Angel Locsin on recovery after breakup with Phil Younghusband: "Parang mga Filipino… kapag nalugmok, babangon."

Bilang isang Pinoy, ipinagkakapuri ni Angel Locsin (in photo, with Piolo Pascual) ang katatagan ng ating mga kababayan sa kabila ng trahedyang sinapit dahil sa bagyong Yolanda. Saad ng aktres, "Ganyan talaga ang mga Filipino, e. Kapag nalugmok, babangon at babangon ‘yan. Ganun naman ang mangyayari, basta magtulungan lang tayo."


Ikinumpara ni Angel Locsin ang kanyang sarili sa mga Pinoy na biktima ng matinding kalamidad, nang kumustahin ang lagay ng puso niya pagkatapos ng breakup nila ng football player na si Phil Younghusband.

Read: Angel Locsin and Phil Younghusband break up?

Sabi ng Kapamilya actress, “Okay naman. Parang mga Filipino…

“Filipino rin naman, na kapag nalugmok, babangon. Ganun lang naman yun.

“Basta, okay naman, okay naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa Tulong Na, Tabang Na, Tayo! An All Star Benefit—ang benefit concert ng ABS-CBN para sa mga biktima ng bagyong Yolanda—na ginanap noong Sabado, November 16, sa Smart Araneta Coliseum.



CHEV FOR AUCTION. Samantala, bilang personal na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, ipinapa-auction ni Angel ang kanyang vintage car na 1970 Chevrolet Chevelle.

Ang mapagbebentahan nito ay gagamitin para sa relief efforts sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Read: Angel Locsin confirms donation of her 1970 Chevrolet Chevelle to super typhoon victims

Saad ng 28-year-old actress, “[Idinaan] ko sa Sagip Kapamilya, naghihintay lang ako ng bibili.

“Sana po… sobrang mahal ko yung sasakyan na yun. Pinuntahan ko pa ito sa ibang bansa para hanapin talaga.

“Sana sa mga car collectors, sa mga mahilig sa sasakyan diyan, or sa mga gustong makatulong, ito...

"Malaking bagay ito para sa mga naging biktima ng trahedya kung mao-auction itong sasakyan na ito.

“Mahal ko kasi ang sasakyan na ito, sobra.

“Isa itong magandang project na suportahan sana para sa mga biktima."

PROUD PINOY. Bilang isa sa mga artistang sumuporta sa Tulong Na, Tabang Na, Tayo!, labis-labis ang pasasalamat ni Angel sa big bosses ng ABS CBN at sa mga kababayaan nating sumuporta sa nasabing fundraising show.

Aniya, “Nakita natin na ganito ang malasakit ng mga Filipino, so mabuhay ho kayo—sa mga boss natin sa ABS CBN, of course, sa mga Kapamilya natin na patuloy ang pagbigay ng suporta, ng donasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman kasi lahat may time magbigay, pero gumagawa pa rin ng paraan na makatulong kahit papaano.

“Nakaka-proud talaga.”

Marami ring foreign correspondents na nag-cover ng pagsalanta ng bagyong Yolanda ang humanga sa tatag at tibay na ipinakita ng mga Pinoy.

Ipinagmamalaki naman ito ni Angel bilang isang Pilipino.

“Iba na ngumingiti pagkatapos ng sakuna.

“Ganyan talaga ang mga Filipino, e. Kapag nalugmok, babangon at babangon ‘yan.

“Ganun naman ang mangyayari basta magtulungan lang tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN