Young couple Yassi Pressman and Sef Cadayona join benefit dance concert of Kapuso stars for typhoon victims

Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng magkasintahang Sef Cadayona at Yassi Pressman sa pagiging magkaibigan. Ayon kay Yassi, "Kasi, nag-start out kami as best friend talaga. So, parang nandun na rin yung basis namin for the friendship, na love ko na talaga ’yan dati pa. Nandun na rin kami."


Isang hakbang ng ilang Kapuso stars upang makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda ay ang magdaos ng benefit dance concert.

Sa pangunguna nina Mark Herras at Julian Trono, nabuo ang Sayaw Pilipinas: Aahon Ang Bayan Ko, Tutulong Ako.

Gaganapin ito ngayong gabi November 20, 9 p.m., sa Zirkoh, Tomas Morato.

Kasama sa mga magpi-perform ang magkasintahang sina Yassi Pressman at Sef Cadayona.

Bukod sa kanila, maghahandog din ng musical number sina Jay-R, Kris Lawrence, Aljur Abrenica, Gian Magdangal, Frencheska Farr, Aicelle Santos, Winwyn Marquez, Mayton Eugenio, Diva Montelaba, Enzo Pineda, Dion Ignacio, Yasmien Kurdi, Rodjun Cruz, Alden Richards, SexBomb, at Maneouvres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Yassi at Sef sa shooting ng Metro Manila Film Festival 2013 entry na Kaleidescope World, sa Makati Cinema Square, noong November 15, Biyernes.

Sinabi ng dalawang Sunday All Stars mainstays na sa panahong ito ay dapat talaga tayong magtulungan.

Saad pa ni Sef, “Tigilan na lang po siguro natin ang bangayan, magtulungan na lang po.

"Kahit sa paanong paraan, kahit sa maliit na paraan.

"Yun lang naman po ang kailangan, e, dahil kunwari ako, kung may marinig akong taong handang tumulong sa akin, iba na po yung ligayang mabibigay nun sa akin.

"So, I guess, yun din yung kailangan nating ibigay dun sa mga taong nasalanta.”

Sabi naman ni Yassi, “Napakasuwerte natin na hindi tayo nadamay doon.

"Yun pa lang, we will be thankful for that.

"E, isipin mo naman kung ikaw ang nasa posisyon nila?

"Kahit naman kasi bawat isa sa atin magbigay ng kahit isang boteng tubig, ilang tao ang mapapainom mo dun. Ilang tao ang mawawalan ng uhaw.

"Ilang tao ang mawawalan ng gutom sa gabi kapag binigyan mo sila ng kahit konti.

"Alam mo yun... lahat naman tayo nag-share, sinabi nga na ’a little drop from everyone can still fill the ocean,’ di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, makakatulong tayong lahat.

"Kahit isang bote ng tubig, dyusko, you can save a life!

"Kasi, baka yun na ang huling bote ng tubig na kailangan ng taong yun."



REAL-REEL LOVETEAM. Tungkol naman sa kanilang relasyon, tinanong ng PEP sina Yassi at Sef kung paano ba nagsimula ang magandang pagtitinginan nila.

Sagot ni Yassi, “Kasi, nag-start out kami as best friend talaga.

"So, parang nandun na rin yung basis namin for the friendship, na love ko na talaga ’yan dati pa.

"Nandun na rin kami."

Hindi ba sila nagkakailangan kapag may eksena sila sa Kaleidescope World?

Ayon kay Yassi, "Kung meron mang mga eksenang nakakatawa, alam na namin.

"Magbabatukan lang kami or, ganun lang, nagkakatawanan.”

Dagdag ni Sef, “Siguro there are times... kasi siyempre may mga things na sini-share namin, kunyari emotions namin, tapos ilalabas namin on screen, siyempre naa-aloof.

"Pero sa tulong naman po ng director namin at ng production, natulungan nila kami na ibigay yung dapat ibigay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN