Lovi Poe quietly helps typhoon victims

Alam daw ni Lovi Poe na napaparatangan siyang nagde-deny tuwing tatanungin tungkol sa kanyang lovelife. Pero paliwanag ng aktres, “It’s not about denying things, it’s about keeping things private. Kumbaga, I know na I’m a public figure, pero siyempre, there are things that I wanna keep din for myself. And a lot of people know naman na what you see is what you get."


Bagamat may ginagawa si Lovi Poe upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, minabuti raw niyang hindi na lang ito ipaalam sa publiko.

Sabi niya, “Oo, ako as long as I know that I’m doing something in my own way, simple way, iyon na lang, parang I’ll leave it at that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa taping ng GMA primetime series Akin Pa Rin Ang Bukas, noong Biyernes, November 15, sa Oasis, Aurora Boulevard, Quezon City.

Ano naman ang nararamdaman niya sa pagbatikos ng maraming Pilipino sa administrasyong Aquino, dahil pakiramdam nila ay mabagal ang pagkilos upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo?

Sagot ng Kapuso actress, “Well, it’s hard kasi, parang especially in this part, with this thing, I think a lot of people really want to help naman.

“It’s just hard to find the right person who are really sincere.

“Sana talaga, everybody is sincere.

“Iyon naman ang prayer, iyon ang ipinagdadasal ng lahat ng mga tao, most of us, na sincere talaga lahat ng tao.

“Sana rin, hindi mapunta sa point na makuwestiyon natin yung ibang tao.

“It’s hard din e, nakukuwestiyon… it’s hard kasi, e.

“It’s hard to judge, e, parang ano…

“Pero iyon, I just pray na everybody’s sincere.”

IF FPJ WAS THE PRESIDENT... Ang yumaong ama ni Lovi na si Fernando Poe Jr. ay tumakbong Presidente noong 2004, ngunit naging kontrobersiyal ang pagkatalo niya sa naproklamang si Gloria Macapagal-Arroyo.

Kung buhay pa kaya si FPJ, at ito ang Presidente ng Pilipinas, mas maayos kaya ang sitwasyon?

Sabi ni Lovi, “That I cannot… parang I cannot react.

“But then, I know my dad would do so many things.

“But I’m not going against our government now.

“If that’s the question, siyempre my dad would do a lot of things din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DENIAL QUEEN? Kilala si Lovi na malihim tungkol sa kanyang personal life, partikular na sa lovelife.

“I rarely say anything, e, kaya ako natatawag na nagde-deny!” natatawang sabi niya.

Hindi raw kasi siya palakuwento ng mga nangyayari sa kanyang pribadong buhay.

“Kaya nga people get me wrong, na I always deny things.

“But the fact is, the truth is, I just don’t wanna say anything.

“Kasi siyempre, parang out of respect na lang sa kung sinuman yung… if it’s about relationships, kung sinuman yung nakarelasyon ko.”

Dagdag niya, “It’s not about denying things, it’s about keeping things private.

“Kumbaga, I know na I’m a public figure, pero siyempre, there are things that I wanna keep din for myself.

"And a lot of people know naman na what you see is what you get."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN