Sharon Cuneta involved in minor vehicular accident

Ibinalita ni Sharon Cuneta sa kanyang Twitter followers ang nangyaring aksidente sa kanya kagabi, November 19, sa may Bonifacio Global City complex, Taguig City. Bagamat walang nasaktan sa aksidente, "shaken up" daw ang Megastar sa nangyari.


Nasangkot sa isang car accident ang Megastar na si Sharon Cuneta kagabi, November 19.

Ipinaalam ito ni Sharon sa kanyang Twitter followers ngayong hapon, November 20.

Ito ang sunud-sunod na tweets ng Megastar:

"Last night, on my way home from taping, I was in an accident. We were going the right way somewhere in Global City (Fort), when a speeding car from the right hit my van.

"My tire pa burst. His car’s front was super sira. No one got hurt but I have been super traumatized since my car accidents in ’92 and ’93.

"Shaken up. Kiko. Had to come & bring me to my condo where I stay when taping’s sunod-sunod."

Si "Kiko" ay ang mister ni Sharon na si dating Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Sa huli, sinabi ni Sharon na wala ring nangyaring masama sa driver ng nakabanggang kotse.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN