Angelica Panganiban on settling down with John Lloyd Cruz: "Kapag nag-propose siya next year, sasagutin ko na siya!"

Natutuwang sinabi ni Angelica Panganiban na sariling desisyon ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na magkaroon na ng healthy lifestyle, at hindi siya ang nag-udyok. Pahayag pa ng aktres, "Maganda kasi na gusto mo ng change para sa sarili mo, na sa ’yo nanggagaling. Kasi kapag iba yung nagbibigay sa ’yo noon, I think napipilitan ka lang or gagawin mo yun para sa taong nagsasabi. So, maganda na sa kanya nanggaling yung effort na yun."


"Hindi ngayon. Baka next year!"

Ito ang natatawang sagot ni Angelica Panganiban nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gusto na ba niyang lumagay sa tahimik.

Tatanggapin ba niya agad kung sakaling mag-propose sa kanya ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz?

"Kapag nag-propose siya next year, sasagutin ko na siya!" kinikilig na sagot ni Angelica.

Natatawang biro pa niya sa amin, "Ayan, may scoop ka na naman!"

Pero paliwanag niya, "Hindi, kasi siyempre, di ba, noong bagets ako, sabi ko, gusto ko, kapag 28 na ako, may asawa na ako.

"Para pagdating ko ng 30, mag-aanak na ako.

"E, 27 na ako ngayon."

Paano kung hindi pa mag-propose si John Lloyd sa kanya next year?

"Kung wala, e, di hintay ako next year, hanggang 29.

"Kapag wala pa rin, 30.

"Tapos kapag 31, hihiwalayan ko na!

"Ano ba? Maghahanap na ako ng ibang pakakasalan ko!’" natatawang biro na naman niya.

Gusto na rin ba niyang magkaroon ng baby?

"Hindi pa muna. Parang mas gusto kong ma-enjoy muna ang buhay may-asawa."

HEALTHY LIFESTYLE. Nakausap ng PEP si Angelica sa launching niya bilang endorser ng Excelente, isang brand ng light brandy, noong November 14.

Dahil alak ang bagong endorsement niya, tinanong namin si Angelica kung ipapatikim ba niya kay John Lloyd ang iniendorso niyang produkto.

"Kapag gusto niya!" natatawang sabi ng aktres.

Mahilig ba sa light brandy si John Lloyd?

"Hindi naman... Hindi, ngayon din kasi, siguro dahil sa age, parang... hindi talaga.

"Meron siyang ano, noong nag-thirty siya, meron talaga siyang...

"Hindi lang naman niya sa akin sinasabi yun, kundi pati sa pamilya niya, gusto niya magkaroon ng healthy lifestyle.

"So, kaya siya, mahilig siya na mag-bike uit ngayon.

"Tapos, tumatakbo siya kapag may chance."

Siya ba ang nag-udyok nito kay John Lloyd?

"Hindi... ayaw ko rin naman kasi ng ganoon.

"Maganda kasi na gusto mo ng change para sa sarili mo, na sa ’yo nanggagaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kapag iba yung nagbibigay sa ’yo noon, I think napipilitan ka lang or gagawin mo yun para sa taong nagsasabi.

"So, maganda na sa kanya nanggaling yung effort na yun."

Kailan ba huling uminom si John Lloyd?

"Ay, hindi ko naman sinasabi na wala na.

"Kumbaga, siguro moderate na lang.

"Na-realize niya na hindi rin maganda na matsismis siya na ganito, ganyan.

"So ngayon, okey-okey din naman."

Natuwa siya sa naging desisyon ni John Lloyd about his health?

"Oo naman, kasi malaking bagay yun na nakikita mo na, kumbaga, nare-realize mo na, ’Ay, mahal nito ang sarili niya,’ ganyan."

DRINKING BUDDY. Aware ba si Angelica sa komento ng iba na magkasundo raw sila ni John Lloyd pagdating sa hobby ng pag-inom?

"Oo," sambit niya.

"E, yung iba naman kasi, kasi para sa akin, halimbawa...

"Halimbawa, ha... may isang artista, halimbawa, sobrang husay na artista. For example, si Johnny Depp.

"Sabihin natin drug addict si Johnny Depp, pero nagpe-perform siya na sobrang galing.

"Wala siya... hindi siya napapabalitang hindi sumisipot ng trabaho.

"Hindi siya napabalitang pinapabayaan niya ang trabaho niya, yung pamilya niya o nakitang... I mean, wala.

"Wala siyang naagrabyadong tao, professional siya.

"So, para sa akin, o, di sige, maging addict ka.

"At least, ginagawa mo yung trabaho mo, yung part mo bilang isang professional na tao."

Nilinaw ni Angelica na hypothetical lamang ang paggamit niya kay Johnny Depp bilang halimbawa sa nais niyang ipunto.

Patuloy niya, "So, sa akin kasi, kung ganoon ang sasabihin nila na, ’Ay, malakas uminom,’ o, e, ano naman? Di ba?

"Sabihin nila na mataray ako? E, bakit?

"I mean, ginagawa ko ang trabaho ko. Nasa trabaho ako, nagpe-perform ako nang maayos, ibinibigay ko yung best ko.

"At kapag gusto kong mag-enjoy, mag-e-enjoy ako.

"Kapag gusto kong mag-celebrate dahil nakatapos ako ng isang trabaho, magse-celebrate ako, hindi ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, I’m sure, ganoon lang din naman, di ba?

"Pagkatapos ng isang mahabang trabaho, gusto nilang umuwi, iinom sila two bottles, kasama nila ang mga kaibigan nila.

"Parang ganoon naman, e. Masyado lang nama-magnify kasi artista kami."

CHRISTMAS PLANS. May plano na ba sila ni John Lloyd kung saan sila magpa-Pasko?

"Wala pa, pero dapat... Hindi namin alam kung aalis kami ng bansa or hindi na lang sa Pasko.

"Pasko lang, pagitan noon bago mag-New Year.

"Parang ang gusto niya talaga, parang out of town. Parang Davao or ano.

"E, noong nalindol kasi ako sa Bohol, medyo natatakot talaga ako.

"Oo, may trauma pa ako."

Anong Christmas gift ang guso niyang matanggap mula kay John Lloyd?

"Hindi ko alam. Wala, masaya lang ako.

"Mas mahilig ako sa moments, memories, ganyan."

Ano ang favorite moment niya with John Lloyd?

"Takbo sa beach, habulan..."

May nakunan ba siyang ganitong moment nila ni John Lloyd?

"Ayaw niya, e. Gusto niya kaming dalawa lang."

Hindi ba’t mahilig siya mag-post sa social media ng "moments" nila ni John Lloyd?

"Oo, okey lang naman sa kanya na i-post. Pero dapat hindi niya nakikita!" natatawang sabi ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN