Mark Herras avoids asking Jennnylyn Mercado about her breakup with Luis Manzano

“Siguro mas malalim na ang pagkakaibigan namin ni Jen, hanggang ngayon. Kumbaga, pinagtibay siya ng panahon, parang ten years na,” says Mark Herras about his friendship with StarStruck batchmate and ex-girlfriend Jennylyn Mercado.


Inamin ni Mark Herras na isa siya sa mga napagsabihan ni Jennylyn Mercado tungkol sa breakup nila ni Luis Manzano.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Mark, sa press conference ng upcoming GMA series na Rhodora X, sinabi nitong sinamahan niya at ng iba pa nilang ka-batch sa StarStruck si Jennylyn nang kinailangan nito ng karamay.

Pero agad nilinaw ni Mark na hindi niya inusisa ang dating on-screen at off-screen partner tungkol sa paghihiwalay nila ni Luis.

Kuwento ng 26-year-old Kapuso actor, “Di ko na [tinanong] kung ano’ng ginawa, ano’ng nangyari.

“Hindi na ako nagtanong ng malalalim na tanong, na masyado nang personal para kay Jennylyn.

“About the problem, nandoon kami to support her, bilang kaibigan na puwedeng damayan noong time na [sabihin niyang], ‘Guys, kailangan ko ng kausap.’

“Ganun ang mga suportang ibinibigay namin kay Jen.

“Hindi ko na pinapasok ‘yon [personal issues].”

Ganito rin kaya ang natanggap na suporta ni Mark mula kay Jennylyn nang maghiwalay sila ni Ynna Assitio?

Read: Ynna Asistio confirms breakup with Mark Herras; denies money issue

Bahagyang umiling si Mark at sinabing, “Ako naman kasi, nagsasarili ako ng problema.

“Sa akin naman kasi…well, yung first months, mahirap, nakakalungkot.

“After that, okay naman kami.

"Hindi okay na naghiwalay, pero okay breakup namin, in a way, na we’re good friends.”

Sa ngayon, ayon kay Mark, nananatili ang pagkakaibigan nila ni Ynna, na naging kasintahan niya sa loob ng limang taon.



DEEPER FRIENDSHIP. Inamin ni Mark na mas malalim ang naging relasyon nila ni Ynna kumpara kay Jennylyn.

Subalit mas naging malalim daw ang pagiging magkaibigan nila ni Jennylyn, na halos sampung taon na niyang kakila mula StarStruck days pa nila.

Sina Mark at Jennylyn ang itinanghal na kauna-unahang Ultimate Survivors sa dating reality-based artista search ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Rhodora X, muling magtatambal sina Jennylyn at Mark. Ang huli nilang pagsasama ay sa teleseryeng Ikaw Sana noong 2009.

Dahil pareho silang single ngayon, marami ang nagsasabing posibleng magkabalikan sina Jennylyn at Mark.

Pero kung si Mark ang tatanungin, aniya, “Hindi ko masagot ang tanong na ‘yan kasi ayaw ko siyang pangunahan.

“Ayoko munang bigyan ng malisya ang pagbabalik-tambalan namin ni Jen kasi sayang, e.

“Sayang, kasi kumbaga, magandang project na naman ito ng GMA for the both of us.

“At the same time, ibang klase ng story ito, na ngayon pa lang ita-tackle sa showbiz.

“Kumbaga, puwede naming palalimin pa yung relationship namin bilang magkaibigan.”

Gayunman, ayaw magsalita ni Mark nang tapos tungkol sa sinasabing posibilidad na magkabalikan sila ni Jennylyn.

Sabi niya, “Kung sa bandang dulo, sakaling kami pa rin, malalaman at malalaman pa rin natin.”



SHOWBIZ OR NON-SHOWBIZ? Samantala, tinanong ng PEP si Mark kung sa susunod na relasyon niya ay gusto pa rin niya ng isang taga-showbiz.

“I don’t know,” tugon niya.

“Mahirap kapag showbiz. Mahirap din naman kung non-showbiz.

“Kailangan makakita ka ng tao na sobrang laki ng pang-unawa.

“Ano, every time may issue, mag-e-explain ka nang mag-e-explain?

“Okay lang naman mag-explain. Pero every time na may issue, maiintindihan ba niya?

“Siyempre, alam mo ‘yon, iniisip ko rin naman kung, ’Ano kaya magkaroon ako ng girlfriend na non-showbiz.’

“Mahihirapan naman ako. Lagi akong ganun, ina-anticipate yung mangyayari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN