Angelica Panganiban says typhoon Yolanda reminds her of Bohol earthquake: "Parang nagpa-flashback sa akin."

Angelica Panganiban on her adoptive mother’s death last May 2013: "Yung pagkamatay ng mother ko, kailangan ko na siyang tanggapin na celebration of life yun. Tapos na ang buhay niya dito sa earth. Masayang-masaya na siya ngayon, and dapat masayang-masaya ako para sa kanya."


Dahil sa personal na naranasan ni Angelica Panganiban ang yumanig na 7.2 na lindol sa Bohol noong October 15, nakakaramdam pa rin siya hanggang ngayon ng nerbiyos tuwing may pagyanig na nangyayari sa kanyang paligid.

Lumalabas na may post-traumatic syndrome ang Kapamilya actress sanhi ng naranasan niyang lindol sa Bohol.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hanggang ngayon, may trauma ako.

"Kapag naririnig ko na may nagba-vibrate... halimbawa, kumakain, tapos magba-vibrate yung cell phone, ’Ngiii!’ Nagpa-panic ako ng ganoon."

Nakausap ng PEP si Angelica sa launching niya bilang endorser ng Excelente Light Brandy sa One Esplanade, SM Mall of Asia, noong November 14.

SUPER TYPHOON. Ilang linggo lamang pagkatapos ng lindol sa Bohol, na tumama rin sa Cebu, ay dumating naman ang super typhoon Yolanda sa ilang karatig-probinsiya sa Visayas, kasama na ang Leyte at Samar.

Tinanong namin si Angelica kung nakaramdam din ba siya ng takot nang dumating ang napakalakas na bagyo sa Pilipinas noong November 8.

Kuwento ng Kapamilya actress, "Actually, nung mismong bagyo ng Yolanda, sobrang lakas ng hangin kahit sa Manila.

"Talagang hindi ako makatulog. Takot na takot talaga ako. Parang tingin ko, anytime...

"Hindi ko pa alam na ganoon kalakas yung mangyayari. Hindi ko pa nakikita yung effect niya, ganyan.

"Pero yung takot ko talaga, tapos naiiyak na ako, hindi ako makatulog.

"Tapos yung PA [personal assistant] ko ang natulog sa kuwarto, kasi takot na takot talaga ako.

"Parang nagpa-flashback sa akin.

"Parang kung ano yung takot na nararamdaman ko noong nasa Bohol ako, ganoon din yung takot na nararamdaman ko noong nandoon ako sa bahay nung bumabagyo. So, ayun."

Dagdag niya, "Kinabukasan, sabi ko, ’Ayan, tumigil na ang ulan,’ ganyan.

"Tapos, kasi noong nag-Bohol kami, ang advise sa amin, huwag kaming manood ng mga news, kasi pa-flashback daw sa amin.

"Baka raw hindi pa kami ready na makita yung nangyari sa Bohol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi talaga ako nanood. Iniwasan ko na.

"Pero sinubukan ko dati, one time. Tapos, hindi ko kaya, naiiyak ako.

"So, ngayon, noong nandoon na yung mga kaibigan ko sa bahay, Saturday yun ng gabi [November 9]...

"Yun nga yung maliit kong salu-salo sa bahay ko, para sa birthday ko, noong mga taga-Banana [Split, gag show kung saan kasama si Angelica]."

November 4 ang aktuwal na kaarawan ng 27-year-old actress.

Pagpapatuloy niya, "’Panoorin kaya natin yung nangyari sa bagyo?’

"Sabi ko, ’Naku, huwag na. Hindi natin kaya. Magkakasama pa tayo,’ ganyan.

"Wala kaming alam. OA na pala yung nangyayari sa Bisaya!

"Sunday [November 10] ko na nalaman noong makita ko yung mga picture.

"Natatakot pa rin ako, pero nagbukas na ako ng TV.

"Tapos ayun, parang nawala naman ang takot ko dahil OA kasi yung nangyari.

"Parang na-overcome yung takot ko sa mga nangayari sa mga taga-Visayas.

"Nakita ko na mas grabe ang mga nangyari doon."



BATTLING HER OWN STORMS. Paano siya nag-celebrate ng birthday niya?

Kuwento niya, "Sa bahay lang kami.

"Inimbita ko lang yung sa Banana Split [cast].

"Tapos si Bea [Alonzo], yung mga kaibigan namin na close sa Banana, yung mga lagi naming guests, ganyan.

"Pero noong una... ang hirap, e.

"Kasi noong nag-birthday nga ako, parang sabi ng mga kaibigan ko, ’Ano, mag-celebrate ka kasi naging maganda ang taon mo.’

"Parang sabi ko, ’Ay, sandali lang...’ Inisip ko yung magagandang nangyari.

"Parang sabi ko, ’Paano ako magse-celebrate?’

"Namatay ang mommy ko nung May. Tapos, nilindol ako noong October."

Ang adoptive mother ni Angelica na si Melania David Panganiban ay pumanaw noong May 14, 2013.

Ayon pa kay Angelica, "Kaya sabi ko, parang ayokong mag-celebrate.

"Parang, di ba, sabi nila, laging tatlo ’yan?

"Sabi ko, ’Ano, maghihintay pa ba ako ng pangatlo?’

"So, parang, sabi ko, e, yung pagkakaligtas namin sa Bohol, kumbaga, tiningnan ko siya in a positive way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, binaligtad ko yung pangit kong pag-iisip nung mga oras na yun.

"Sabi ko, second life ko ’to, so magse-celebrate ako.

"And, I don’t think... yung pagkamatay ng mother ko, kailangan ko na siyang tanggapin na celebration of life yun.

"Tapos na ang buhay niya dito sa earth.

"Masayang-masaya na siya ngayon, and dapat masayang-masaya ako para sa kanya.

"I’m sure haping-happy siya.

"Kasi kapag napapanaginipan ko siya, lagi siyang masaya.

"Inom lang siya nang inom ng Coke, kasi favorite niya yun.

"E, siyempre, nung nandito pa siya, pinagbabawalan namin, ganyan.

"So, parang ngayon daw, inom lang siya nang inom ng Coke.

"Tapos ang kinis-kinis ng balat niya, mukha siyang bata.

"So, naisip ko, happy na talaga siya where she is."

ANGELICA’S REALIZATIONS. Pagkatapos ng mga trahedyang dinaanan niya, may nabago ba sa mga pananaw niya sa buhay?

Saad ni Angelica, "Noong tumatakbo ako [habang nililindol ang Bohol], feeling ko, yung tubig, nasa likod ko na.

"Kasi nagkaroon ng tsunami scare, di ba?

"So, iniisip ko talaga, ang tumatakbo sa isip ko, ’Ayaw ko pang mamatay, Lord.’

"Tapos parang, di ba, sabi nila magpa-flashback daw yung buhay mo?

"Parang ako, nag-past forward ako.

"Inimadyin ko na lang ang magiging hitsura ng anak ko, ganyan, habang tumatakbo ako.

"Basta inisip ko na lang, ’Ay, masaya. May pamilya na ako,’ ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN