Jake Vargas on reconciliation with Bea Binene: "Na-realize ko na mahal ko pa rin talaga siya."

Ito raw ang pangako ni Jake Vargas kay Bea Binene nang mag-break sila: “Kahit magkahiwalay tayo, alam kong magkakaayos din tayo. Babalik at babalik ako sa iyo.”


Kinumpirma ni Jake Vargas ang pagbabalikan nila ni Bea Binene matapos silang mag-break at hindi mag-usap ng mahigit tatlong buwan.

Una itong inamin ni Jake sa 16th birthday celebration ni Bea sa Crowne Plaza Hotel, noong November 13.

Ang 21-year-old actor ang tumayong escort ni Bea sa birthday party nito.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea—matapos ang telethon ng GMA Network para sa nasalanta ng bagyong Yolanda kahapon, November 17—ikinuwento ng Kapuso actor kung paano sila nagkabalikan ni Bea.

“Kasi, nung last November 3, may reunion yung tweens, so magkakasama kami.

“Doon ko siya sinurprise. Nagbigay ako sa kanya ng flowers.

“Matagal ko nang gustong gawin, na gusto ko siyang i-surprise, na mag-sorry, na pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko.

“So, pinagplanuhan namin ng mga tweens.”

Ang “tweens” ay ang grupo ng mga kabataang artista ng GMA na inilunsad sa programang Tween Hearts.

Kasama nila rito sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, at Lexi Fernandez.

Patuloy na salaysay ni Jake,“So, one time, nung pauwi na ako ng Manila… hindi kasi niya alam na pupunta ako, e.

“E, na-delay ako dahil binangga yung Fortuner na dala ko.

“So, na-delay yung oras.

“Sabi ko kay Miss Mai [confidante ng tween stars]… pinag-usapan kasi namin ni Miss Mai na magbibigay ako ng roses kay Bea.

“So, sabi ko kay Miss Mai, ‘Pakibigay na lang yung mga bulaklak kasi baka hindi na ako makapunta.’ Kasi tumagal ako sa NLEX.

“Pero nung natapos na at meron pang oras, sinabi ko kay Miss Mai na huwag na lang niyang ibigay yung bulaklak, ako na lang.

“So, nakapunta ako.

“Tapos, yun, nung ibinigay ko yung flowers, umiyak siya, ganyan-ganyan.

“Tapos, nag-sorry ako sa lahat-lahat, sa mga nagawa ko.

“So, nung mga araw na yun, nagkabati kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, lagi na kaming magkasama.”



THE REALIZATION. Kailan napagtanto ni Jake na gusto niya nang makipagbalikan kay Bea?

Tugon niya, “Na-realize ko yun after three months.

“Kasi, parang malungkot din kasi pag wala siya, hindi ko siya nakaka-text, wala siyang tawag.

“Nasanay kasi ako na lagi ko siyang kasama.

“So, parang na-realize ko na… kasi yung mga fans din, nalulungkot, naghahanap sila.

“Marami rin akong nakakausap at nagtatanong kung nasaan si Bea.

“Na-realize ko na mahal ko pa rin talaga siya.

“So, gumawa ako ng effort, nag-e-effort ako sa kanya hanggang ngayon.”

Ano ang pangako niya kay Bea?

“Prinamis ko sa kanya na after ng breakup namin, ‘Kahit magkahiwalay tayo, alam kong magkakaayos din tayo. Babalik at babalik ako sa iyo.’”

Isa rin ba sa mga ipinangako niya kay Bea ay hindi na siya titingin sa ibang babae?

Sabi ni Jake, “Yun nga rin yung mga time na yun na nangyayari dati kaya kami nag-break up.

“Pero wala namang nagaganap na mga babae

“Siguro gumigimik ako na kasama ko yung mga barkada ko, na lagi akong napupuyat. Yun!”



JAKE’S SACRIFICE. Sa pagkakataong ito ba ay puwede na niyang isakripisyo ang kanyang mga barkada alang-alang sa relasyon nila ni Bea?

Sagot ni Jake, “Oo naman.

“Kasi siyempre, iba pa rin yung may girlfriend ka, tapos may barkada.

“Kasi yung barkada, nandiyan lang naman sila e.

“Siguro mag-aral muna silang mabuti. Mag-focus muna sila sa mga ginagawa nila ngayon.

“Ako, mag-focus muna ako sa career ko, sa trabaho ko.

“Barkada ko silang dati pa, pero kailangang mag-focus din kami sa mga kailangan naming gawin.”

Ibig sabihin, nakita na niya yung point ni Bea dati?

“Oo, may point din naman si Bea.

“Kasi nandun din nga yung napupuyat ka, nababarkada ka.

“Hindi mo naaayos yung trabaho, kasi pagdating sa taping, puyat ka, inaantok-antok ka pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aprubado ba sa kani-kanilang pamilya ang pagbabalikan nila?

Ayon kay Jake, “May mga ganung nangyari, pero kinausap ko naman yung mama ni Bea, nag-sorry rin ako sa lahat ng nagawa ko.

“So, okey na kami, lumalabas kami, nagsisine kami.

“So, masaya na rin ako at maayos na lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN