, tapos medyo may alog, medyo nagpa-panic ako, ganyan. Sobrang magugulatin.

"Yun lang naman. Ganun lang ka-minor.”

Dumaan ba siya sa psychological checkup dahil sa pangyayari?

Tugon niya, “Hindi naman, hindi ko na yun kailangan pang pagdaanan.

“Sa mga staff namin, ang alam ko, hanggang ngayon may mga nagpapa-doktor pa rin sila, na nakikipag-meeting pa rin sila sa isang psychiatrist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And para naman yun sa ikabubuti ng lahat," sabi ng aktres na kawawagi lamang ng best actress award mula sa Cinema One Originals.

Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg">


Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg"> Angelica Panganiban on folk criticizing celebrities who make known their donations to typhoon victims: "Hindi ito yung panahon para kuwestiyunin mo yung kapwa mo."" data-url="https://www.pep.ph/news/41178/angelica-panganiban-on-folk-criticizing-celebrities-who-make-known-their-donations-to-typhoon-victim" data-desc="Angelica Panganiban and Banana Split co-stars are preparing a website for the auction they are set to hold for typhoon and earthquake victi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d1777c1cb.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN