Preggy Jolina Magdangal does her share in relief efforts for Yolanda victims

Sinamahan ni Jolina Magdangal si Dingdong Dantes at ilang staff ng PPL Entertainment, Inc., sa pagre-repack ng relief goods para sa mga nasalanta ng tropical cyclone Yolanda.


Kahit anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Jolina Magdangal, hindi pa rin siya nagpaawat na tumulong sa relief operation na isinasagawa ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Tumulong siya sa pagre-repack ng relief goods na ginanap noong Sabado (November 16) at Linggo (November 17) sa isang building sa Roces Avenue, Quezon City.

Sabi ng singer/TV host/actress, gusto niyang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo kahit sa maliit na paraan.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Matagal na rin akong nagtatanong kay Mother P [Perry Lansigan, her manager] kung papa’no makakatulong talaga.

“And mula nang inayos nila ‘to, talagang nagprisinta ako sa kahit anong paraan.

“And ito, dito sa repacking. At napunta ako dun sa bigas department.”

Yun nga lang, habang nagre-repack ng bigas si Jolina, bigla siyang nakaramdam ng hilo kung kaya’t pinagpahinga muna siya sa sasakyan.

Pero pagkaraan ng ilang minuto ay muli siyang bumalik.

Nakangiting sabi niya sa PEP, “Okay na ulit ako.

“Nagpahinga lang ako ng mga thirty minutes, tapos okay na naman ako.”



TAKING CARE OF HER PREGNANCY. Hindi kaila sa marami na naging maselan ang mga unang buwan ng pagbubuntis ni Jolina sa una nilang anak ng mister niyang si Mark Escueta.

Kinailangan pa ngang mag-complete bed rest ni Jolina ng ilang buwan, bago pinayagan ng kanyang doktor na bumalik sa trabaho.

Read: Jolina Magdangal two months pregnant with first baby with Mark Escueta

Pinayagan ba siya ng kanyang mister na tumulong sa relief operation?

Sagot ni Jolina, “Alam niya, dapat nga, siya rin sasama.

“Pero dahil may ginagawa siyang shirt para bukas sa SAS [Sunday All Stars], yung para sa mga PPL, nasa bahay pa siya.”

Hindi naman daw niya inaabuso ang kanyang katawan.

“Kapag may konting nararamdaman ako, umuupo lang ako. Tumitigil naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag pakiramdam ko, kaya ko, tutulong talaga.

“Gusto ko talagang tumulong.”



EMOTIONAL. Hindi naman daw alam ni Jolina kung dahil sa pagiging buntis niya, kaya madalas siyang umiiyak tuwing makakapanood ng balita tungkol sa nangyaring pagsalanta ng bagyong Yolanda sa ilang lugar sa Pilipinas.

Kuwento niya, “Umiiyak ako… kahit noong isang araw lang, lalo na kapag mga pamilya at mga bata.

“Kaya sabi ko, in any way, gusto ko talagang makatulong.

“Kahit prayer, kahit yung mga brigade-brigade na kung anuman.”

Nakikita at nababasa rin daw ni Jolina ang negatibong komento ng ilang netizens sa mga artistang tumutulong.

Sabi niya tungkol sa bashers ng celebrities, “Yung iba nga, makapag-post ka nga lang ng hindi tungkol sa pagtulong…

“Para sa akin, marami lang talagang… well, tanggap ko yun na maraming judgmental talaga. Na basta lang maka-comment.

“Minsan, kahit wala na sa lugar, basta lang manita.

“Sa akin, binubura ko. Binubura ko talaga.

“Hindi kayo nakakatulong. Ang nega niyo, hindi niyo alam ang gawain ng mga tao.

“Puwedeng, yung iba hindi naman pinu-push, pero tumutulong.

“Hindi kailangang palagi na lang pakitang tao.

“So, yung mga ganun, hindi ko na lang pinapansin, pero naiinis ako.”

Dugtong pa niya, “Tapos, yung mga bali-balita na hindi nakakarating ang mga reliefs, naiinis ako.

“Ayoko man manood ng news, kasi nga, sinasabi nila na, ’Depressing, huwag kang manood...’ kasi naiiyak akong talaga.

“Pero, hindi puwedeng hindi.

“Gusto ko rin maging aware at nagagalit akong talaga.

“Ilang araw na, so nagagalit din ako, naiinis din ako.

“Pero hindi ako yung biglang maka-comment.”



TELETHON. Isa rin si Jolina sa Kapuso stars na nakiisa sa special telethon ng Sunday All Stars, ang “Tibay ng Pusong Pilipino,” kahapon, November 17.

Muling nakausap ng PEP si Jolina dito.

Kuwento niya, “Lahat ng nag-participate dun… kasi yung timeslot na yun, SAS.

“Dapat may suweldo kami na pang-SAS, pero wala. Ibibigay lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta lahat ng pupunta dun, tutulong dun.

“So, ang schedule talaga, pang-SAS.

“Kaya ako, sabi ko, go ako diyan.

“Kahit ano pa ang puwede kong gawin—telethon, kanta, hosting, whatever—basta nandoon, go!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN