Ryza Cenon says friend LJ Reyes is now "moving on" after breakup with Paulo Avelino

Ryza Cenon on being a spinster: “Alam ninyo po, minsan naiisip ko ‘yan. Sabi ko, parang feeling ko, destiny ko talaga maging matandang dalaga.”


Bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Batch 2, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng malaking break si Ryza Cenon.

Karamihan kasi ng winners ng reality-based artista search ng GMA ay nagkaroon na ng launching vehicles; gaya nina Jennylyn Mercado at Mark Herras (Batch 1), Jackie Rice (Batch 3), Aljur Abrenica at Kris Bernal (Batch 4), at maging si Sarah Lahbati (Batch 5) bago ito nagpahinga mula sa showbiz.

Pero sabi ni Ryza tungkol dito, “Di ba, lagi ko namang sinasabi na kung time ko, time ko, di ba?

“Malay mo, hindi ko pa time talaga kaya ganoon.

"Pero siyempre, yung GMA naman, may plano naman para sa akin.

“Siguro ngayon, kailangan pa na meron akong patunayan para mabigyan ako siyempre, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa grand launch ng GMA primetime series na Adarna noong nakaraang linggo.

DANCER WITHOUT A SHOW. Hindi rin sumama ang loob ni Ryza na hindi siya ginawang mainstay sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars (SAS).

Ito ay sa kabila ng bansag sa kanyang "Bad Girl on the Dance Floor"—female counterpart ni Mark Herras—dahil sa husay niya sa pagsasayaw.

Sabi ni Ryza, “Gini-guest naman nila ako, e, pero okey lang.

"Nanonood nga ako lagi, e.”

Ang First Princess niya sa StarStruck Batch 2 na si LJ Reyes ay mainstay ng SAS.

Sabi niya tungkol dito, “Nanonood ako, tapos tini-text ko si Girlfriend, si LJ, mga comments ko.”



LJ-PAULO BREAKUP. Bilang matalik na kaibigan ni LJ, hiningan namin ng reaksiyon si Ryza tungkol sa paghihiwalay nina LJ at Paulo Avelino.

Ayon kay Ryza, alam na niya ang hiwalayan ng dalawa bago pa umamin ang mga ito.

“Siyempre naman, pero siyempre, nirerespeto ko naman si Girlfriend.

“Siyempre, ayoko namang sa akin manggaling, di ba?

“Pero I’m happy na na-open na niya sa lahat, pero iyon...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And happy rin naman ako ngayon na nakaka-move on na siya, di ba?

“Nandiyan naman si Aki [anak nina LJ at Paulo], nandito naman kami.”

Nagulat ba si Ryza nang nalaman niya ang paghihiwalay nina LJ at Paulo?

Sagot niya, “E, siyempre, naawa rin naman ako kay Aki.

"Pero sa kanila na yun, e, problema na nila yun.

“Ang hirap ding makialam, baka ikaw pa yung masisisi, di ba?

“Or, bakit kami nakikialam?

“Kumbaga, buhay na nila yun, e, problema na nila yun, so nirerespeto ko yun.

“Binibigyan ko siya ng space. Yung parang, ‘Kung magkukuwento ka sa akin, sige open ako. Pero kung ayaw mong i-open, okey lang din naman sa akin.’”

Pero nag-open up din naman daw si LJ sa kanya.

“Ganoon kami, e, naghihintayan kami.

"Hindi kami nagpo-force na, ‘Uy, anong problema? Sabihin mo.’

“Mga ganoon, ganoon kami, open talaga kami na nagbibigayan kaming lahat na magkakaibigan.”

Ano ang advice niya kay LJ?

“Sabi ko, ‘Okay lang naman yun, nangyayari talaga ‘yan. Kahit nga sa mga may kasal, nangyayari ‘yang problema, e. Pero sana iisipin ninyo pa rin si Aki.’”

“Na, ‘Iyon na yung center ng ano ninyo, si Aki, na huwag siyang maapektuhan.’”

“Di ba? Iyon lang yun.”

Sa palagay ba ni Ryza ay nasaktan nang husto si LJ sa mga nangyari?

“Siyempre, hindi naman aabot siguro sa ganoon kung hindi siya nasaktan, e.”



GOING ON DATES. Si Ryza naman ay mag-iisang taon na ring loveless matapos ang breakup nila ng isang dancer.

Iwas niya, “Actually, ayoko na siyang pag-usapan kasi tapos na siya, e.

“Ang tagal na rin, e, huwag na lang natin sigurong pag-usapan.”

Hindi naman niya itinangging nakikipag-date siya ngayon.

“Hindi naman talagang date, pero meron akong mga nakikilalang mga bagong friends, ganyan...

“Pero hindi pa, huwag muna siguro.”

Wala ba siyang masugid na manliligaw ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, masungit kasi ako!” sabay-tawa niya.

“Ganoon yun. Huwag na muna siguro kasi bata pa ako, e, tsaka focus muna.”

May nagbiro kay Ryza na baka maging matandang dalaga siya.

“Alam ninyo po, minsan naiisip ko ‘yan.

"Sabi ko, parang feeling ko, destiny ko talaga maging matandang dalaga.”

Sa December 25 ay 26 years old na si Ryza.


BAKING BUSINESS. Sa ngayon, bukod sa showbiz, ay nakatuon ang atensiyon ni Ryza sa pagbe-bake.

Tuloy pa rin ang catering service ni Ryza na Rebel’s Kitchen.

Kuwento niya, “Tapos, nagbe-bake rin po ako kapag wala akong ginagawa.

“Pampalibang kapag wala akong ginagawa.

“Pag kunyari, na-stress ako sa problema ko sa personal, ganyan, sa bahay, ganoon po ginagawa ko.

“Masarap! Kahit galing yun sa stress.

"Kasi pag binaligtad mo ang stressed, desserts!” at tumawa si Ryza.

“So kapag stresssed, desserts na masarap ang kakalabasan.

“Yung baking ko po, hindi naman po talaga ako nag-aral. Nagbabasa lang ako sa Internet, ganyan, sa YouTube.”

Red velvet cupcakes ang specialty niya at wala raw siyang puwesto for her business.

“Wala pa po, iyon nga yung sinasabi nila.

“Kasi nagdala ako before noong minsan sa set.

“Tapos sabi nila, bakit hindi raw ako magtayo ng kahit na maliit lang na puwesto.

“Siyempre po, pag nagpuwesto ka, kailangan muna... siyempre hindi pa strong yung business mo, e.

“So, kailangang nandoon ka, meron kang i-give up na isa, at doon ka magpo-focus.

"E, ang hirap naman po noon.

“Hindi po ako open, pinipili ko lang kasi nakakatakot.

“Before po kasi, nag-open po ako sa Instagram, so yung iba nagme-message, o-order daw sila, kung magkano.

“Yung iba po, gusto ka lang nilang makausap pero hindi sila o-order.

“Tapos nagtatanong sila, tapos hindi na sila nagre-reply kapag nag-reply ka na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN