Chokoleit on Vice Ganda: “Siya ang Nora Aunor, Vilma Santos namin.”

Hindi na raw umaasa si Chokoleit (kanan) na makapagbida sa pelikula, gaya ng kapwa niya gay comedian na si Vice Ganda (kaliwa). Sabi niya, “Hindi ako umaasa, pero kapag ibinigay, bakit naman hindi? Pero asa? Hindi."


Nagprisinta ang komedyanteng si Chokoleit na mapasama sa benefit show na inorganisa ni Vice Ganda sa Laffline Comedy Bar noong November 15.

Ang pondong nalikom dito ay idu-donate sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Kuwento ni Chokoleit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nabasa ko lang sa tweet ni Vice.

“Sabi ko naman, parang odd naman yung magtatanong pa ako na bakit walang [invitation]… hindi na ako nagpaasikaso.

"And since tagarito [Laffline] ako, so ako na ang nag-ano na iparating kay Vice, ‘Oy, sasali ako diyan.’

“Tiningnan ko schedule ko, baka may raket ako—meron.

"Pero sabi ko, ‘Hindi, go ako!’”

Pumayag at natuwa naman daw si Vice sa pag-volunteer ni Chokoleit.

Patuloy ng comedian, “Tapos, sobrang na-excite naman siya kasi nandiyan si Pooh, si Pokwang.

“Para mapakita ko naman ang gift namin, yun din ang isi-share namin—the gift that has been given, it’s a gift to share.

"It’s time to give back.

“Kumbaga, may purpose naman ang aming gift sa pagpe-perform.”

Masaya rin si Chokoleit na maraming sumuporta sa benefit show ni Vice.

“Sobrang dami ng tao, ang dami pang hindi nakapasok.

“Kumbaga, sabi ko nga, even in the darkest hours, may time naman na to give a little sunshine.”

MORE SHOWS. Sa unang pagkakataon din ay nagkasama-sama sa isang show sina Vice, Pokwang, Pooh, at Chokoleit.

Sabi ni Chokoleit sa kanilang palabas, “Maganda ang nangyari sa ganitong panahon na mature na kaming lahat.

“Kaya wala nang anu-ano pa... ere or kung anuman. Saka wala nang mauuna ako or what.

“So, maganda ang nangyari na alam namin lahat na trabaho lang ‘to.”

Posible bang magkasama sila ulit sa isang show?

“Oo. Sabi ko nga, e, kapag ipinagkaloob ng Diyos na maganda na at malinis-linis na…

“Ideal nang mag-show sa Tacloban, e, doon kami mag-show... sinuggest ko kay Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, kapag pinaghintulutan ng Diyos. Kasi hindi mo naman imposible pa gawin yun.

“Late na kung gawin sa Pasko.

"Puwede naman Pasko sa Marso para sa kanila.

“And what a way to do that, e, yung comedy, patawanin sila.

“Tsaka napagdaanan ko na rin ang trahedya, na-Ondoy din ako.

“Napagdaanan ko na ang pinakamasakit na mangyari sa buhay mo, mawalan ka ng ina.

“So, nakalimutan ko na siya, ganoon, namatay siya sa ano... nabaha, ganoon.”



BLESSINGS. Samantala, hindi na raw umaasa si Chokoleit na magkaroon pa ng launching movie.

Saad niya, “The fact na isa ako sa mga nangitian ng tadhana, wala akong reklamo.

“‘Yang kay Vice na nangyayari ngayon, sa kanya ‘yan, wala akong pwedeng iano...

"I had my time.

“Hindi ko naman sinayang yung ibinigay sa akin noon ng tadhana, nakapagtabi naman ako.

“Nabigyan ako ng pagkakataon, nakabili ako ng bahay.

"Itong lahat ng nangyayari, blessings yun.

“Wala akong karapatan sa mga nangyayari.

"Complain pa ba ako, sa dami ng mga gustong makapasok?”



NO COMPLAINTS. Mas unang sumikat si Chokoleit kay Vice sa comedy bar at sa pelikula, pero ngayon ay naungusan na siya ni Vice.

Hindi ba siya nanghihinayang?

Sagot ni Chokoleit, “Hindi ako umaasa, pero kapag ibinigay, bakit naman hindi?

"Pero asa? Hindi."

Masuwerte na raw siya na isa siya sa iilang gay comedians na nakapasok sa showbiz.

“Nagpapasalamat ako at nakilala ako, okey na ako doon.

"Si Vice, siya ang Nora Aunor, Vilma Santos namin.

“Sa dinami-rami namin, meron talagang isang aangat, e, di ba?

“Kumbaga, sa level nina Nora Aunor, may mga aktres na magagaling din, pero hindi lahat ganoon ang status.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN