Christopher Roxas reacts to claim that Iglesia Ni Cristo refused to shelter non-members at the height of Typhoon Yolanda

"Eto, sinasabi ko, hindi dahil Iglesia ko. Pero yung hindi nga kailangan, nagkakaroon kami ng pagtulong. Sa daming pera ng Iglesia, sobra-sobra, kumbaga, sine-share nila. Walang kalamidad, nakakapagbigay, yung ganun pa?" pahayag ng aktor na si Christopher Roxas tungkol sa balitang hindi raw nagpasilong ng mga hindi kasapi ang isang simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa Balasan, Iloilo, noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.


Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng aktor na si Christopher Roxas kaugnay ng kumalat na balita tungkol sa pagtanggi diumano ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Balasan, Iloilo, na pasilungin sa kanilang simbahan ang hindi kasapi ng kanilang relihiyon nang manalasa ang bagyong Yolanda noong November 9.

Ang kuwento ay nagsimula sa post ng isang "Mai Militante" sa Facebook.

Nauna nang pinabulaanan ng misis ni Christopher na si Gladys Reyes sa PEP na may ganoong pangyayari.

Parehong miyembro ng Iglesia Ni Cristo sina Christopher at Gladys.

Read: Gladys Reyes disputes claim by Facebook user that Iglesia Ni Cristo refused to shelter non-members during Yolanda onslaught



CHRISTOPHER ON INC ISSUE. Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Christopher sa taping ng afternoon series na Pyra, sa Quezon Memorial Circle, noong Lunes, November 18.

Nagbigay ng pahayag ang aktor tungkol sa sensitibong isyu na ito.

Saad niya, “Ako, bilang Iglesia, hindi ako sure kung hindi pinapasok o namili o ano.

"Pero, I think, bilang tao at nakikita mong ganun kaano, hindi mo naman siguro ila-lock yun para pabayaan sila.

“Kasi ako, ang unang stand ko noong marinig ko yun, siguro ano lang... confident ako na hindi ganun, yun.

"Kasi, labas ang religion, bilang tao na lang ang usapin doon.

"Tanggal na ang religion na Iglesia ka ba o hindi?"

Ngunit may ibang tao na naninindigang may ganoon nga raw na nangyari.

Sabi ni Christopher tungkol dito, “Yun din ang nabasa ko.

"Pero, well, marami rin galit sa Iglesia.

"Kumbaga, kami, ang paniniwala namin, ang Iglesia itself, banal.

"Pero tao ‘yan… tao yung mga nandiyan.

"Pero ako, tingin ko, hindi. Hindi naman siguro.”

Hindi ba napag-usapan ang isyung ito kapag may samba sila sa INC?

Ayon kay Christopher, “Sinabihan lang kami na may pinagdadaanan na ganoong usapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ano ‘yan, e, alam mo naman ang totoo—at yun naman ang importante.

"At sa tingin ko, hindi totoo.”

Dagdag niya, “Eto, sinasabi ko, hindi dahil Iglesia ko.

"Pero yung hindi nga kailangan, nagkakaroon kami ng pagtulong.

"Sa daming pera ng Iglesia, sobra-sobra, kumbaga, sine-share nila.

"Walang kalamidad, nakakapagbigay, yung ganun pa?

“Kumbaga, kung ako, kung ako yung nasa gate, taga-Tacloban ako, siyempre tanggal na yung... kababata mo, hindi mo bubuksan?

"Siyempre, hindi naman lahat Iglesia, kamag-anak lang."

May lumabas ding mga larawan sa social media kung saan nanatiling nakatayo at halos walang sira ang isang simbahan ng Iglesia Ni Cristo sa Tacloban.

Naging isyu rin ito dahil may ilang miyembro ng INC na nagsasabing patunay raw ito na sila lamang ang maliligtas kapag dumating na ang paghuhukom.

Pero ayon kay Christopher, “Yun ang ibig sabihin... ibig sabihin, yung materyales, hindi tinitipid.

"Yun lang yung ano ko dun, kasi yun lang ang natira, e."

Iginiit din ni Christopher na hindi matitinag ng isyung ito ang paniniwala niya.

Sabi niya, “Ako, sa akin, hindi naman yun ang pinaniniwalaan ko, yung doktrina ang pinaniniwalaan ko, e.

"Sabi ko nga, Iglesia naman ako, hindi naman ako kay Manalo tumitingin, kung hindi doon sa doktrina.

“Ang pananampalataya ko, wala sa tao.”

Si Felix Manalo ang founder at kauna-unahang Executive Minister ng INC, na naitatag noong 1914.

Naniniwala ang mga miyembro ng INC na si Ka Felix ang huling sugo ng Diyos.

PYRA. Samantala, bilang isang aktor, masaya si Christopher sa kauna-unahan niyang teleserye sa GMA, ang Pyra.

Sa loob kasi ng mahabang panahon ay sa ABS-CBN lang napapanood si Christopher.

Pahayag niya, “Masaya, masaya ako.

"Mabait ang mga boss. Mabait ang mga tao.

"Siyempre, sa ABS, okay rin, halos doon ako lumaki.

“Pero itong project na ‘to, maganda at nabibigyan mo ng magandang trabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng aktor, “For the longest time, first time kong magtrabaho rito. Maganda yung role. Masaya.

"Dati kasi, puro guesting lang, kaya first time kong mag-soap sa GMA.”

Nasa cast din ng Pyra ang misis ni Christopher na si Gladys, pero wala raw silang eksena na magkasama.

Natatawang biro niya, "Ang saya-saya ko na wala!

“Kahit nga sa kabila, merong show na magkasama kami, sinasabihan ko ang handler ko na, wala lang, ’Yan na naman? Wala ng iba?’

“Nakakatuwa lang dito na bago ako mag-start dito sa 7, may mga nakausap akong tao.

"Sabi ko, gusto kong i-try.

"Nakakatuwa, kasi yung ganitong kalaking role, para sa baguhan sa kanila, ibinigay naman nila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN