Jennylyn Mercado fed up with questions about breakup with Luis Manzano

Tila nagsawa na si Jennylyn Mercado sa mga tanong tungkol sa breakup nila ni Luis Manzano. Kaya naman nang muling tanungin tungkol dito, sabi niya: “Whatever it is, ayoko na… ayoko nang mag-focus doon. Tapos na, e. Ano na lang, siguro ibigay na lang sa akin. Ayoko nang pag-usapan.”


Iwas nang magbigay ng pahayag si Jennylyn Mercado tungkol sa breakup nila ni Luis Manzano.

Tuwing nakakaharap kasi ng media ang Kapuso actress-TV host ay ito ang itinatanong sa kanya.

Gaya na lamang sa pocket presscon ng upcoming primetime series niya sa GMA, ang Rhodora X, na ginanap kahapon, November 19, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Kaya nang muli siyang tanungin tungkol dito ay ito ang mga katagang narinig ng press kay Jennylyn:

“Tahimik na lang, tahimik na lang."

“Ayoko nang mag-comment—tapos na, tapos na."

“Ayoko nang pag-usapan."

“It’s our personal… it’s my personal decision. Respeto na lang din natin.”

Sa parte naman ng media, bagamat inamin nina Jennylyn at Luis na wala na nga sila, hinahanap pa rin kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

At ito sana ang gusto nilang alamin sa StarStruck alumna.



THE BREAKUP. Sa ibang mga katanungan ay medyo mahaba naman ang sagot ni Jennylyn, gaya ng kung mas nasaktan ba siya ngayon sa paghihiwalay nila ni Luis kumpara sa mga nakaraan niyang breakups.

Sabi ng 26-year-old actress, “Lahat naman ng breakup, masakit. Basta, wala nang comparison.

“Siguro, lahat naman ng naghihiwalay, hindi naman madali.”

Masasabi ba niyang naka-move on na siya?

“Better,” sambit ni Jennylyn.

May pagkakataon bang umiiyak pa rin siya?

“Ayoko nang i-share, sa akin na lang yun,” nakangiti niyang pag-iwas.

Hindi rin sinagot nang diretso ni Jennylyn ang tanong kung totoong sa pamamagitan ng cellphone lang nila tinapos ni Luis ang kanilang relasyon.

“Whatever it is, ayoko na… ayoko nang mag-focus doon.

“Tapos na, e. Ano na lang, siguro ibigay na lang sa akin.

“Ayoko nang pag-usapan,” ulit niya.

Kung magkita sila ni Luis, kaya niya itong harapin?

“Oo naman, of course,” sagot ni Jennylyn.

Kumusta naman sila ngayon ng ina ni Luis na si Governor Vilma Santos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Jennylyn, “Ang importante naman po, sobrang bait po niya sa akin.

"Malaki po ang respeto ko sa kanya.

“Si Tita Vi, very loving, napakabait niyang tao. Wala po akong masabi talaga.”

Kahit wala na sila ni Luis, posible kayang maging okay pa rin ang relasyon ni Jennylyn kay Governor Vi?

“Ako, oo. Mabilis na sasagutin ko, opo.”

NO THIRD PARTY. Muli ring iginiit ni Jennylyn na walang third party sa breakup nila ni Luis.

Kaya nga nahihiya raw si Jennylyn sa mga lalaking nauugnay sa kanya, na dahilan diumano ng hiwalayan nila ni Luis.

Kabilang na rito ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo, at maging ang leading man niya sa Indio na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Sabi ni Jennylyn tungkol sa pagkakaugnay niya sa actor-politician, “Nakakahiya kay Senator. Para ko nang father image si Sen.

“Nakakahiya naman kung pati siya idadamay.

“At saka, nakakahiya kay Ms. Lani [Mercado, Bong’s wife].

“Respeto naman, nakakaano naman yun.”

Ulit pa niya, “Nakakahiya, nakakahiya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN