Jolina Magdangal, husband Mark Escueta expecting a baby boy

"Nagwagi" si Jolina Magdangal dahil lalaki talaga ang gusto niyang maging panganay nila ng kanyang mister na si Mark Escueta. Biro pa nga raw ni Jolina kay Mark: Talagang sabi ko lang, ‘Paano ba ‘yan, may lawit?’Sabi ko, ‘Escueta na Escueta.’"


Lalaki ang magiging unang anak ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta.

Tila si Jolina ang “nagwagi” dahil siya ang may gusto na lalaki ang maging panganay nila.

Habang si Mark naman ay babae ang gustong panganay nila.

Pero sabi ni Jolina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Mark, okay naman sa kanya kung boy man.

“Pero talagang sabi ko lang, ‘Paano ba ‘yan, may lawit?’

“Sabi ko, ‘Escueta na Escueta.’

“Pero masayang-masaya rin siya, kasi yung brother niya, na kapapanganak lang ng asawa, babae ang anak.

“Tapos, yung brother ko, nanganak ang asawa, babae rin.

“So, sa mga apo, yung sa akin ang lalaki.

“Sa both sides, sa amin yung lalaki, kaya happy talaga.”

Pero kahit anong gender naman daw ay okay sa kanila, basta healthy lang ang anak nila.

BABY NAME. Ngayong alam na nila ang gender ng kanilang baby, nagsisimula na rin ba silang mamili ng gamit para rito?

“Hindi pa,” nakangiting sabi ni Jolina, na ngayon ay anim na buwan na ang ipinagbubuntis.

“Ang pinagkaka-bisihan namin ngayon, pangalan. Parang hindi pa namin ma-decide.

“Since nalaman na namin ang gender, focus na sa lalaking pangalan lang talaga.”

Dapat ba ay may galing kay Mark na pangalan at may galing din sa kanya?

“Wala naman, wala kaming ganun.

“At saka, siya naman, kung ano ang gusto mo.

“Pero gusto ko sana, parang mga Brazilian type, yung ganun.

“Yung parang kapag tinawag mo, ang sosyal lang!” natatawa niyang sabi.

February 2014 daw ang due date ni Jolina.

“Ang wish ko lang, sana hindi February 14.

“Para makapag-celebrate kami ni Mark, yung date namin, at iba ang children’s party niya.

“Siyempre, iba yung sa inyong mag-asawa at, siyempre, iba rin yung para sa anak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN