Dingdong Dantes leads Yes Pinoy Foundation’s Oplan: Bethlehem for typhoon victims

Dingdong Dantes on criticisms against the government amidst relief work for Yolanda victims: "Ako, sa panahon ngayon, walang lugar para sa opinyon, whether tama man o mali. It’s just really a matter of doing the right thing."


Sinimulan na ng Yes Pinoy Foundation (YPF) ang relief operations para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, noong Sabado, November 16.

Pinangunahan ng YPF founder at chairman na si Dingdong Dantes ang pagre-repack ng relief goods, na ipamamahagi sa mga nasalanta ng bagyo, sa isang building sa Roces Avenue, Quezon City.

"Yes Pinoy Oplan: Bethlehem" ang pangalan ng relief drive na ito, kung saan katuwang ng YPF ang Philippine Navy at Philippine Marines.

Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong na abala sa pag-aayos at pagbubuhat ng mga kahun-kahon at saku-sakong relief goods.

Saglit naming nakausap ang aktor upang mahingan ng kaunting pahayag sa isinasagawa nilang relief operations.

Ayon sa Kapuso Primetime King, “You know what, sa aming palagay, lahat dito, sa aming pananaw, just the whole world is helping us—bakit hindi tayo gumawa ng something, even kahit konti, makatulong?

“In this case, so many people talaga are pledging their support.

“I’m sure, even sa malalaking institusyon, umaasa ang suporta at donasyon, tulong, oras, pawis ng lahat ng tao.

“But it will never be enough, I think.

“Depende naman yun. Kanya-kanya siya ng forte kung ano ang mapu-provide nila sa mga nangangailangan.”

May target daw ang YPF na bilang ng relief goods na kailangan nila para maipamahagi.

Na-identify na rin daw nila ang areas kunsaan sila magko-concentrate.

Bukod dito, plano rin nilang mag-focus sa rehabilitation at sa edukasyon ng mga nasalantang lugar.

Sabi ni Dingdong, “We will pledge to build the classrooms.

“Kumbaga, doon kami more on naka-focus, sa rehabilitation nila, pagkatapos ng lahat ng ito.”

Plano rin ni Dingdong na pumunta nang personal sa mga lugar kung saan ipamamahagi ang relief goods.



FAMILY AND FRIENDS. Ang buong pamilya ni Dingdong—mula sa kanyang ina na si Mrs. Angeline Dantes, mga kapatid, tiyahin, at pinsan—ay nakiisa rin sa pagre-repack ng relief goods.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktor tungkol dito, “Nanggaling din naman sa kanila ang initiative.

“At kahit na noong unang araw pa lang na mangyari yung bagyo, lahat sila nagtatanong na kung ano ang magandang gawin, paano makakatulong.

“Nakakatuwa na lahat tulong-tulong sa ganitong pagkakataon.”

Tumulong din kay Dingdong ang mga kasamahan niyang artista sa PPL Entertainment, Inc., ang talent-management group ni Perry Lansigan na nagma-manage sa kanya.

Namataan ng PEP sina Gabby Eigenmann, Max Collins, Angelika dela Cruz, LJ Reyes, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzalez at ang girlfriend nitong si Luanne Dy, at ang buntis na si Jolina Magdangal.

Marami rin dalang donasyon at tumulong mag-repack ang mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

Personal ba niyang tinawagan ang co-PPL artists niya?

Sabi ni Dingdong, “Sila-sila talaga ang nag-volunteer. Sariling initiative nila talaga ‘to.

“And I’m just so grateful dahil malaki ang turnout.

“Unang araw pa lang, feeling ko, this will last for days.”

Dumating din ang ilang volunteers at mga kaibigan ni Dingdong na may mga dala ring relief goods.



A LONG WAY TO GO. Mabilis din daw ang pagresponde ng Philippine Navy at Philippine Marines sa panawagan ng Yes Pinoy Foundation para tumulong sa Oplan: Bethlehem.

“Oo, at hindi lang sila, marami pang-iba na nangako ng kanilang suporta, para maging posibleng makarating itong aming goods at yung aming serbisyo doon sa mga tao.

“Kasi, hindi lang kami magbibigay ng mga ganito.

“We will also provide medical mission para, siyempre, masigurado na maayos ang kalusugan.

“It is part of our plan.”

Hindi nagtapos noong Sabado ang pagre-repack ng relief goods ng YPF.

Pagkatapos ng Sunday All Stars special kahapon, November 17, dumiretso si Dingdong at iba pang PPL artists sa kanilang Oplan: Bethlehem.

May mga kailangan pa ba sila?

Sabi ni Dingdong, “Meron, pero siguro ayoko naman nang banggitin yun.

“But we will post naman in our websites para sa anumang kakulangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But ultimately, ito, maaaring temporary lang.

“Pero ang pangmatagalan naming plano, to really rebuild—hindi na yung bahay because, I’m sure, so many people are doing that—but yung classroom nila para tuloy ang pag-aaral.

“Parang, kung sakaling bumalik na sila sa kanilang mga buhay-buhay.”



MARIAN RIVERA. Ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera ay isa rin sa sumuporta nang husto sa Yes Pinoy Oplan: Bethlehem.

Bukod sa pagpapa-auction ng kanyang branded clothes, tumulong din ang aktres sa pagre-repack ng relief goods.

Sabi ni Dingdong, “Very grateful ako at nagpapasalamat talaga ako sa kanya.

“Alam naman niya kasi na maganda ang mapupuntahan.

“And like I’ve said, everyone can do something—no matter how big or no matter how small.

“Basta ang importante, may nagawa tayo.

“At yung nagawa mo na yun, not for the sake of doing it, but it’s because, siguro—panawagan sa ‘yo, sa kalooban mo, na this is your time, this is your chance to help.”



CRITICISMS AGAINST THE GOVERNMENT. Sa gitna ng mga isinasagawang pagtulong ng mga indibidwal, organisasyon, at maging ng maraming bansa, marami ang tumutuligsa ngayon sa pamahalaan dahil sa anila’y mabagal na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

Sagot niya, “Ako, sa panahon ngayon, walang lugar para sa opinyon— whether tama man o mali.

“It’s just really a matter of doing the right thing.

“And isa lang naman ang magga-guide sa ating lahat sa kung ano sa tingin natin ang tama, at yun ang Panginoon.

“Sa akin, doon ako kumukuha ng lakas, sa aking pananampalataya.

“He will always lead us to the right path—nasa itim ka man o sa puti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN