Mark Herras enjoins fellow Pinoys to help Yolanda victims

Mark Herras reminds Filipinos to extend help to victims of super typhoon Yolanda: “Huwag na po natin pagkuriputan ang ganitong pangyayari.”


Sa halip na mainis sa mga naninira sa gagawin nilang benefit show, hinihikayat na lamang ng Kapuso actor na si Mark Herras ang mga tao na patuloy na tumulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark kahapon, November 19, sa pocket press conference ng upcoming GMA series na Rhodora X, naikuwento ng actor-dancer na may ilang nangba-bash sa kanya tungkol sa isasagawa nilang benefit concert.

Ito ay ang Sayaw Pilipinas: Aahon Ang Bayan Ko, Tutulong Ako, na gaganapin sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City, mamayang gabi, November 20.

Sabi ni Mark, “Imbes na magsalita sila, tumulong na lang kaya sila.

“Parang, ano ba ang gusto nila, ang tumulong kami nang hindi nila alam?

“Hindi naman namin ito sinasabi ito para i-feature niyo kami.

“Dahil celebrities kami, lumalabas at lumalabas talaga, gumagawa talaga ng ingay.

“Hindi namin sinasadya na kailangan ma-feature kami sa Startalk o kailangan ma-feature kami sa Sunday All Stars.”

HELP IN ANY WAY. Pinaalala rin ni Mark sa fans na gustong manood ng show na wala silang freebies na makukuha.

Paliwanag ng first male winner ng StarStruck, “Hindi naman ito regular show.

“Hindi ito show na kapag bumili ka ng ticket, mayroon kang complimentary na alak.

“Tulong po natin ito sa mga nabiktima sa Visayas.

“Huwag na po natin pagkuriputan ang ganitong pangyayari.”

Gayunman, paniniguro niya, “Hindi lang sila mag-e-enjoy dahil maraming artista o dahil magpe-perform kami.

“Ang pinakamahalagang magagawa ninyo roon, nakatulong kayo sa maliit na paraan na alam niyo.

“Akala niyo lang maliit, pero malaki rin siya eventually.

“Kami naman, kumbaga, ito lang din ang alam naming paraan para makatulong.

"Ito yung paraang alam namin.”

KAPUSO STARS. Nagsimula ang ideya na magkaroon ng benefit show mula sa young actor na si Julian Trono, na humingi naman ng tulong kay Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit biglaan ang planong magsagawa ng benefit show, hindi inasahan nina Mark at Julian na maraming kapwa nila Kapuso stars ang interesadong mag-perform nang libre.

Kabilang na rito sina Jay-R, Kris Lawrence, Gian Magdangal, Frencheska Farr, Aicelle Santos, Wynwyn Marquez, Yassi Pressman, Diva Montelaba, Enzo Pineda, at Sef Cadayona.

Magiging bahagi rin ng benefit show sina Dion Ignacio, Yasmien Kurdi, Rodjun Cruz, Aljur Abreninca, at Jennylyn Mercado.

Ang kabubuang halagang malilikom sa benefit show na ito ay ibabahagi nina Mark at Julian sa mga biktima ng bagyong Yolanda, sa pamamagitan ng Kapuso Foundation at Yes Pinoy Foundation na pinamumunuan ni Dingdong Dantes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN