Louise delos Reyes won’t confirm reconciliation with Enzo Pineda: “Ayoko kasing manggaling sa akin.”

Louise delos Reyes on love, the second time around: “Mas naging totoo ako kasi sa sarili ko, mas naging kumportable ako. Kasi before, parang ang daming hindrance kasi, e. Ngayon, parang mas naging totoo yung relationship, mas parang naging transparent, mas naging inspiring para sa amin.”


Halos patapos na ang 16th birthday party ni Bea Binene sa Crowne Plaza Hotel noong November 13 nang dumating ang kaibigan nitong si Louise delos Reyes.

Sa naturang party kinumpirma nina Bea at Jake Vargas na nagkabalikan na sila.

Read: Bea Binene and Jake Vargas back in each other’s arms

Pabirong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise kung kailan naman kaya sila magkakabalikan ni Enzo Pineda.

“Baka sila ang na-inspire sa amin!” tila nadulas na sambit ng Kapuso young actress, na sinundan niya ng malakas na halakhak.

Bago maiba ang usapan, sinundan agad namin ng tanong kung nagkabalikan na nga ba sila ni Enzo.

Noong una’y alumpihit pa sa pagsagot si Louise, pero pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita rin siya.

Aniya, “Siguro masasabi ko na nandoon kami sa stage na mas better yung stage kung saan kami naroon ngayong dalawa.”

Nasaan na ba silang dalawa ngayon?

“Somewhere Enzo I know,” sagot niya.

Ulti namin, nagkabalikan na ba sila ni Enzo?

Napangiti muli si Louise at sinabing, “Nakakatakot naman ‘yan!

"Siguro mas safe na lang yung sagot na, ‘What you see is what you get.’

“Kung ano yung mga nakikita nila sa post, nandoon na.

"Ayoko kasing manggaling sa akin, e.”



SPONTANEOUS. Napag-usapan ba nila ni Enzo ang pagbabalikan o kusa na lang itong sumulpot?

Pag-amin ni Louise, “Kusa siyang dumating.

“Pero isang araw, na-realize namin yung mga bagay-bagay na biglaan.

"Tapos ayun, unti-unting naging okey siya.”

Nagsabihan ba sila na silang dalawa na uli?

“Basta, basta ganoon!” nangingiting iwas niya.

Paano napapasaya si Louise ng "second chance" nila ngayon ni Enzo?

Sagot ng 20-year-old actress, “Mas naging totoo ako kasi sa sarili ko, mas naging kumportable ako.

"Kasi before, parang ang daming hindrance kasi, e.

“Ngayon, parang mas naging totoo yung relationship, mas parang naging transparent, mas naging inspiring para sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakita ba siyang pagbabago kay Enzo?

“Mas at ease siya sa akin, tapos mas masayahin siya.

“Kasi siyempre, nag-start na ring magsama yung buhay niya, kasama ang kaibigan niya, at ang buhay niya kasama ako.”

Dati bang magkahiwalay yun?

“Medyo, kasi hindi rin ako nakakasama.”

Masasabi bang nag-a-adjust pa sila sa isa’t isa para mapaganda pa ang kanilang relasyon?

Sagot niya, “Sobra, sobra.

"I think, kailangan talaga para mag-grow at para… alam mo yun?

"Yung maramdaman mo na may relationship kayo na maayos.”



TEMPORARY. Inamin ni Louise na panandaliang nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

“For a time, nawala rin yun, e.

"Siguro tama rin yung sinasabi nila na ang love, kusa ‘yang darating sa iyo.

“Hindi mo kailangang i-pressure yung sarili mo para hanapin yun at para hanapin ka.”

On a scale of one to ten, gaano sila kasaya sa relationship nila ngayon?

“Ano nga ba? Uhm, siguro ten... or more than!” sabay halakhak ni Louise.

On a scale of one to ten uli, anong intensity ba dati ang kanilang relationship?

“Hindi… siguro bumu-borderline siya ng eight to nine.

“Alam mo yung ano... dapat maging masaya ka na walang guilt, saka maging masaya ka na walang itinatago.”

Masasabi bang sinusuportahan na ni Enzo ang lahat ng gusto niyang gawin?

Sagot ni Louise, “Oo, saka ganoon rin ako sa kanya.

“Naging ganoon na rin kami sa isa’t isa, na parang tumibay rin yung friendship namin.”

Supportive ba naman ang parents nila ni Enzo sa relasyon nila ngayon?

Ayon kay Louise, “Palagi namang ganoon, okey naman sila.

"Nakikita ko na kapag alam nilang masaya ako, masaya rin sila.”



BEA-JAKE RECONCILIATION. Samantala, ikinatutuwa ni Louise ang pagbabalikan nina Bea Binene at Jake Vargas.

Isa raw si Louise sa unang nakaalam ng pagbabalikan ng dalawa.

“Like, I was there, kasi nag-start kami na magkakaibigan sa Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko silang nag-grow as a couple, kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

“Nakita ko rin kung gaano sila nasaktan noong naghiwalay sila, nahirapan.

“So, desisyon naman nila yun, e.

"Sino ba naman kami na sabihin na, ‘Sige, magkabalikan kayo,’ kung hindi naman talaga sila okey sa isa’t isa?

“Pero masaya ako para sa kanila.

"Nakikita kong masaya sila at yung relationship nila, better than before.”

Close daw talaga si Louise kay Bea.

“Si Bea kasi, isa sa mga masasabi kong kaibigan ko sa showbiz.

“Talagang problems ko, alam niya, open kami sa isa’t isa.

“Isa siya sa mga best friends ko.

"Kahit mas bata siya sa akin, parang siya pa ang ate ko minsan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN